Her Promise

2 0 0
                                    

"Trey, bagalan mo namang mag-lakad" reklamo ko

Por que ba matangkad siya tsaka mahahaba ang legs niya at ako hindi pwede na niya akong iwan?! Anong klaseng best friend siya?! Hindi ko siya kabati.

"Bakit ba kasi ang bagal mong maglakad?" Tanong niya habang patuloy pa rin na naglalakad. Hindi man lang ako nilingon. Ito mababangasan ko 'to. Nilingon niya akong nakangusong tila nababagot. Hah ang cute. Paatras siyang lumakad, kaharap ko pero medyo malayo na siya.

"FAYE! Bilisan mo kayang maglakad" aniya kaya humabol na ako.

Siya si Trey Fuentes, ang best friend kong bipolar, hindi naman yung bipolar na baliw ha pero parang ganon na rin yun. And sad to say, I am one of those who fell in love with their best friend but then, it's unrequited. Ouch! Saklap diba?

"FAYE!" muling tawag niya. Naiwan nanaman pala ako. Hayst. Hinabol ko siya at pilit sinabayan ang mga hakbang niya.

NANANAHIMIK akong nags-sketch nang biglang may umihip sa tenga ko at pustahan tayo bente, si Trey nanaman yun. Inis ko siyang nilingon at tinapunan ng nagtatanong na tingin.

Tinuro niya yung pintuan at doon, doon ko namataan si Bianca. Sino siya? Well, siya lang naman si Bianca Celeste. Pangalan palang maganda na, a beautiful celestial being. Siya lang naman ang pinaka-mamahal na babae ni Trey. Pero kahit na, akin parin siya. Gosh! Hashtag possessive BEST FRIEND.

I want to be in her shoes even just for a day, kahit isang araw lang ay maramdaman kong may gusto din siya sa'kin which is malabong mangyari.

MAAGA pa sa manok akong gumising. Andito nanaman ako sa burol. Ito ang tambayan namin ni Trey. Jusmiyo marimar bakit ang aga-aga binubulabog nanaman ni Trey ang utak ko? Wala ba siyang ibang magawa? Ipatapon ko kaya siya sa Tartarus.

"Argh P*ta!" Sigaw ko at napasabunot pa sa sarili.

"Kailan ka pa natutong magmura?" Napalingon ako nang may nanlalaking mata. Nakapamewang siya na ang taas-taas tapos nakataas pa ang kilay. Para siyang tiyahin ko.

"Eh bakit ikaw, nagmumura ka rin naman a" sabi ko at iniripan siya.

Bumuntong-hininga siya at tumabi sa'kin, matapos nun ay natahimik kami. Nakaharap sa Silangan.

"Hinihintay mo nanamang sumikat ang araw, tama ba?" Napangiti ako sa sinabi niya at tumango "lagi mong hinihintay at pinapanood ang sun rise pero kahit kailan, hindi mo pinanood ang sunset, hindi ko ulit tatanungin kung bakit kasi paniguradong hindi mo rin naman sasagutin"

Tama siya, ni minsan ay hindi ako humarap sa kanluran para panoorin ang paglubog ng araw.

"Gusto mo ba talagang malaman, Trey?" Tanong ko habang nakaharap sa sumisikat na si haring araw

"Siyempre naman, best friend kita tapos ayaw mong sabihin sa'kin kung bakit." Best friend.

Humiga ako sa damuhan bago muling nagsalita "Sunset means end for me, Trey. Sunset namatay si ate Fate at lala. Sunset is my most hated part of a day"

"Bakit sunset pa? Hindi pa pwedeng gabi nalang since yun yung madilim?" Takang tanong niya

"Night is dark, yes, but the darkness covers the scars of the day. Para sa'kin, sun rise ang pagkabuhay, sunset ang pagkamatay, at gabi ang pagkaka-reincarnate natin, yun yung thrill. And to tell you the truth, once na lumingon ako sa kanluran at pinanood ang sunset, that means goodbye. Aalis na ako kapag nangyari yun" mahabang paliwanag ko.

Matagal kaming natahimik. Baka iniisip pa niya yung sinabi ko. Or pwede rin namang si Bianca. Gosh I sound like a jealous girlfriend na tuloy. Kaunti nalang at ganap nang makikita ang araw at sa oras na yun ay uuwi na ako. And boom. Tatayo na sana ako nang magsalita si Trey.

Las Novelas CortaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon