#7 Apart 2

1 0 0
                                        

Charlie's POV

Isang buwan na lang ay aalis na si Ian kaya nag babalak ako na isurprise siya sa anniversary namin. Siguro ay mag pipicnic kami o kaya ay mag date. Medyo busy na kase talaga ngayon si Ian this past few days dahil ang dami na niyang inaasikaso na mga requirements inaayos na din ang passport niya.

Three days passed at malimit kami mag usap ni Ian alam ko naman na busy siya pero parang may mali eh kase tuwing sasabihin ko na pupunta ako sa kanila ay lagi siyang taranta mag salita at sasabihin na busy siya. Iba 'yung feeling ko about dito kaya nag open na ko sa dalawang kong kaibigan.

"Hey, Charlie you know naman na busy lang siya ngayon diba. And naga-update naman siya sayo. So don't overthink too much. Hmm?" Reese.

"Hay nako Reese kahit naman busy si Ian may time pa rin siya kay Charlie na makipag kita o mag date silang dalawa." tumingin sakin si Mai at hinawakan ang kamay ko. "Hindi niya hinahayaan na mag-intay si Charlie sa kanya we know how busy si Ian sa acads and basket  niya nung nasa school pa lang tayo but he always make efforts to see Charlie."

Ganon nga si Ian he always make sure na tuwing mag iintay ako sa kanya o mawawalan siya ng time magugulat na lang ako mag-aaya na mag date gagawin namin 'yung mga bagay na alam niyang sasaya ako. Pero ngayon sobrang hirap na niyang mahagilap akala ko okay na kami nung nagkausap kami pero parang lumalala pa ata. Ang saklap lang na paalis na siya next month tapos ganto pa siya sakin.

"Hey, Charl we know naman na gusto mo siyang makasama before siya umalis so why don't you just surprise him sa anniv niyong dalawa diba. For sure matutuwa siya and you guys need to talk para di ka na talaga mag overthink, okay?  Masama yan sayo baka kung san ka pa dalhin ng pag ooverthink mo." Maillie.

"Tama si Maillie kung gusto mo ng tulong namin sabihan mo lang kami ha support ka namin." Reese.

I'm really glad that I have them both kung wala siguro sila sa tabi ko ngayon hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko rin kase kayang mag open sa best friend ko sa province since busy na din siya for college.

After ng convo ko with girls niyaya na muna nila ako mag gala since kailangan ko daw muna ipahinga ang utak ko kakaisip baka daw tuluyan na kong mabaliw dahil kay Ian.

Well, gladly I have them both kaya hindi din naapektuhan ang mental health ko.  Dahil sa sabay sabay na problema hindi ko na alam kung paano tatapusin. Lalo na sa bahay pansin ko na parang may hindi ako alam tapos sa college naman ang gulo pa ng desisyon ko.

Three weeks passed, naging okay naman kami ni Ian sinasamahan ko siya pag may need siya ng asukasuhin ng requirements sa school ganon din ako pero pansin ko na mas tutok siya sa cellphone niya one time pa nga na may tumawag pero "ma'am" ang nakalagay tapos nung sinagot ko na bigla naman nag end 'yung call hindi ko naman tinanong si Ian kase baka isa lang din yon na natulong sa kanya sa pag aayos ng requirements niya sa Canada. And bukas na rin ang anniversary namin at kinabusan non ang alis niya. Nag tanong 'yung dalawa kung need ko ba ng tulong nila pero dinenclined ko kase mas gusto ko na kaming dalawa lang magkaroon kami ng alone time macelebrate namin siya ng magiging memorable kaming dalawa.

6am pa lang gising na ko para maasikaso ko lahat para sa surprise ko sa kanya naging hassle lang ako kase nakalimutan ko palang bumili ng regalo sa kanya kaya ito ako ngayon sa mall naghahanap ng pwedeng ibigay sa kanya. Pero ang bilis ng oras sabi ko pa naman sa kanya na agahan namin 'yung kita para masulit namin 'yung day na'to.

Ewan ko pero kanina pa ko kinakabahan feeling ko may mangyayari na di ko inaasahan. Sobrang stress lang siguro ako kaya siguro ganto ako. Maghahapon na pero nasa mall pa rin ako pero ni call ni Ian wala akong narerecieve hindi man lang niya ko chine-check kung kumain na ba ako o kung nasaan na ako. Naisipan ko na lang na bumili ng relo sa kanya medyo pricy sya but it's okay makakapag ipon naman ulit agad ako and sobrang special ng araw na'to. 

It's 5pm and balak ko sa bahay ko muna siya surprise bago kami pumunta sa park na inayos kong decoration para sa celebration ng anniversary namin dala ko ang cake at gift sa kanya. Pagkadating ko sa bahay nila tanging katulong lang ang nasa loob. Diretso na kong pumasok na loob kilala naman na nila ako but after I pass to that one maid pansin ko ang gulat sa mukha niya. 

"Ah ma'am...", the mas shutter halatang natatakot siyang magsalita.

"Oh ija nagmamadaling umalis si Ian sa park ata siya papunta.", biglang sabi ni manang ng makita na paakyat ako.

"Ah ganon po ba manang sige po puntahan ko na lang po. Thank you po."

Ang saya ko habang naglalakad not until  saw him with her

Ex girlfriend

Akala ko babawi din siya...

But I'm wrong, I just literally excepted too much na hindi siya yon pero wala e mapaglaro ang tadhana. Alam mo 'yung feeling na ang dami mo ng problema tapos 'yung isang tao na akala mo masasandalan mo iiyakan mo at sasabihan mo ng problema siya din pala 'yung sisira non sayo. Ang sakit lang na 'yung gusto ko makasama hanggang sa pagtanda hindi na pala siya yon. Nakatingin lang ako  sa kanila hanggang sa makita niya ko. Masakit oo pero di ko pinakita na umiyak ako sa harap niya. 

Nakita ko lang ang sarili ko na nag lalakad at ang masaklap pa ay umulan sadyang pati panahon ramdam na ramdam ako. Basang basa na ako pero wala akong pake kailangan kong umuwi gusto kong mag sumbong sa pamilya ko. Sila na lang ang meron ako gusto ko na lang makwento sa kanila lahat ng ginagawa ni Ian sakin. 

Nakauwi na ko at napansin ko agad na may kotse sa labas ng bahay at rinig kong may nag uusap sa loob ng bahay. Papasok na ko ng bahay ng marinig ko ang pinakamasakit na linya na ayokong marinig. Ang malas ko ba talaga  at nag sabay sabay sila. Deserve ko ba 'to kaya ganto.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta pero patuloy lang ako sa paglalakad.

Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na nasa gitna ng daan at may sasakyang padating, siguro nga mas okay na mawala na lang ako mas masaya siguro sila.

Until it became blurry and dark....

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 25, 2024 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

He's My SunshineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora