Dahil sa inis ko ay padarang akong tumayo at lumabas sa Cafeteria, tinatawag ako ni Alexis pero hindi ko ito pinansin.



Pumunta ako sa garden para lumanghap ng sariwang hangin, at para na rin makapag relax.



Umupo ako at pumikit at huminga ng malalim, hays ano ba kaseng problema Shaniah  Khaled?



May nagawa ba akong masama na hindi ko alam? Sana naman ay linawin mo.



Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa inis, kumalma naman ako agad dahil may naisip akong paraan.



Ewan ko nalang kung hindi mo pa ako papansinin sa paraang ito.


Kailangan ko lang tapusin ang mga dapat kong gawin, humanda ka Khaled dahil wala ka nang takas saakin.


SHANIAH KHALED MAXIMUS POV


Halos magiisang buwan ko na hindi kinakausap si Amara, dapat lang sakanya yan dahil sa mga kagagohan nya.



Kulang pa nga iyan eh, buti nga hindi ko pa siya sinampal. Kaya ko pa naman mag timpi.



Narito kami sa Cafeteria kasama ko ang aking mga kaibigan.



"Shan para sayo."


Napaangat naman ako ng tingin, bumungad saakin ang nakangiting Jasper. Isang varsity player, gwapo naman ito pero hindi ko type.



Nagtilian naman ang mga tao dahil sa scenario’ng nangyayari ngayon sa Cafeteria.



Napansin ko si Amara sa aking peripheral vision, kasama rin nito ang kaibigan nya sa kabilang table. Masama ang titig sa pwesto ko.



Kahit na ayaw ko ay tinanggap ko nalang ito para maasar lalo si Amara.



"Thank you." masiglang pasasalamat ko rito.


"You're welcome, pwede ba ako maki table? Wala na kaseng bakante eh." Pagdadahilan ni Jasper.



Tatabi pa talaga ano ba yan, dahil andito si Amara ay pinayagan ko ito.


"Sure, dito ka." Wika ko at tinuro ang upuan sa aking tabi.



Umupo naman ito agad at nakangiti pa. Susubo palang sana ako ng narinig ko ang padarang na tama ng upuan sa sahig.



Napatingin ako sa table nila Amara, si Amara pala ang salarin dahil padabog itong tumayo. Tinatawag sya ng kaibigan nya pero hindi ito lumingon man lang.



Siya pa talaga may ganang magalit, ayos ka talaga Chloe Amara.

•••••

Narito ako ngayon sa aking silid, hanggang ngayon hindi parin ako dinadalaw ng antok.



Malalim na ang gabi, abala akong tumunganga nang makaramdam ako ng pagka uhaw.



Bumangon ako at bumaba galing sa aking silid at tinungo ang aming kusina.



Binuksan ko ang refrigerator para kunin ang tubig at ininom ito, pagkatapos ay napagpasyahan kong umakyat na dahil antok pa ako.



Lumabas na ako nang kusina, aakyat na sana ako ngunit nabaling ang aking atensyon sa may terrace.



I saw kuya Drei with his bestfriend, Harold. They're drinking while talking. Ano problema?



ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now