Ngunit wala paring talab, dedma lang siya.


Hinarap ako nito at hinablot saakin ang bag nyang hawak ko.



"Mauna na ako, kita nalang tayo bukas." Seryosong sambit nito.



Magsasalita pa sana ako ngunit umalis na ito kaagad, ano ba iyan kaaayos lang namin. Nagtampuhan na naman agad.



Hindi ko na ito sinundan pa, baka lalo pang mainis saakin. Kaya pinanood ko nalang ito palayo, sumakay na ito sa sasakyan ng pinsan nyang si Kyla. Sana safe siyang makauwi.



Mas lalong nasira ang mood ko dahil sa taong nasa harapan ko ngayon.



Napabusangot ako at pinag cross ang kamay sa dibdib ko habang kaharap ang hinayupak na to.



"Stop whining and hop in, your Mamita waiting for us, come on" nakangiti na sambit ni Justine--my Fiancé. Ngina nakakasuka!



"I'm not going with you, may kotse ako, at pwede ba wag mo akong pupuntahan dito ulit?"



Asar na sabi ko at tatalikuran na sana sya ngunit bigla nyang hinapit ang aking bewang palapit sakanya dahilan para mapahawak ako sa balikat nito.



Nanlaki ang mata ko habang sya naman ay nakangiti at nakatitig sa akin, yakap yakap nya ang bewang ko at hinaplos ang pisngi ko.



Agad naman akong kinalibutan kaya bumitaw ako sakanya.



"Oh c'mon, babe. Magiging asawa na kita dahil ilang buwan nalang ikakasal na tayo, so let's practice being sweet" he smirked.



"What the hell are you saying? Who told you I'm gonna marry you, asshole!" irap ko dito at agad lumakad sakanya palayo, baliw yun!



Tinungo ko na ang aking kotse at sumakay na, ayaw ko sumabay sa gagong yon.


May itsura naman ito pero nakakairita ang presensya nya. Sarap sakalin

•••••

Mga 30 minutes ay nakarating na ako rito sa mansion nila mamita.



Bumaba na ako sa aking sasakyan at tinungo ang gate nila mamita at pumasok na.




Papasok palang sana ako ng biglang sumalubong sa harap ko si mamita, tinignan ko ito.



Agad akong nangilabot dahil sa way ng pagtitig nito, ang sama kase ng tingin nito saakin.



"Good eve--"



Naputol ang aking sasabihin, dahil nagsalita agad si mamita.



"Bakit hindi ka sumabay kay Justine? Ang tigas talaga ng ulo mo ano?" Singhal ni mamita saakin.



"S-sorry mamita, may dinaanan p-pa kase ako kaya h-hindi ako nakasabay." Nakakatakot siya




"Sinungaling! Nagsumbong saakin ang fiancé mo na pinahiya mo ito sa harap ng maraming tao! Ganyan ka na ba talaga ka walang respeto ha?! Chloe?! Pati fiancé mo dinadamay mo sa kasamaang ugali mo!" Galit na sigaw ni mamita.




Agad naman akong napatingin kay lola dahil sa sinabi nito, hindi naman totoo yon.



"Mamita h-hindi toto--"



Napabaling ang aking ulo sa kanan dahil sa lakas ng sampal ni mamita saakin.




"Magsisinungaling ka pa! Sana ikaw nalang nawala eh hindi ang ate Shaira mo!"




Napakagat naman ako sa aking labi, para pigilan ang pagtulo ng aking luha.




Naramdaman kong umalis na si mamita, kaya naman nagangat ako ng tingin.




Lalong umakyat ang aking dugo sa aking ulo dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon.



Nasa harap ko lang naman ang puñetang Justine na ito, at pangisi-ngisi pa ang gago.




"Deserve" tawa nito at nginisian ako.



Naiwan akong magisa dahil umalis na ang hinayupak kong fiancé sa aking harapan.




Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa aking mata, agad kong linisan ang mansion ni mamita.



Tinungo ko ang aking kotse, sa condo muna ako uuwi.



Mabilis ang aking pagpapatakbo sa aking kotse, lumalabo ang aking paningin dahil sa luhang tumatagaktak galing sa aking mata.




Hininto ko muna sa gilid ang aking kotse, napahagulgol ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.



Sana ikaw nalang ang na wala hindi ang ate Shaira mo!



Sana ikaw nalang ang na wala hindi ang ate Shaira mo!




Sana ikaw nalang ang na wala hindi ang ate Shaira mo!





Parang sirang plaka na nagpa paulit-ulit sa aking tenga ang sinabi saakin ni mamita kanina.



Sana nga ako nalang ang namatay hindi si ate, kasalanan ko naman talaga kung bakit sya nawala.



Kasalanan ko kung bakit nawala ang pinakamamahal nilang apo! Wala akong kwenta! Lahat mali! Lahat ng ginagawa ko mali!



Pinaghahampas ko ang aking manibela dahil sa sakit ng dibdib ko, ang sakit. Sobrang sakit!




Wala akong mapag sabihan, maski mga kaibigan ko ay hindi alam na may kapatid ako, dahil masiyadong pribado ang buhay ko.

ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now