"Uwi na tayo?"tanong ko.

"Uwi na tayo, uwi kana sa tahanan mo. Uwi kana sakin." Pabiro niya pa, nahampas ko tuloy ang balikat nya.

Nang maihatid ako ni Mab sa bahay ay naabutan ko ulit si mama na umiiyak, I ran to her

"Ma?"

"Anak, Sol, sorry pero 'di ko talaga kayang wala ang tito Danilo mo." iyak nito.

May kung anong pumantig sa tenga ko nang marinig ko 'to, napatulala ako habang yakap yakap si mama.

"Sinundan ko sya kanina, kasama ang babae nya. Alam ko kung nasaan sila, Anak, Sol, tulungan mo ako. Bawiin ang kinuha ng Danilo na 'yon!"Pag hikibi pa nito.

" 'Ma, ano bang napakain sayo ng lalaki na 'yon? hindi nga sya takot na mawala ka, tapos magkakaganyan ka?" Diko na napigilang kwistyonin si mama.

"Anak, Di mo ako naiintindihan-"

"Naiintindihan kita, Ma, sobrang martir mo na. Niloloko kana harap-harapan ng lalaking 'yon, na kahit kailan ay 'di nagawa sayo ni papa." Nagumpisa na ring bumuo ang tubig sa mga mata ko.

Tumayo ako at binitawan si mama nang may kung anong bumalik na ala-ala sakin.

"Pangit man pakinggan, pero, Ma. Siguro karma na 'yan saiyo, hindi ka kayang lokohin o kahit saktan man lang ng lalaking niloko mo harap-harapan noon, handa ka pa ngang patawarin ni Dad eh kahit sobrang walang puso na 'yung ginawa mo, nang ginawa niyo." Bumitaw na nang tuluyan ang mga luha sa mata ko.

"Hanggang ngayon ba, Thalia? Sinisisi mo parin ako sa pagkamatay ng ama mo?" Tumaas ang boses ni mama.

"Hindi naman sa ganoon ma, ang akin lang isipin mo rin ang sarili mo, sinakripisyo mo ang pamilyang maayos noon para lang sa lalaki mo ngayon na wala namang nadulot sa buhay natin." Pagpapaliwanag ko

"Wala kang alam, Thalia!" Sigaw nito, nangilabot ang buong katawan ko ito ang unang beses na dedepensahan ni mama ang lalaki niya.

"Kayo rin naman, Ma, walang alam." Ngiti ko kahit patuloy ng nag uunahan ang mga luha sa Mata ko.

Dahan-dahang lumingon saakin si mama pagtapos punasan ang luha.

"Alam mo ba, ang mga sakit at pandidiri na sinakripisyo ko para lang sa ikakasaya mo, Ma?"

"Alam mo ba, na kung ano ang pinagdaanan ko sa kamay ng lalaking 'yon?"

"Alam mo ba ang nararamdaman ko sa t'wing gusto kong sabihin ang totoo sayo ngunit napapangunahan ng takot na baka 'di mo ako paniwalaan?"Hindi ko na makita ng maayos ang kaharap ko, malabo na ito dahil sa luhang himilamos sa mata ko, biak na rin ang boses ko dahil sa pag hikbi.

" Thalia.."

" Oo ma, muntik na akong magalaw ng lalaking dinedepensahan mo ngayon, ayos lang muntikan lang naman, diba? kaya napag desisyonan kong lumayo sa bahay na 'to."

" Thalia! Handa kaba talagang mag sinungaling para siraan ang tito Danilo mo?" Galit na tanong ni mama.

Napaupo nalang ako sa sahig sa naririnig ko, napahawak ako sa buhok ko't masarap sa pakiramdam na nasasambunutan ko ang sarili, nalulunod na ako sa luha ko. Ang nanay ko nalang ang siyang natitira  kong kakampi sa mundo ay hindi na ako magawang pinaniniwalaan.

"Haha, ma, kailan mo ba ako paniniwalaan? Alam mo, ma. Kung ibabalik ang panahon at.... Papapiliin... Kung sino ang mas gusto kong iwan.. mas pipiliin kong ikaw nalang ang mawala, kasi si daddy lang naman ang nakakaintindi at naniniwala sakin....!"

'pak.'

Isang malakas na palad ang tumama sa pisngi ko, 'di ko sinasadya ang mga nasabi ko.

"Wala kang kwentang, anak, magsama kayo ng tatay mo!" Tuloy-tuloy nya parin ako kung pag sampal sampalin, wala akong ibang nararamdaman kundi ang sikip sa dibdib.

"Sana, sana maging maganda ang buhay mo, Thalia! Hindi na anak ang tingin ko sayo dahil sa mga nasasabi mo."

"Kelan kaba nag paka nanay saakin, ma?"

Halos tanggalin ko na ang respeto ko kay mama, hindi ko alam ang sinasabi ko.

"Lumayas ka rito, layas!!"

"Oo, ma, aalis ako, at sa gabing ito isa lang ang hiling ko, ang balikan ka ng pinakamamahal mong asawa. Ayos lang sakin na lokohin ang ina ko harap-harapan maging masaya kalang."

Tumakbo ako papalayong humihikbi, lumabas ako sa bahay na dala-dala ang sakit. Naupo ako sa gilid ng gate at marahang sinilip ang bukas na pintuan, gusto kong saksakin ang sarili ko dahil sa mga nasabi ko kay mama, hindi ko sinasadya.

"Waaaaaah!" Sigaw ko sa kawalan, isang kakalmahan ang masaktan ko ang sarili "Ang sama mo, Solaine! Wala kang kwentang anak!!" Patuloy parin ako sa pag iyak

Isa lang ang alam kong makakatulong saakin ngayon at kahit na may binubuhat din syang pasakit ngayon ay sya lang ang nakikita kong pahinga ko.

"Mab." Bulong ko habang naglalakad.

The rain and eclipse (Highschool Series #1)Where stories live. Discover now