CHAPTER 2: TURN THE FATE

0 0 0
                                    

*sa bahay nina Seora kinahapunan, binagsak ni Seora ang kanyang mga papeles sa harap ni Seojung...

Seora Kim: Ma, bakit kayo pumayag? Akala ko ba mahal nyo ako?

Seojung Kim: Anak, wala tayong magagawa. Sumusunod lamang tayo sa mga desisyon nila.

Seora Kim: Ma, alam nyo naman na hindi ko kayo kayang pabayaan dito diba? Bakit? Mama naman eh... Bakit ganun?

Seojung Kim: Anak.

*agad na pinakalma ni Seojung ang anak nito at sabay silang umupo sa upuan...

Seojung Kim: Alam kong mahirap anak. Dahil ito ang kinagisnan mong lugar. Dahil andito ang mga kaibigan mo. Dahil andito ako. Pero anak, ang gusto ko lang naman ay makatapos ka ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Ayoko lang naman na matulad ka sa akin na tinalikuran ang magandang oportunidad dahil lang nabuntis ako sa'yo. Sina Ate, ang gusto lang din naman nila eh ang magkasama kayo ni Moyeon sa iisang bubong upang maprotektahan nyo ang isa't-isa. Hindi ba't yun din naman ang gusto mo sa pinsan mo diba? Ang maprotektahan mo sya laban sa mga mananakit sa kanya. Kaya kunin mo na itong malaking oportunidad anak at kumayod ka. Kung kailangan mong magtiis, magtiis ka. At least may bunga din naman sa huli ang paghihirap natin diba?

Seora Kim: Hay naku mama...

*kinabukasan, Sabado habang nanonood sa tv sina Jeongi Hwang at si Seora Kim...

Jeongi Hwang: Ano? Lilipat ka na sa Seoul?

Seora Kim: Oo eh.

Jeongi Hwang: Bakit biglaan naman? Bakit? May emergency ba dun ha? Kinailangan ka ba ni Moyeon dun?

Seora Kim: Mukhang ganun na nga.

Jeongi Hwang: Ah kung ganun...maaari ka nang umalis ngayon.

Seora Kim: Ano?

Jeongi Hwang: Sige na. Umalis ka na. Baka mapaano pa dun si Moyeon eh.

Seora Kim: Aba bwiset to ah. Akala ko ba tayo ang magkaibigan ha?

Jeongi Hwang: Ah tayo pala yun? Akala ko kasi eh strangers lang tayo sa isa't-isa eh hahaha.

Seora Kim: Ah ganun. Gusto mo nalang din na maging strangers nalang tayo sa isa't-isa kapag nakapunta na ako dun sa Seoul ha?

Jeongi Hwang: Syempre hindi noh?

Seora Kim: Buti naman...

Jeongi Hwang: Syempre wala na akong hihingan pa ng update dun tungkol kay Moyeon kung magiging strangers nalang din tayo sa isa't-isa diba hahaha

Seora Kim: Ang dirty mo maglaro grabe. By the way, wala ka bang social media ni Moyeon ha kaya mo sinabi na wala kang mahingan ng update tungkol sa kanya?

Jeongi Hwang: Hindi ah. Meron din naman akong facebook ni Moyeon, twitter, instagram, website, tiktok at iba pang accounts ni Moyeon.

Seora Kim: Eh yun naman pala eh.

Jeongi Hwang: Kaso gusto ko talaga na manggaling mismo sa kasama nya sa bahay ang mga updates tungkol sa kanya noh? Laki na kaya ng access ko kapag ganun.

Seora Kim: Ewts as if bibigyan naman kita ng updates tungkol sa kanya.

Jeongi Hwang: Yah! Support ka nalang kasi sa lovelife ng bestfriend mo, Ms. Walang-Lovelife-Single-Forever. Or should I say, Mr. Walang-Lovelife-Single-Forever hahaha.

Seora Kim: G*go ka talaga.

Jeongi Hwang: Eh kasi naman eh, lagi kang seryoso sa buhay. Ni hindi ka man lang sumasama sa akin sa pakikipagflirt. Tapos sa inuman bawal ka din. Ano ka ba kasi? May TT ka ba o ano? Baka naman asexual ka?

Seora Kim: Bwiset ka talaga. Hindi mo man lang kasi pinakinggan ang side ko eh.

Jeongi Hwang: Oh sige nga. Ano nga ba talaga ang side ng isang Walang-Lovelife-Single-Forever ha? Parinig nga. Ilalagay ko pa ang cellphone ko in record mode para malaman ko.

*saka nya binuksan ang record ng cellphone nito upang magrecord...

Jeongi Hwang: Okay. So what is your point?

Seora Kim: First of all, wala talaga akong panahon dyan sa mga lovelife² na yan. You know naman that I truly dedicate my life to my mother and Moyeon. At isa pa, naku ang mga flirt² na yan. Wala akong pakialam dyan. Nakakasira lang yan ng buhay ko. Speaking of nakakasira, isama mo na din dyan ang pag-iinom at paninigarilyo. Naku! Papalayasin ako nyan ni mama kapag may bisyo akong ganyan. Kaya mabuti nang good person tayo diba?

*di na nakasalita si Jeongi Hwang at nakanganga pa ang bibig nito sa kay Seora Kim...

Seora Kim: Yah! Takpan mo nga yang bibig mo at baka mapasukan pa yan ng langaw eh.

Jeongi Hwang: I'm lost in your words tol.

*napatawa nalang si Seora sa kaibigan nya...

Jeongi Hwang: So if you're dedicated nga talaga kay Moyeon at sa nanay mo, sasama ka nga talaga sa Seoul?

Seora Kim: Oo. Pero may isa muna akong bagay na hihilingin kay Tita Seoyeon bago ako umalis papunta sa Seoul.

Jeongi Hwang: Ano naman yun?

Seora Kim: Secret. Malalaman mo rin yan soon hihihi

Jeongi Hwang: Ewan ko sa'yo, Mr. Walang-Lovelife-Single-Forever.

Seora Kim: Bwiset ka talaga. Isa pang tawag mo sa akin nyan at baka matabas ko yang bibig mo.

Jeongi Hwang: Eto na nga. Tatahimik na.

Seora Kim: Good.

*saka na nagpatuloy sa panonood ng tv ang dalawa sa bahay ni Jeongi Hwang...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

PRETTY BEAUTIFUL YOUWhere stories live. Discover now