Chapter 1: The Lost World

36.3K 977 69
                                    

Chapter 1: The Lost World

At the Lost World
Zeira's POV

"KAILAN mo ba ako babalikan Zeira?" I saw him crying again while looking at a blue flower. I know this place. This was my secret garden when I was still in the Lairhart Kingdom. He was kneeling in front of the flower and continuously saying how sorry he was. Probably for killing me. But it doesn't really matter. Mas okay nang ako ang namatay kesa naman siya. He has nothing to say sorry about in the first place. "Kaya mo ba ako hindi binabalikan kasi kinamumuhian mo ako?" he asked as his voice cracked.

I want to say no pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. I'm just staring at him. I want to hug him but I can't even move my body. Napaluhod nalang ako sa harap niya. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko siya sinisisi. Na mahal na mahal ko siya kahit anong mangyari. Gusto kong umiyak pero wala naman akong nararamdamang luha sa mata ko. I can't even feel my own body. It feels like I'm a just mere soul wandering in this place. Like I don't really belong here anymore. Na parang kahit anong gawin ko, may hahatak at hahatak sakin paalis dito.

"Zeira, please. Bumalik ka na." Those were the last words I've heard when I finally realized that it was a dream.

Napabalikwas ako ng bangon nang dahil sa panaginip ko. Si Wren na naman. Umiiyak na naman siya. Araw-araw nalang, napapanaginipan ko siya. Pero iba-iba. Hindi ko alam kung bakit gano'n.

"Same dream?" Napalingon ako sa taong nakatayo sa pinto ng kwartong pinagstay-an namin ngayon. He looks worried pero alam kong sanay na siya. Halos isang buwan na rin kasi kaming magkakilala.

Umiling ako at saka tumayo. "Not the same dream but the same person," sabi ko at saka lumabas sa kwarto. Nilagpasan ko siya at naramdaman ko ang pagsunod niya sa 'kin.

He tsk-ed out of concern. "Wag mo na kasing isipin 'yang ex mo. Kaya lagi mong napapanaginipan e," sabi niya habang pababa kami ng hagdan nitong bahay na wala namang tao. Hindi sa 'min 'to. Hindi rin kami ang gumawa. Mas lalong hindi ko kilala ang may-ari. Nakita lang namin 'to habang naglalakbay kami dito sa Lost World. Nasa gitna ito ng isang maliit na bayan na wala ring tao. Ito lang 'yong pinakaayos na bahay kaya dito kami tumuloy.

Lumingon ako sa kanya nang tuluyan akong makababa ng hagdan. "For your information, Ullyses. He's my boyfriend, not my ex. At normal lang na isipin ko siya dahil mahal ko siya." Masungit na sabi ko at saka nagtuloy sa labas kung saan may nakataling White Dragon sa isang puno. Umaga na pala. Pero napakalungkot pa rin ng atmosphere dito. Hindi gaya sa Lairhart. Napahalukipkip ako at tumingin sa langit. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin kaya ako lumabas. Kapag kasi nag-stay ako do'n sa loob, baka hindi ako makahinga. Isama pa 'yong panaginip ko.

Ayoko talagang nakikitang umiiyak si Wren. Pakiramdam ko, laging kasalanan ko. It hurts like hell.

"Ano naman kung mahal mo? That doesn't mean na kailangan mo na siyang isipin minu-minuto." Napapailing na sabi ni Ully. Sinimangutan ko siya. Napakapakialamero talaga ng lalaking 'to.

"Manahimik ka nga muna. Naiirita ako sa boses mo e." Cold na sabi ko sa kanya. Pumikit ako para hindi ko makita ang pagmumukha ni Ully. Kung pwede nga lang na hindi ko siya tignan, ginawa ko na e. Werewolf kasi siya. Hindi naman siya kamukha ni Wren pero naaalala ko siya sa kanya.

Mas nainis ako nang tumawa siya. Iyong tawang 'yon. Gano'n ang tawa ni Wren. Iyong parang galak na galak dahil nanalo siya sa pang-aasar kahit hindi naman. Nakaka-miss tuloy. "Bahala ka nga dyan. Tawagin mo nalang ako sa loob kapag ready ka ng umalis. Magpapahinga lang ako sa loob," he said. Tumango ako kahit naman hindi ko alam kung naabutan niya.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa mga bahay na nakapaligid dito. Wala ni isang tao. Puro sira rin ang mga bahay. Kung titignan, parang may mga tumira do'n. Pero ang totoo, wala. Kami lang namang dalawa ni Ully ang tao dito sa Lost World e. Na sana, hindi. Kaya kami nagpapalipat lipat ng lugar araw-araw, para maghanap ng makakain at nagbabakasali rin na makakita kami ng tao o Welsh. Pero isang buwan na naming ginagawa 'yon, wala pa ring nangyayari.

Sa araw-araw na gigising ako, lagi kong tinatanong kung patay na ba talaga ako. Dahil alam kong patay na ako. Ang pinagtataka ko lang, bakit nagugutom pa rin ako? Bakit inaantok at nananaginip pa rin ako? Lahat ng nagagawa ng normal na Welsh, nagagawa ko. Pwera sa isa. Hindi ko nagagamit ang kapangyarihan ko dito. Kaya nga nagtataka ako kung patay na ba talaga ako. Bakit ganito? Am I trapped in between life and death?

At the Otherworld
Yana's POV

"Sa tingin mo babalik pa siya sa dati?" Tanong ko kay Zero habang namimili kami ng damit dito sa original Mystic Market ng palasyo. Kinuha ko ang isang plain white dress na walang kahit na anong design.

"Who?" Taka n'yang tanong at nakatingin lang sa 'kin habang inilalabas ko ang rose ko. Hindi ko naman talaga kailangang gumamit nito but I like to use it along with my Light dahil nababalanse nito ang kapangyarihan at energy na inilalabas ko. Marahan ko 'yong idinikit sa dress na plain white na hawak ko. Lumabas naman ang tunay nitong design. It has a floral pattern with some gems inside its flowers. Kumikinang iyon kapag natatapat sa sinag ng araw. I like it!

"Si Wren. One year na ang nakalipas pero parang hindi pa rin siya nagbabago simula nang namatay si H-heiress. He's still blaming himself for everything." I sighed and looked at him. He's also bothered. Heiress Zeira was my bestfriend at hindi 'yon nagbago for me. She's still my one and only bessy. I miss her so much but alam ko namang hindi siya matutuwa kung patuloy kaming magdudusa sa pagkawala niya.

Zero shrugged. "Maybe he still needs time. Wag natin siyang pangunahan," he said and smiled. I heaved out a deep sigh and smiled back. That's why I love this guy. He never fails to make me feel better. "Hindi pa ba tayo aalis? Baka hinihintay na tayo nila Roanna," he asked.

I almost shrieked nang maalala kong may pupuntahan pa nga pala kaming party sa Arunafeltz Kingdom! "Oh my! Muntik ko nang makalimutan. Just wait here. Babayaran ko lang 'to." I said. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at saka ko nilabas ang ilang Welney na dala ko. 'Yon ang tawag sa pera dito sa Otherworld.

Pagkatapos kong bayaran yung dress ay bumalik na ako kung saan ko iniwan si Zero. But I found no one. Inilibot ko ang paningin ko dito sa loob ng shop pero napatigil ako nang makita ko siya sa labas na may kausap na isang Welsh na babae. Tumaas agad ang kilay ko at nagmamadaling lumapit papunta sa kanila.

"Ah wala 'yon. Basta mag-iingat ka na sa susunod." Napapakamot pa sa ulo si Zero habang kausap 'yong babae na halos ka-edad lang rin namin. Ngumiti ito sa kanya. Nakakasuklam ang ngiti niya! Inaakit niya ang Zero ko! Tumikhim ako at napalingon sila sa 'kin. Ngumiti ako ng nang-aasar at saka lumapit kay Zero. Isinukbit ko sa braso niya ang braso ko.

"Hi boyfie!" bati ko habang nakangiti ng sobrang lapad. Napangiti siya ng alanganin sa 'kin. Tumingin ako bigla dun sa babae at tinaasan siya ng kilay. Nakangiti lang rin siya sa 'kin. Oh my gosh! Nag-aasar ba siya? "Who's this?" tanong ko at saka siya tinignan mula ulo hanggang paa. Sa tingin palang, alam ko nang Witch siya.

"Ah. I don't know. Tinulungan ko lang siya dahil nahulog yung mga dala niya." Paliwanag ni Zero ko. Sumimangot ako.

"Uhm, hi. I'm Chelsea. I'm a Witch." Inilahad niya pa ang thumb niya sa 'kin pero tinignan ko lang 'yon.

"I'm Yana. Sorceress Leader. And this is my boyfriend. He has no name for you." Mataray na sabi ko at saka hinila si Zero. "Let's go, boyfie!" Napasunod naman siya sa 'kin. Pero nainis ako nang mag-bye pa siya do'n sa babae kaya humiwalay ako sa kanya nang makalayo kami.

I crossed my arms while walking. Hawak ko sa kaliwang kamay ko 'yong pinaglagyan ng dress. At hindi na ako nagulat nang biglang umakbay sa 'kin si Zero. Kinikilig ako pero hindi ko pinahalata.

"That was so rude," he said then chuckled but I didn't respond. Nagsalita naman siya ulit. "Saan mo pala nakuha 'yong boyfie na 'yon?" Ngayon naman, tumatawa na siya. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya ng masama kaya napatigil siya.

"Sa Mortal World! Narinig ko 'yon sa isang mortal couple." I said, irritated before walking away from him.

***

The Heiress 2: The Lost WorldWhere stories live. Discover now