Perfect 26: Thank you, sagad.

Magsimula sa umpisa
                                    

Tinaasan ako ni Garreth ng kilay. "H'wag ka din magmakaawa na h'wag ka nila iwan."

"Bakit kanina, hindi mo ako iniwan?"

Tumawa ito. "Simple lang, kahinaan ko kasi kapag may umiiyak na babae sa harap ko."

"At si Josa?"

"I don't like her anymore."

"Okay," sagot ko. "Di ba gusto bigyan kita ng chance?"

"A fair fight, Ashley Esqueza."

"Sige,"

"Ha?"

"Pagbibigyan kita sa isang kondisyon."

Ngumisi si Garreth na bigla nagpabilis ng paghinga ko. I don't like him smiling like that. Nakikita ko si Hunter sa kanya. "Ano naman?"

"Bakit kayo nagbreak ni Josa?"

"I fall out of love to her."

"Anong meron sa'kin?"

"You're different from other girls."

Napahinto ako. Different? Seriously? Alam kong maganda ako at angat sa iba pero never ko naimagine na kakaiba ako. It means I'm an alien or what?

"Kapag sinagot kita ano naman mapapala ko sa'yo?"

Tumingin si Garreth ng deretso sa mukha ko. "Sabi ko sa'yo dadalhin kita island Neptune ko. Pwede ko mamuhay prinsesa dun, Ashley Esqueza. Kaya din kita protektahan pag andun na tayo. Lahat ng gusto mo masusunod. I promise you, that it's one of a hella paradise you'll ever see."

Paradise... I want it. Pero pag iniisip ko na iiwan ko si Hunter.. Teka. Stop. Just stop. Ayoko si'ya isipin sa ngayon.

"And pag hindi kita sinagot?"

Natigilan si Garreth at lumayo 'yung mukha sa'kin. I think I caught him off guard with my question. "Hindi ko alam. Probably kill Hunter."

Nanlaki ang mata ko at hinampas ko si'ya. "Seryoso ka ba?!"

Ngumiti si Garreth pero hindi umaabot sa mata. "Joke lang."

"Garreth, seriously. Mamamatay talaga ako kapag kasama kita. Pero teka, okay na ba 'yung jacket mo?"

Kumibit balikat ito at gumalaw nanaman 'yung biceps sa braso. Ugh. "Yeah, si 'Nay Marya maglalaba."

"Nasaan nga pala sila? Bakit wala dito?"

"Nasa kabilang bahay sila natutulog. Walang bantay 'yung kambal."

"Ah.." hindi ko na alam 'yung sasabihin ko.

Parang ngayon lang ako na speechless na kausap si Garreth. Napatingin tuloy ulit ako sa kanya habang iniistretch 'yung balikat niya sa harap ko.

"Bakit?"

"Bakit ano?" tanong ko.

"Bakit ka nakatingin sa'kin ng ganyan? Ow, Ashley Esqueza. Pigilan mo, dahil walang tao ngayon. Kaya kong takpan 'yung bibig mo sa isang segundo lang."

Napatayo tuloy ako ng upuan at tumakbo palayo sa kanya malapit sa pinto.

"Hindi ka talaga makausap ng matino!" I blurted.

"Come here, upo ka dito." Natatawang sabi pa ni Garreth habang tinatap 'yung lap niya.

"Seriously?!"

Tawa na ito ng tawa. "Matulog ka na nga. Madami pa tayo gagawin bukas." Tumayo si Garreth at hinawakan 'yung magkabilang pisngi ko. "Pagbigyan mo ako ngayon, Ashley Esqueza. Hindi si Hunter 'yung lalaki para sa'yo. Ako 'yun. Kaya ko iyon patunayan basta bigya mo lang ako ng chance."

I got distracted. Parang nanginginig unti unti 'yung tuhod ko sa sinasabi niya at sa mga titig niya. Dahan dahan bumaba 'yung mukha ni Garreth napapikit ako dahil akala ko hahalikan niya ako pero tumama 'yung labi niya sa ilong ko.

"Goodnight, panget." He said. "Yung pinagusapan natin, ha? H'wag mo kakalimutan. Ako na ang gigising sa'yo simula ngayon."

Baba pa sana 'yung mukha nito ulit ng may nagsalita sa likod namin.

"Ashley. Pumasok ka na sa kwarto!"

Napatalon ako sa boses ni Hunter, lumunok ako at dahan dahan lumingon at nakita ang nagdidilim na mukha ni Hunter.

"Pasok, Ashley." Ngayon niya lang ako tinawag na Ashley, pero imbis na kiligin. Nainis ako sa inaasta niya. Pagkatapos ng ginawa at sinabi niya sa'kin kanina si'ya pa may karapatan magalit?

"H'wag mo ako utusan dahil una sa lahat gusto ko lang ipaalala na ako ang amo--" lumapit si Hunter at hinila 'yung braso at nilayo kay Garreth.

"Don't touch her." Sabi ni Hunter dito.

"Don't fucking mess with her feelings." Sagot naman ni Garreth.

Nagtitigan 'yung dalawa habang ang higpit padin ng hawak ni Hunter sa'kin.

"H'wag ka na magkunwari, Garreth. Alam ko naman na wala kang gusto sa kanya."

Tinabig ko 'yung kamay ni Hunter at napatingin ito sa'kin.

"You have no right, and the left to tell me what to do. Wala ka din pakialam kung sino ang gusto ko paniwalaan." I said.

"Meron," sabi nito at hinawakan ulit 'yung braso ko.

Nagtiim bagang naman si Garreth. "I said don't fucking touch her."

Hinila ako papasok ni Hunter ng kwarto at halos ihagis na 'yung katawan ko sa loob sabay isinarado 'yung pinto. Lalabas pa sana ako pero nakalock ito panay ang hampas ko dito. Hindi ko tuloy masyado marinig 'yung pinagtatalunan nila.

Maya maya tumahimik ako at inilagay ang tenga ko sa pinto.

"Don't hurt her, Hunter. I'll kill you if you do that."

"H'wag ka na magmaang maangan, Garreth. Hindi na niya tayo naririnig. You don't need to trick her."

"I'm not tricking her. I really like her."

Nakarinig ako ng lagabog mula sa labas kaya hinampas ko nanaman 'yung pinto. Pero wala padin nagbubukas.

"Ang sarap ba sa pakiramam na may nawawala nanaman sa'yo?" boses ni Garreth. "The table is mine once again, Hunter. Your loss, nagpapakatanga ka nanaman kay Josa."

May narinig nanaman ako na suntok.

"She will be mine soon, Hunter. Wait for that to happen."

Ilang segundo din nanamihimik. Maya maya may mga yapak akong narinig kasabay ng padabog na pagkasarado ng pinto. Napabawi ako sa tenga ko na nakadikit sa pinto ng kwarto na ito.

Kasi naman, feeling ko kasi, humaba nanaman 'yung buhok ko. Ang alam ko ginupitan na ng mga taga tayo ko ng banner ito kanina? Pero, please paki sabi! Sino naglagay ng extension para humaba ito ulit.

Sino?!

At magte-thank you ako ng sagad.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon