CHAPTER 10: Ikaw Lamang

1.3K 46 3
                                    

CHAPTER 10: Ikaw Lamang

"'Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso,

Tuwing magkahawak ang ating kamay."

- Ikaw Lamang by Silent Sanctuary


PAST

Tahimik naming binabaybay ang shortcut papunta sa Estrella beach nang may madaanan kaming humps. Napayakap ako nang mahigpit sa bewang niya dahil dito.

"Sorry," narinig kong sabi nito habang natatawa. Pero hindi ko niluwagan ang mga nakayakap kong braso sa kanya. Imbes ay inilapat ko ang mukha ko sa likuran niya. Malayo-layo pa naman, pwede ko naman sigurong i-enjoy itong huling pagkakataon na kasama siya.

Alam kong hindi na ito mauulit dahil balak kong lumayo na sa kanya, para sa ikakasaya ng mga magulang ko.

"Dahan-dahan ka naman, please," bilin ko sa kanya habang tinitignan ang bituin sa langit. Sobrang dilim dito sa shortcut na dinaraanan namin, masyadong magkakalayo ang pagitan ng mga streetlights at parang mas maliwanag pa ang sinag ng buwan at mga bituin kesa sa mga ito.

"Hindi na po mauulit." Natawa siya muli. "Sorry, hindi ko talaga napansin 'yung humps. Nabigla din ako. Ang sakit sa ano."

This time, ako naman ang tawa sa kanya. Kasalanan na niyan dahil ang bilis niya magmaneho ng bike! Nasaktan tuloy siya sa ano... basta.

Makapag-change na nga ng topic. "Bakit hindi ka nag-stay sa party?" tanong ko sa kanya.

"To be honest, it's getting a bit tiring. Ang dami na ring pumupunta and it wasn't as fun as before," sagot nito.

"Paanong hindi na fun?"

"It's gotten lame, Leila. You were there every time, hindi mo ba napapansin?"

Natawa ako sa kanya. Goes to show na hindi niya ako napapansin dati, kasi kung napapansin niya ako matagal na, edi sana alam niya na hindi naman ako nagtatagal doon matapos magdala ng pagkain at inumin nila.

"Hindi ako nagtatagal doon. At isa pa, wala naman akong gagawin doon kundi maging katulong. Maiinggit lang ako sa mga kaedad ko na nag-iinom, sumasayaw, nagpa-party."

"You haven't stayed? Ever?"

"Hindi talaga."

"You haven't even danced before?"

"Hindi nga ako pinag-attend ng prom e."

"What? That's tragic, Lei."

Totoo. Tragic ang teenage life ko at sanay na ako doon. Lumipas na rin ang mga panahong naiinggit ako. Tanggap ko na sa sarili ko na hindi ko mararanasan ang mga bagay na 'yun habang nasa ilalim ako ng bubong ng mga magulang ko. No parties. No friends. No boys.

Hinding-hindi ako makakaranas ng date dito sa Hermosa. Boyfriend? Manliligaw? Kahit nga kaibigan na lalaki, mayaman o mahirap, bawal.

Kaya wala akong choice kundi mag-agree sa sinabi ni Ysmael. Tragic ang buhay ko.

Muli kaming natahimik. Napapikit na lang ako habang nakayakap sa kanya, nilalasap ang sariwang hangin na nahahaluan ng pabango ni Ysmael. Hindi ko rin maikakaila na in-enjoy ko na ang pakiramdam ng init ng katawan niya.

Hindi ako lumaki sa pamilyang showy. Hindi ko matandaan kung kailangan ako huling beses na niyakap ng mga magulang ko. Hindi ko rin matandaan kung meron ba, kahit isang beses, na oras na nasabihan nila akong mahal nila ako o proud sila sa akin.

His Forever GirlWhere stories live. Discover now