Napanga-nga ako sa sinabi ni Kurt. Nagbukas sara ang bibig ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. He wants to stop this?


"Kasasabi lang ni tito na pasayahin kita. I'm not happy with this dahil hindi ka naman masaya. Can we stop this?" Aniya sakin.


"Who told you that I'm unhappy? Bakit mo gustong ihinto ito? Please paintindi mo sakin." Sagot ko.


"Walang nagsasabi, Irina. Kita ko at hindi ko lang kita. Nararamdaman ko pa. Gusto kong tigilan na ito dahil ko ata kakayaning mabuhay na may iba kang mahal pero ako pinakasalan mo. You're doing this because of me. Don't deny it. Hindi mo man alam pero ako, dama ko. Hindi ka nga napipilitan. Oo, gusto mo rin ito pero marami kang nasasaktan sa naging desisyon mo na ito." Aniya.


Napatingin ako sa lahat ng bisita namin na shocked. Umawang ulit ang bibig ko kasabay ng pagpatak ng mga luha kong pinipigilan ko kanina. Hinarap ko si Kurt.


"W-what do you want me to do?" Nauutal na tanong ko.


"I want you to chase after Chase. He's about to leave, I know."


Nangunot ang noo ko lalo sa kanya. "You're asking me to leave you here at the altar? Sinong nagsabi sa iyo niyan?" Tanong ko.


Ngumiti siya sakin at inalis sa mukha ko ang belo na tumatakip sa mukha ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at kinuha ang engagement ring namin. He cupped my cheeks saka ako hinalikan sa noo.


"Ayos lang sakin kung maiiwan ako dito. Mas matutuwa ako kung tatakbo ka para habulin si Chase. Ako na bahala dito. Trust me." Bulong niya at lumayo sakin. "Takbuhin mo na si Chase... Bago pa magbago isip ko." Aniya.


Ibinaba niya ko sa hakbang ng altar. Tinitigan ko muna siya at naramdaman ko na lang na humawak sakin si Ina.


"Kami na bahala dito, Irina. Habulin mo na si Chase." Aniya at marahan akong tinulak.


Tumingin naman sa relo niya si Kurt at biglang nagmukhang nagpapanic. "You have 30 minutes, Jace." Aniya sakin.


Kinagat ko ang labi ko at tumango. Suminghap ang mga bisita nang nagsimula na kong tumakbo ng naka-stilettos. Kahit pagkalabas ko ng simbahan ay suminghap ang mga hired photographers namin at natigilan sa pagkuha ng picture.


Bumaba ako ng hagdan ng nagmamadali pero maingat. Tumakbo ako at hindi ko na inalintana na sasakit ang paa ko mamaya dahil sa pagtakbo ng nakaheels.

Nasa may tapat na ko ng McDo at alam kong may namimicture sa likod at tabi ko. Makakita ba naman ng babaeng naka-wedding gown, maiintriga ka talaga. Baka nga kumalat na runaway bride ako kahit hindi totoo. Nautusan lang po ako ng groom na tumakbo.


Iniisip ko kung tatawid ako kaso baka mauwi naman akong patay kung gagawin ko yun.


May huminto na kotse sa harap ko. Bumaba ang bintana ng passenger seat at nakita ko ang kambal ni Chase na si Eris. Pinagbuksan niya ko ng pinto mula sa loob kaya mabilis akong pumasok sa loob. Hawak ko pa rin ang bouquet at bago ko isara ang pinto ay inayos ko muna ang wedding gown ko.


Mabilis na pinasibad ni Eris ang kotse papunta sa may airport. May tinatawagan siya habang ako ay palinga-linga.


"Fvck you, Chase! Ayaw sagutin!" Sigaw ni Eris.


"B-baka busy ang linya." Sagot ko.


Umiling si Eris at hininto saglit ang kotse dahil sa inspeksyon. Mabilis lang naman nangyari yun kaya nakapunta agad kami ni Eris sa departure area. Halos mamatay ako nang makita ko ang dami ng mga dayo at bakasyunista. Summer pa kasi kaya ang iba ay umaalis pa rin. Paano ko hahanapin si Chase nito?


Pinarada ni Eris ang kotse at may binayaran siyang trabahador doon.


"Bumaba ka na at hanapin mo si Chase. Kakaunti na lang ang oras. Dalian mo." Mahinahong sabi niya na tinanguan ko.


Mabilis akong bumaba at inayos ang gown ko. Hawak ko pa rin ang bouquet sa hindi ko malamang dahilan. Tumakbo ako saglit at dahil nahihirapan ako ay hinawakan ko ang palda at inangat ng kaunti para makatakbo ako.


Kung saan-saan na ko nagtatakbo. Alam kong hindi ko siya makikita kung hindi ko siya tatawagin. Pabalik balik na ko at labas masok pa ko sa loob ng airport, pinababayaan na lang ako ng gwardiya doon. Ang haggard ko na rin pero nang tumingin ako sa glass window ay mukhang maayos pa rin ako.


"Chase!" Sigaw ko dahil hindi ko siya mahanap kung saan saan.


"Chase!" Sigaw ko ulit at wala pa ring sumagot.


Unti-unti na kong nanghihina at napaupo sa panlalambot ng tuhod. Hindi siya pwedeng bigla na lang nawala ng ganito!


Napahikbi ako sa kinauupuan ko. Pinunasan ko ang pisngi ko at wala na kong pakielam kung mukha akong baliw dito sa mata ng mga aalis na tao. Naririnig kong nagbubulungan sila.


"Chase..." Sambit ko.


Humagulgol lang ako dito pero nabuhayan ako nang may makita akong pamilyar na tao.


Nakatalikod siya at malayo sa akin. Tumayo ako saka ako tumakbo ulit, hindi kalayuan sa kanya ay huminto agad ako. Umiiyak na napangiti ako. Siya ito. Hindi ako nagkakamali.


"Chase!" Sigaw ko pero hindi siya lumingon.


Mukha namang natigilan siya. Tinanggal niya ang headset na nakasalpak sa tenga niya kaya tinawag ko ulit siya pero lumapit na ko ng kaunti.


"Chase." Tawag ko.


Humarap siya sakin at tulad ng sabi ni Eris ay hindi nga berde ang mata nila. Sunod-sunod na nagpatakan ang mga luha ko at napangiti ako. Napatakip ako sa bibig ko at humikbi. Nakatingin siya sakin na parang nagtataka. Siya... Si Chase.


Nothing But Stringsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن