"He's crazy." Sambit ko.
"Yes, he is." Sagot naman ni Eris.
Natigil kami sa pag-uusap ng pumasok sa kwarto sila eomma. I smiled at them saka ako nagpaalam kay Eris. Mabilis niya naman sinabi sa akin lahat ng plano ni Chase kung sakali raw na magbago ang isip ko. Kung magbago man, maabutan ko pa kaya si Chase? Hihintayin niya kaya ako kung hahabulin ko siya?
Lumapit sakin sila eomma at niyakap ako. Humalik sa pisngi ko si appa at si Zion. Eomma started tearing up. Hinaplos ko siya sa parehong braso niya. Tinawag ako ng wedding coordinator namin saglit at kinausap ako. In 20 minutes aalis na kami para dumiretso sa simbahan.
Inalo ni appa si eomma at pinunasan niya pa ang pisngi ni eomma. I admired them. I want that kind of love. I want to achievement a love like that. Their love will last for a lifetime. Alam ko dahil kahit kailan hindi magawang sukuan ni appa si eomma at ganoon rin naman si eomma kay appa.
Appa suddenly approached me then wrapped me up in a hug. Umupo kami sa kama at inayos naman ni Ina ang gown ko saka siya umupo sa tabi ni appa.
"My twins are now grown ups at ang Irina ko ay ikakasal na." Aniya na nagpangiti sa amin ni Ina.
Tumingin sa akin si appa at seryoso akong tinignan. "Seryoso ka na ba talaga dito, Jace?"
"Wala na po akong magagawa appa." Sagot ko.
Tumango siya at niyakap na lang ako ulit.
"Nandito kaming lahat para sa'yo. You'll be a great wife to Kurt. Alam ko yun because you are my daughter. Pinalaki namin kayo ng maayos at nakita ko kung paano kayo lumaking maganda at maayos. I'm a proud father just by seeing my children grow up." Sabi niya.
Lumapit si eomma na naluluna pa. She held both of my hands at hinaplos iyon.
"Whatever happens, Irina. Nandito kami para samahan kayo ni Kurt, okay?" Aniya at pumiyok.
"Okay, eomma. I love you guys." Sabi ko at nag-group hug kami.
Maya maya ay dumating na ulit ang wedding coordinator at pinaghanda kami. Sumakay ako sa bridal car at ako lang mag-isa dito.
Tumingin ako sa labas ng bridal car. Inaayos na nila yung mga kasama sa entourage. Kahit sila appa ay nandoon na at hinihintay na lang kami. Kinabog ng malakas ang dibdib ko. It's either sa kaba, sa excitement o kaya sa pag-iisip na malapit na umalis si Chase.
Nawala ako sa pagkatulala nang kumatok ang wedding coordinator namin sa may bintana ng bridal car. Heavy tinted ang kotse mula sa labas kaya hindi talaga ako makikita sa loob. Pinababa ko ang bintana saka ko siya tinignan.
"Ready na po ba kayo?" Tanong niya sakin.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 40
Start from the beginning
