Sumang-ayon ako kay Lyra. Hindi sa binubuhusan namin ng puri ang isang partikular player pero sa maraming crucial play, si Ren ang nagliligtas sa amin sa last minute. Ilang tao na ata ang napapaiyak niya sa mga buzzer beater shots na nagpapanalo sa amin. Sa napakaraming pagkakataon na natatambakan kami ng kalaban, siya ang hinuhugot ni Coach Dren at pinagkakatiwalaan ng mga players para pumuntos. Nakakahabol kami at nananalo. Hindi pa niya kami binibigo simula nang una siyang ipinasok ni Coach Dren nung second game namin. Ang maganda pa sa kanya, never ko siyang nakitang nagyabang.


He's gaining popularity, yes. Sa ganda ba ng pinapakita niyang performance, paanong hindi? Maski sa ibang university, hindi na ako magtataka kung kalat na kung sino siya.


"Lumalakas ang opensa dahil sa kanya. After all, changing the system isn't a bad idea."


"I can see that. Nakakaproud talaga pag nananalo team and that makes me very proud of my father. Sana makapasok tayo ng Finals, 'no?" Excited nitong sabi.


"That's the next goal." Kumuha ulit ako ng cocktail. Inalok ko si Lyra ng isa at tinanggihan niya 'yon.


Nang ma-bore ako ay lumipat ako sa table nila Ervis. Nagkukwentuhan ang mga ito. Nakikinig lang ako at tahimik na umiinom. Hindi ko na namalayan ang pag-uwi ng mga staff at ibang players. Medyo nahihilo na rin ako pero patuloy ako sa pag-inom. Kailan ba ako huling uminom? Hindi ko na matandaan.


"Manager, tama na 'yan. Tipsy ka na." Bumaling ako sa kanan ko dahil do'n ko narinig ang boses ni Ren. Ginigising na rin niya si Marco na mukhang nakatulog na sa upuan. Si Ervis at ang  dalawang rookie namin ay nakayupyop sa upuan. Si Kenedic ay namumungay na ang mata. 


Napangisi ako. Mas matibay pala ako kaysa sa mga 'to, eh. Lumingon muli ako kay Ren. Mukhang siya lang ang hindi nagpakalango ngayong gabi at nasa huwisyo pa.


"Manager, alam mo ba kung saan ang bahay ng mga 'to?"


Mariin akong pumikit at dinilat ng malaki ang aking mata pagtapos. Umiling ako bilang sagot.


"Ba't hindi na lang sa dorm niyo?"


Napabuntong hininga si Ren. "Okay."


Tumayo ako at hinanap kung nasa'n ang backpack ko. Panay ang hawak ko sa mga upuan. Nang makita ko 'yon ay agad kong sinukbit 'yon sa aking balikat.


"George, uuwi ka na?" Tanong ni Kenedic.


"Oo." Sagot ko habang hinihilot ang gitna ng aking ilong. Nanlalabo na ang paningin ko.


"Sino ang kasama mo?" Tanong pa nito.


"Kaya ko umuwi mag-isa."


"Ano sasakyan mo?"


"Eh di jeep!"


"Gabi na, Manager. Saka, lasing ka." Hindi ko na alam kung sino ang nagsabi no'n. Lumakad ako at napatid ng paa ng upuan. Napamura ako nang lumagapak ako sa sahig.

Stuck At The 9th StepМесто, где живут истории. Откройте их для себя