Chapter 2

228 17 1
                                    

⊰᯽⊱┈─────╌❊╌──────┈⊰᯽⊱
𝕮hapter 2

Asteria Lein Y Credieu

Napabuga ako ng hininga at nakita kong parang may usok na lumabas sa bibig ko dahil sa lamig. Alas singko na ng umaga at sumisilip na ang araw. Andito na ako sa labas ng Emerald Palace at hinahanda ko na ang gamit na dadalhin ko sa tatlong araw na pamamalagi sa palasyo.
Suot ko ang kulay ceruleun dress at makapal na fur coat. Umandar na ang karwahe kaya naman kumaway na ako kay Ate Jen, tumingin naman ito sa akin na para bang sinasabi ng mata niya na mag-ingat ako.

Mayroon naman kawal na nakatalagang magbantay sa akin at nasa harapan siya ng karwahe.

Ibinilin ko na lahat kay Ate Jen ang Emerald Palace at sa iilan kong mga abogado. I stretch my arms at napahikab, hindi naman kulang ang tulog ko pero tinatamad talaga ako sa mga oras na ito at nasa higaan pa ako.

Sumakay ako sa karwahe, mga ilang minuto pa ay narinig ko na ang pag-andar ng sinasakyan ko. Nagtatakha ako kung bakit walang sasakyan dito, yung gagamitan mo lang ng de motor? Naku kung engineer ako sa dating mundo namin ni Neil, baka mayroon ng baril dito na ang bala ay mahika.

Pero hindi naman ako engineer at isang magandang nilalang lang ako na gumagawa ng tinapay. Hay, nagtatakha tuloy ako kung paano kami namatay ni Neil sa dati naming mundo. Gaano kaya ako kaganda noon? Well... Whatever, ang mahalaga ay maganda akong tunay. At alam kong may igaganda pa ako pagnagdalaga ako.

I had emerald eyes, at malagintong buhok na namana ko sa aking Ama. Miss ko na nga yung peke kong buhok na kulay kahoy ng molave. Hindi ko kase alam tawag dun pero naiwala ko kase yung kwintas na nagpapabago ng buhok ko. Mataas rin ang aking ilong, mahaba ang pilik mata at mapupulang labi. Hindi ko na nga kinailangan pang maglagay ng masyadong kolerete eh.

Ngunit, sa hindi niyo alam. Maraming peklat ang katawan ko lalo na sa hita at sa aking likod dahil sa natamo kong mga sugat noong bata ako. Bunga iyun ng panglalatigo ng aking Ina. Ngunit, wala iyun. Lahat naman tayo may mga imperfections hindi ba? Hindi ko itatago iyun, maganda parin ako.

Hindi naman medyo kalayuan itong palasyo, mga isang oras lang naman yung byahe. Kaso inaasahan na ako ng aking ama sa umaga, so. Napagdesisyonan kong maagang umalis.

Nagtatakha nga ako kung ano ba talaga yung gusto niyang sabihin na importante. Sana magandang
balita iyun. Hindi ko na kase carry pa na bad thing yun, ayoko ng sakit ng ulo noh. Kay bata bata ko pa, para sa mga bagay na iyan.

What if dahil sa stress pumangit ako sa puberty stage ko? Kasalanan nila yun.

Mag-iisang oras nga at sa wakas ay natanaw ko na ang palasyo, napakaganda ng palasyo at napakalaki. Akala ko talaga sa mga fairy tale lang to eh, pero totoo at nasa harapan ko na. Loh, OA ko naman ilang beses ko ng nakita yan eh. Nagtataasan kase ang gusali at hindi ko mapigilang mamangha ng paulit-ulit.

I can't imagine myself na isa akong prinsesa ng palasyong to, hindi ko inaasahan na ibibigay sa akin ang dati'y abot tanaw ko lang sa mga deskripsyon sa libro. Ito ay sentro ng apat na kaharian, ang emperyo ng Credieu. At dala ko ang apilyido ng Credieu na dati'y isinusuka ko.

Tumigil ang karwahe, at saktong tumigil iyun sa lugar kung saan kami naghiwalay ni Neil. Nakaramdam na naman ako ng kirot dahil miss niya na ako. Syempre, miss niya na ako. Alangan naman ako lang. Bumaba ako sa karwahe, ngunit nawala ang aking mood ng sumalubong sa akin ang mukha ng isang babaeng pinakaayaw kong makita.

The Emperor's Twin (Book 2)Where stories live. Discover now