Chapter 1

332 22 2
                                    

⊰᯽⊱┈─────╌❊╌─────┈⊰᯽⊱
𝕮𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐎𝐧𝐞

Asteria Lein Y Credieu

Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng umalis si Neil sa palasyo, andito ako sa aking hasyenda abala sa pagpitas ng tangerines sa umaga. Sa tatlong taon na iyon ay sinanay ko ang aking sarili na wala ang presensya ni Neil.

Sinabi ko rin kay your highness na nais kong mamalagi sa Emerald Palace, kung saan kami unang namulat ni Neil. Saka mas okay na dito dahil kahit papaano ay hindi ko nakikita ang mukha ng mga impakta. Noong una nga ayaw pa pumayag ni your highness kase gusto niya nakikita niya at nakakabonding niya kami. Pero pinaliwanag ko sakanya na mas lalo akong malulungkot kapag kasalo ko siya pero hindi ko kasama si Neil.

Nirenovate ko ang Emerald Palace, nagtanim ako ng tangerines. At nagpadala din ako ng mga tauhan doon sa hasyenda ni Mama, sa pinagtaguan namin sa kaharian ng finchester. Doon sa humnville, may mga ektaryang wheat don na magagamit sa paggawa ng tinapay. Napalago rin ang panaderya doon na sinimulan ni Mama sa katauhan ni Veronica Rouch, ibinigay niya ang pamamahala sa mga tauhan niya.

Naging mapayapa naman ang kaharian pagkatapos ng nangyari noon, hinahanap parin si Mama ng mga kawal dahil sa nagawa niya noon. Napaganda rin ang paaralan ng S.U.I. dahil narin sa request ko kay Ama. At ako bilang prinsesa? Kahit sa edad na sampo ay sinubukan kong makatulong para sa ikakaunlad ng Emperyo.

Nagpagawa ako sa bayan ng isang lugar kung saan mapupuntahan ng mga tao upang maghain ng hinaing. Mayroon akong mga abogado roon na gumagawa ng sulat kapag may mabigat na problema ang mga tao, ibinibigay ito sa akin at gumagawa ako ng hakbang upang masolusyonan iyon. Ipinapadala ko iyon kay Ama upang maipaalam at maaksyonan.

Ngunit may kulang parin, nakukulangan parin ako sa gawa ko. Dahil ang aking kambal ay nasa malayo at inaalay ang kanyang buhay para sa bansa. Nakakainis na, mabubulok na ako dito at miss ko na si Neil.

Nagbalat ako ng tangerine at kinain iyon, sabi ko noon kay Neil. Magiging malakas rin ako, yung tipong hindi niya na kailangan pang protektahan. Pero ngayon, wala akong magawa kung hindi tumunganga araw araw.

Pano ba naman, ayaw akong payagan ni Ama na gumamit ng mahika. Sabi nito sakin ang pag-eensayo daw ay para sa mga lalaki lang. May stereotypes pala na ganon dito? Eh hindi na yun uso sa dati kong mundo. Nakakainis naman, walang pantay na karapatan para sa mga babae.

Sabagay rito, hindi nga kapantay ng Empresa ang kapangyarihan ng Emperador. Mas higit pa si Papa kaysa sa Empresa, panong hindi mabubuo yung stereotypes na ganyan.

Tapos naka-assign lang ang Empresa sa mga banquets, events, at pagbubudget ng pera ng palasyo. Yun lang, kumbaga parang nanay lang ng isang bahay na stereotype. Hindi pwedeng pakiaalaman ng Empresa ang mga isyu tungkol sa bansa dahil ang nakatalaga doon ay ang Emperador. Kaya nga tuwang tuwa yung Leigh nayun kase nableblessingan siya ng marami.

Isa narin sa rason kung bakit mas pinili kong mapalayo dahil araw araw akong mahihighblood sa babaeng yun. Alam kong bata siya at yung kaisipan ko ay matanda na, pero naiinis parin ako. Kase at the same time iniispoil siya, one time noon. Nagsabunutan kami, pano ba naman hindi ko kinaya ang ugali eh.

Dinabugan kami dahil masama yung lasa ng pagkain. Pinaalalahan ko lang naman siya ng etiquette eh, tapos tinapunan niya ako ng juice. Para sakanila hindi iyon sadya at aksidente lang, dahil pinalabas talaga ng bruhang bata nayon na aksidente lang. Ginatungan pa siya ng nanay niya kaya in the end ako yung masama. Pero kitang kita ko ang pagngisi ng babaeng yun, lagi kong sinasabi sa aking self na bata lang yan Asteria. Wag kang papatol pero sinagad talaga ako eh. 

The Emperor's Twin (Book 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora