Chapter 1: Bitter

22.7K 409 21
                                    

"Magkaklase kami sa isang subject! Omg!" Sabi ni Ella. We're in a mini cafeteria to grab some food. Umalis na kami after kumanta ni Alyssa. Nagyaya na si Besh e. Tingin niya naman daw si Alyssa na ang bagong vocalist.

"Ni Alyssa?" I asked. Mamaya iba pala tinutukoy niya, ang dami pa namang crush nito.

"Yep. Yung subject na yun, 4 times a week pa! Meant to be talaga kami!" Sigaw ni Ella.

"Pag magkaklase, meant to be na agad?" Sabi ko sa kanya. Ang harot talaga nito.

"Selos ka lang, besh. Umamin ka na. Crush mo din si Alyssa no? Promise, di ko ipagkakalat." Sabi ni Ella.

Binato ko siya ng butil ng kanin. Alam kong sayang pero sorry na. Parang ewan kasi 'tong si Ella e.

"Joke lang eh." Sabi ni Ella.

"Tara na. May hahanapin pa akong mga books." Sabi ko at tumayo.

"Grabe naman! Umpisa pa lang, books na agad!" Sigaw ni Ella. Wala e. BS Bio student. Anyway, I love Science naman.

Almost an hour ang dumaan bago nahanap ang mga librong kailangan ko. Ang bibigat ng mga librong 'to! Ang kakapal pa. Babasahin kaya namin 'to? Ipanghampas ko na lang kaya sa mga papansin? Kagaya nung gf ni Ara. Ay sorry sorry. Badass

Naiinip si Ella kaya doon siya sa may table naghintay.

Nahulog yung mga librong kinuha ko dahil may walang hiyang bumunggo sa akin. Nakakakaasar!

Tinulungan naman ako nang kung sino man. Buti na lang hindi bumagsak sa paa ko yung mga libro yun. Ang bigat kaya.

Tumayo na ako para ayusin ulit yung libro sa kamay ko.

"Sorry." Sabi niya kaya napalingon ako sa bumangga sa akin.

Shit! Si Alyssa Valdez pala!

"Ah o-okay lang." Sabi ko. Anong nangyari, Den? Kanina lang inis ka dyan ah!

"May gusto ka ba sa akin? Sinadya mo ba yung pagkakabangga mo sa akin? Kung oo, sorry, miss, wala akong time dyan." She said and left.

I was left dumbfounded. The hell on what she has just said! Ang taas naman at ng self-confidence niya! Yung paghanga ko sa kanya kanina, nawala! Funny how some sentences can change your mind.

Pumunta ako sa upuan namin na naiinis. Kapal din ng mukha ng Alyssa Valdez na yun! Kasing kapal ng mga librong hawak ko! Sarap ihampas sa kanya.

"Oy, ba't ganyan mukha mo?" Tanong ni Ella na palihim na kumakain. Bawal pa naman kumain dito sa library.

"Nakabangga ko si Alyssa. Nakakainis!" Sabi ko sa kanya at saka binagsak ang apat na librong kinuha ka. Napalakas ata ang pagbagsak ko kaya sinita ako nung librarian. Nagpeace na lang ako sa kanya. Mapapahamak pa ata ako dahil sa Alyssa Valdez na yun.

"Omg! Asan siya?!" Sabi ni Ella. Napatayo pa talaga siya!

"Malay ko! At wala na akong pakialam!" Sabi ko at napaupo na lang.

"Ha? Ba't ka ganyan? Kanina lang kasama na kitang nagfafangirl tapos ngayon parang hater ka na. Anong nangyari?" Tanong ni Ella. Umupo na siya nang napagtanto niya na wala na si Alyssa sa library. Mabuti na lang!

"Yun nga, nagkabanggaan kami tapos tinanong niya ako kung sinadya ko daw bang banggain siya, kung may gusto ako sa kanya. Kung oo daw, wala daw siyang time sa akin. Ang kapal di ba?" Sabi ko.

"Sure ka bang si Alyssa yun? Ang bait kaya nun!" Tanggol ni Ella kay Valdez.

"Oo. Siya yun! Saang banda dun ang mabait?" Tanong ko.

Words Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon