TULA #4: Bahay na tagpi-tagpi

22 3 2
                                    

Tuwing umuulan ng malakas bubong ay tumutulo,
sapagkat butas-butas ang yero.
Ito lamang ang nakaya ng ama ko,
basurahan ang pinanggalingan ng iba sa yero.

Simpleng buhay lang ang mayro'n kami ng magulang ko,
sapagkat hindi sila naka tapak sa koliheyo.
Ulam pa namin madalas ay asin o tuyo,
ngunit kahit na ganun ay hindi ako nagrereklamo.

Sadyang hindi lang maiwasan ang pangugutya ng ibang tao,
dahil na rin sa buhay na mayro'n ako.
Gamit namin sa bahay ay mga pinaglumaan pa ng ibang tao,
Pati gamit sa eskuwelahan ay hindi makabili ako.

Minsa'y pumapasok na walang maluto,
kaya tiyan ko'y kumukulo.
Sumasakit na rin ang ulo,
sapagkat walang sustansya ang mga kinakain ko.

Mga Tula (Random)Where stories live. Discover now