Liga pt. 1 (NoMin)

1.1K 1 0
                                    

NOTE ( Please read before proceeding ) :

••• TagLish

•• tp!jeno , bttm!jaemin

cw // sexual themes , consensual sex , outdoor sex , strong language , dirty talking , blowjob , anal fingering , thigh fetish , dacryphilia , bareback

enjoy ~

••••••••••

"Jaemin, dalhin mo 'to kay tita Meridith mo." inabot ng nanay ni Jaemin ang isang tupperwear na puno ng bulalo sa kanya, at marahan siyang itinutulak palabas.

"Teka naman, magpapalit lang ako ng short!" angal niya habang sinesenyas sa kanyang ina kung gaano kaiksi ang suot niyang pambahay na short. It was mid summer at talaga namang nakakatunaw ang init, even at night. And this night was one of those exceptionally hot night kaya naman nagsuot si Jaemin nang maiksing short at loose shirt para kahit papaano ay maibsan ang init.

His short reaches only the upper part of his thighs, exposing the milky and smooth rest.

"Huwag na, iaabot mo lang naman ito! Bilisan mo!"

"Sabihin mo muna 'please.'" mapang-asar na saad ni Jaemin sa kanyang ina ngunit ipinagtulakan lang siya nito.

"Bilisan mo na, kurutin ko singit mo eh!"

At sumunod na nga siya sa utos ng kanyang ina at tinungo ang kapitbahay nila. Ang sumalubong sa kanya ay ang childhood best friend niyang si Haechan na ngayon na lamang niya ulit nakita.

Kakauwi lang kasi ulit ni Jaemin sa kanilang probinsya sa Quezon. Dalawang taon siyang hindi nakauwi dito dahil nag-aaral siya sa Maynila, kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jaehyun, o mas kilala sa kanilang barangay bilang si 'kap Jae' dahil dati itong SK chairman.

"Bruha! Ang tagal mo, kanina pa start ang liga!" singhal ni Haechan sabay hila sa kamay niya.

"Wait, may pinapabigay si mama kay tita Meridith! Tangina, mapuputol na kamay ko kakahila mo!"

"Oy, ano yan? Ulam?" kuminang pa ang mga mata ni Haechan habang sinisilip ang transparent na tupperwear na hawak ng kaibigan.

Iniabot muna ni Jaemin ang ulam sa nanay ni Haechan at nakipag-kwentuhan nang kaunti bago mainis ang kanyang kaibigan at sunduin siya sa loob.

"Be, ano? Kaya today? Alas otso na, tapos na ata first game!" Haechan complained while stomping his feet. Jaemin rolled his eyes. Alam naman niyang wala talaga itong pake sa laro, maghahanap lang ito ng pogi sa court.

"Uuwi muna ako, magpapalit ako ng short." mahinang sabi ni Jaemin habang naglalakad na sila palabas. Liliko na sana siya sa kanilang bahay nang hilahin ng kanyang kaibigan ang kanan niyang kamay sabay takbo.

"Wala na tayong time, Jaemin! Baka sila Makoy na ang sunod na maglalaro! Huwag ka nang maarte, porke galing kang Maynila!"

Hindi na siya nakaangal at hinayaan na lamang ang katawan na magpahila kay Haechan.

Hindi naman sa hindi siya confident sa kanyang katawan, ngunit hindi rin siya sanay na ganito kaiksi ang suot kapag nasa labas. Pambahay lang talaga para sa kanya ang ganitong ayos.

NCT DREAM SMUT COMPILATIONWhere stories live. Discover now