Nagulat man si Dhianne sa ginawa ni Dianna ay agad niya rin itong niyakap at napaluha na lang siya. Hindi niya alam pero kusang gumalaw ang mga kamay niya para yakapin si Dianna.

"Hmm, sorry then. I'm Jhacey Neil Fernandez, right? And I'm your twin brother. Oliver hide me to all of you for how many years. He raised me, but when I was seven years old he just threw me away like a trash. Since then, I promised to myself that when I grow up, I will find him and get revenge. And when I grew up and had enough money to do what I wanted to do with him, I did. Alam ko lahat ng baho niya, and habang inaalam ko lahat ng baho niya, that's when I found out that I wasn't his real son and that he just took me from his brother. I also found out that my real parents did not know that they had twins. Na meron silang ako. Simula nang malaman ko ang tungkol sa inyo ay doon ko sinimulang panoorin at bantayan kayo mula sa malayo. May binayaran siya sa hospital noon kung saan nanganak ang Mommy niyo para kunin ang isa sa kambal at itago. Nagtagumpay naman siya dahil you don't know that I exist, but don't worry, it's okay. I understand why." mahabang sabi ni Jhacey at bahagya pang ngumiti.

Si Alfred naman ay nakatitig lang sa binata habang nakikinig sa sinasabi nito. Doon niya din napansin ang kabuuhan ng mukha nito.

Doon niya nakita ang mukha ng isang Fernandez. Doon niya narealize na totoong kakambal ito ni Jazley. May pagkahawig rin kasi talaga ang dalawa. Hindi lang nila nagawang pansinin kanina dahil abala sila kay Oliver.

"Someone help me. When he threw me like a trash, someone saw me and decided to adopt me. Mabuti silang tao at mahal ko sila. Sila ang dahilan kung bakit buhay pa rin ako ngayon, but sadly, they died. No'ng nakaraang taon lang because of car accident. Ako na lang ulit mag-isa nang mamatay sila. And I didn't expect na iiwan nila sa 'kin lahat ng pagmamay-ari nila. Ayaw ko mang tanggapin dahil hindi ko naman deserve at lalong hindi naman talaga dapat sa 'kin 'yon ay tinaggap ko na lang din dahil 'yun ang gusto nila. Wala kasi silang anak that's why sa 'kin napunta lahat. Ayaw din nilang ibigay sa mga kamag-anak nila dahil wala daw silang aasahan sa mga 'yon kaya sa 'kin nila ibinigay. I'm very thankful that I have them, that they help me. That they raised me well. Na may tiwala sila sa 'kin para sa 'kin nila ipamana lahat ng pinaghirapan nila." pagpapatuloy ni Jhacey at kita ang lungkot sa mga mata nito habang nagsasalita tungkol sa mga taong tumulong sa kaniya.

"But anyways, I hope you'll accept me." He said again.

Magsasalita pa ulit sana siya nang magulat siya dahil biglang yumakap sa kaniya si Dianna.

"Of course, tanggap kita. You are my son kaya tanggap kita. I'm sorry, I'm sorry if hindi ko alam na nag-eexist ka. Patawarin mo si Mommy." umiiyak na sabi nito kay Jhacey.

Si Jhacey naman ay nanatiling natigilan. Hindi alam ang gagawin. Hindi niya nga namalayan na may tumulo ng luha sa mga mata niya.

Sobrang tagal niya ring hinintay ang araw na 'to. Ang mayakap ang nanay niya. Makausap at makita nang harapan ang pamilya niya.

Matagal siyang nangulila sa pamilya niya kaya ngayong nasa harapan niya na ang mga ito ay hindi siya makapaniwala.

"You don't have to say sorry, Mom. I understand and wala namang ibang dapat sisihin dito kung hindi si Oliver lang. And is it okay to you that I call you Mom?" sabi ni Jhacey nang yakapin na rin niya sa wakas ang nanay niya nang mahigpit matapos niyang matauhan sa biglaang pagyakap nito sa kaniya.

"Of course! No need to ask that." Dianna said and hinarap niya ang anak. Hinawakan pa niya ang pisnge nito.

Hindi siya makapaniwala na may isa pa siyang anak at kambal pa ni Jazley. Hindi niya kinakaya ang mga rebelasyon na nangyayare.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now