Belle of the Night

87 7 3
                                    

The night had begun, puno na ng mga dancing students ang ballroom. Tunay na maganda ang venue.

"Yo, Stell. Ayaw mo ba mag-slow dance?," napalingon ako kay Ken.

Prente siyang nakaupo sa upuan niya. Umiinom lang siya ng juice at pinapanood ang mga estudyanteng nagsasayaw kasama ang mga partners nila.

"Ayoko. Atsaka wala naman akong ka-partner," sabi ko at kinuha yung baso ko.

"Luh, malay mo may mag-aya sa 'yo diyan sa tabi-tabi."

"Malay lang. Pero wala 'yan," sabi ko at humigop ng juice. Hinayaan naman na ako ni Ken, kapal ng mukha neto, maka ano sa akin akala mo naman may partner na.

Biglang huminto yung slow dance at may umakyat na emcee sa stage, agad na nalipat ang tingin ni Ken sa katabi nung emcee, kay President Justin na naman. Kawawang manok, hindi kasi pwede si Justin dahil nagprisinta siya na mag-emcee, leaving his bestfriend alone this night.

Actually crush siya ni Ken, eh may jowa na si Pres. Tapos nagtampo naman si manok kase nawalan ng time sa kaniya si Jah.

"Ayan, goodevening again fellow students, nna-eenjoy niyo ba bawat minuto ng ball? Kung ganon, meron pa. Kilala niyo naman si John Paulo Nase, diba?"

Agad na nagpalakpakan yung mga estudyante, agad na nawala yung ngiti ko. Badtrip naman.

Naiinis ako sa lalaking yon, biruin mo yung effort na ginawa ko para lang i-convince siya na maging partner ko, kapalit ng pagtigil ko na guluhin siya, napunta sa wala. Nireject nya ako in the end.

Siya na nga binibigyang chnace na maalis ako sa buhay niya, ayaw pa niya.

---

Matapos ng singing show ni Paulo, pinagpatuloy ulit yung slow dance ng mga estudyante, nabawasan na dahil kumakain yung iba, Inaamin ko kahit hindi ganon kasaya experience ko, nabawi naman food. Ang sarap grabe.

"Ken, can we talk?," napalingon ako kay Jah. Uy chismis!

"Ayoko, bakit hindi ka makipag usap doon kay "Joshie" mo?," sabi ni Ken at pinagpatuloy ang pagcecellphone niya.

Okay, ako po talaga si Stellvester "Marites" Ajero ng SB school.

Wala nang nagawa si Ken kaya sumunod na siya kay Jah palabas ng venue, leaving me with dancing and eating students. Pero alam mo kung anong mas nakakaiyak?

Pau and Stella are dancing on the floor, silang dalawa lang talaga. Parang sila yung main event, main purpose.

Actually, para silang mag-asawa. Bagay sila, inaamin ko. Pero mas bagay kung ako kasama niya diyan.

Napagplanuhan talaga nila yung susuotin nila, white, gems, edi kayo na.

Siyempre ayaw ko namang masaktan ng tuluyan, tumayo na ako dala ang gamoit ko. Uuwi na lang ako, mga bebs.

Hindi kaya ng little heart ko. Masakit kasi umasa ako ng malala, sana di na lang siya pumayag una pa lang. Para sana di na ganito kasakit.

---

Hindi agad ako nakauwi, wala pa pala yung sundo ko. Nakalimutan ko na kasabay ko si Ken, so I spent almost two hours sa bench, todo scroll sa social medias. Wala eh, ayoko na talaga makita siya. Nakakasakit na siya ng sobra.

"Stell."

"Uy, Pau. Haha, ang galing mo kanina."

Ang awkward, shet.

"Stell, how are you?," he asked. Eto, ang sakit sakit pa din.

"O-Okay naman. Yeah, it's been great. Eh ikaw? Kumusta ka? Kayo ni Stella?," tanong ko. Alam kong mapait yung pagkakasabi ko. Masisisi niyo ba ako? He chose my twin, kahit alam niyang masakit para sa akin.

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now