"Pinaalis ko na. Nauna na siya doon,"

"What?!" Bulalas ko."Bakit mo pinaalis?!" napataas-kilay na tanong ko.

"Utos sa akin ng daddy mo na sunduin kita at hindi raw kita ipagkatiwala sa ibang tao." paliwanag nito."Tara na, baka magsimula na ang party." yaya nito.

Tatalikod na sana ito pero tumanggi ko.

"Ayoko." malutong na sabi ko.

Tumingin naman ito sa akin."Kung hindi ka pa sasama sa akin, magko-commute ka nalang. Alam mo ba ang daan papunta sa venue?"

Napa-crossed arms na lamang ako sabay napabuga ng ng hangin. Oo nga pala, hindi ko alam ang daan papunta sa venue na iyon. Ano gagawin ko? Sasabay nalang kaya ako sa kanya?

Napa-pout na lamang ako sa kakaisip ng magiging desisyon ko halos napatingin pa ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay nito ang isasagot ko.

"Sige na nga." payag ko nalang.

Pinagbuksan na niya ako ng pinto at pumasok na sa loob. Sa kabila naman siya pumasok at siya ang magda-drive ng kotse.

Napasinghap na lamang ako nang lumapit na lamang sa akin si Dylan halos natigilan ako at nanlaki mata nang makitang ang lapit ng mukha niya sa akin. Mas lalong nabaliw ang puso ko nang tumingin siya sa mata ko. Hindi ko na gusto ito. Sasabog na puso ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Kunti nalang, mahahalikan na kami dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Kinabit naman niya ang seatbelt sa akin."Kailangan ko ingatan ang prinsesa." napaka-guwapong pahayag nito at dahan-dahan na itong lumayo sa akin.

In-start na nito ang engine na may pilyong ngiti sa labi. Ako naman itong napatikhim na lamang sa awkward na nararamdaman ko at hindi ko naiwasan na hawakan ang dibdib ko. Malakas pa rin ang kalabog nito.

Umayos na ako ng pagkakaupo nang pina-andar na ni Dylan ang kotse para umalis na kami.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkapasok namin sa loob, pinagtinginan naman kami ng mga tao. Hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa hiya. Nawawala ang confident ko dahil sa mga matang nakatingin sa akin.

Nakikita ko sa mga taong nasa paligid namin ay nakatingin sa akin na parang minamaliit ako. Parang nakikita ko sa kanila ang mga tao noon sa Uphone na nakapalibot sa akin na tila kinaiinisan ko.

Napahawak na lamang ako sa dibdib ko nang maramdamang umiiba ang pakiramdam ko. Nakatingin sa akin ang mga tao na nagagandahan sa akin pero nakikita ko sa mata nila na parang minamaliit ako.

"Ate Beth?"

Napatingin naman ako sa may-ari ng boses na iyon. Nakita ko namang si Pubg iyon na nasa gilid ko.

"Okay ka lang?" tanong nito.

Binalingan ko ulit ang mga tao na nasa paligid namin at lahat sila nakangiti sa amin. Siguro, namalikmata lamang ako kanina. Akala ko, nakatingin sila sa akin na tila ayaw ako at minamaliit nila ako. Nagkamali lang pala ako nakita kanina.

"Ang ganda, ma!" Mahinang sabi ni Anthony sa kanyang ina.

"Daming pagkain!" Takam na takam na saad ni Jero."Aray!"

Mabilis naman siya kinurot ng palihim ni Jake."Behave, behave." mahinang sabi niya dito.

"Umayos kayo ng tayo. Huwag tayo pahalata na mahirap tayo. Smile kayo, beautiful smile." Nakangiting ng malaki na sabi ni Aling Martha at panay kaway sa mga taong nakatingin sa kanya.

"Miss Elizabeth, dito ang table n'yo." Boses ni Kuya Joseff. Sumunod naman kami dito."Maiwan ko muna kayo ah? Pupuntahan ko muna si Sir Easton at sasabihan ko na nandito na kayo." Nakangiting sabi nito.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now