UMPISA

10 1 0
                                        

'' What is an obligation?"

" Based on Article 1156 of the civil code of the philippines. Obligation is a juridical necessity to give, to do or not to do. "

Matiwasay akong nakikinig sa prof namin na naglelecture about obligations nang bigla akong may maramdaman na nanunundot sa braso ko.

" Amanda? Woy, Amanda"

Sa Una ay hindi ko ito pinapansin pero nang patuloy pa rin ito sa panunundot ay tumingin na ako sakaniya.

" Ano ba, Florence? Tumigil ka nga. Ang ingay mo, Hindi ako makapagfocus."

Mahina at inis kong sabi Kay Florence Marco Uy, Ang seatmate ko na saksakan ng kulit at harot.

" Pakinggan mo muna 'to, Amanda. Alam mo ba na may obligation ako sa' yo? Obligation ko na-"

" Mr. Uy! "

Bago pa matapos ni Florence ang kaniyang sasabihin ay napatingin kaming dalawa sa harapan dahil sa pagtawag sakaniya ng aming professor.

" Stand up!"

Agad agad napatayo si Florence samantalang ako ay napapailing na lang. Iyan harot pa, Panigurado akong kaharutan na naman ang dapat sasabihin ni Florence sa'kin since maharot siya dati pa.

" Give me an example or situational illustration about obligation."

Napatingin sa akin si Florence bago tumingin sa prof namin at binigyan ito ng pagkalaki-laking ngiti.

'' Just like what you said, Sir. Obligation is a juridical necessity of giving, doing or not doing.''

Saglit na tumigil si Florence at tumingin sa'kin saka nagsalita ulit.

''So For example, I have an obligation of giving..... "

Nagdramatical pause pa ang loko bago nagsalita ulit

" my heart to Amanda. So therefore, I am the debtor and she is My Creditor. ''

Biglang napuno ang classroom ng hiyawan at panunukso ng mga classmates namin.

'' Lakas loob, Florence. Naol.''

'' Aral muna bago landi mga 'te.''

'' Sana all kayang bumanat sa harap ng prof.''

'' Master Florence, Pakiss. ''

Napailing na lang ako at tumingin kay
Florence saka ito tinaasan ng kilay.
Ngiting ngiti pa rin siya na nakatingin sa akin kaya naisip ko na barahin ito'
Nagtaas ako ng kamay.

'' Sir? Can I say something?''

Sabi ko sa prof namin na nakikisali na sa panunukso sa amin. Tumango naman ito sa'kin.

Tumayo ako at tumingin kay Florence na nakangiti pa rin hanggang ngayon.

'' Alam mo Florence. Okay na Sana sagot mo, e. Kaso may mali ka. ''

Unti unting nawala ang ngiti sa mukha ni Florence at napalitan ito ng pagtataka.

'' Huh? tama naman, a?''

'' Mali, Mali ka. Since we don't have any existing agreement or contract that stated your obligation of rendering or giving your heart to me. Then it just means that The obligation is non-existing. ''

Confident akong nakatingin sakaniya habang nagrerecite pero tumawa lamang si Florence na parang tanga at umiling.

'' Obligation can also arise without any contract, babe. It can arise from quasi-contract, unilateral promise and also by voluntarily promising of something and in my case, I voluntarily promise you of an obligation of rendering my heart. ''

Sabi niya at kumindat sa akin. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking mukha kaya tiningnan ko siya ng masama.

'' ehem. ''

Bago pa ako makapag salita ulit ay napatingin na kami sa prof namin.

'' Okay lang sana maglandian pero huwag naman sana sa klase diba mga bata?''

'' Tama, tama si Sir! respeto naman sa sa aming mga single. ''

" Pati kay Sir na single''

Napuno ulit ng tawanan ang buong classroom. Napailing na lang ang prof namin.

'' The two of you, sit down. ''

Naupo nalang ako at tahimik na sinamaan ng tingin si Florence.

'' Nice G, babe. Pero next time huwag papahalatang kinikilig, a? Pulang pula ka, o. ''

Natatawang bulong niya sa'kin. Hindi na lang ako sumagot at tahimik na lang na minumura siya sa utak ko.
Next time ka sa'kin, Florence.

OBLIGATION: TO DELIVER MY HEARTLa tua prossima ossessione. Scoprilo ora