EPILOGUE

22 2 0
                                    


It's a busy month for everyone. Ang lahat ng bata ay excited maging ang mga may edad. Ang lahat ay naghahanda para sa paparating na pasko, puno na rin ang list book ni Yanna ng mga orders. Mukhang hindi yata siya magkakaroon ng time para makasama si Kenny sa holiday dahil sa haba ng pila ng customers na nagpapagawa sa kanya ng cake.

"Miss Yanna!" humahangos na tawag ni Mia sa dalaga. Kakatapos lang nilang magclosing at ngayon ay nag-aayos ang dalaga ng mga gamit niya.

"Oh, Mia, bakit bumalik ka?" tanong ni Yanna.

"Miss Yanna, pwede po ba akong umutang ng kape?" habol hiningang tanong ni Mia. "Bukas ko po babayaran,"

"Oo naman, pero nailigpit ko na 'yung mga gamit, kung gusto mo kumuha kana lang d'yan, kahit 'wag mo ng bayaran." Naka ngiting sagot ni Yanna.

"Naku, maraming salamat po talaga Miss Yanna. Ako na lang po ang mag-sasara nitong café, total ako rin naman po akong opening bukas," May masiglang sagot in Mia.

"Oh sige, ikaw na bahala ha, andyan na ang sundo ko," sagot ni Yanna at itinuro si Kenny na nasa labas ng café.

Kumaway ang binata mula sa labas at saka sumandal sa labas ng kanyang kotse. Hindi maiwaan ni Yanna ang pag guhit ng kanyang ngiti habang tinitignan mula sa labas ng café si Kenny. Wala pa ring pinagbago, Kenny is Kenny.

"Tara na," saad ng binata nang makapasok ito sa loob ng café.

"Oo na, eto na," sagot ni Yanna. "Mia, maiwan na kita ha, may dinner lang kami na pupuntahan ni Kenny," dagdag ni Mia.

"Yes po, miss Yanna." Sagot ni Mia habang abala sa pagtitimpla ng kape. Isang café Americano ang tinimpla ni Mia dahil sandali lang naman ito. "Ingat po kayo," nagbow pa ito.

"Salamat. Ikaw rin," sagot ni Yanna.

"Let's go," hinapit ni Kenny ang baywang ni Yanna habang papalabas ng café. Pinagbuksan din ito ng binata ng pintuan.

"Thank you, Beau,"

"Anything, Bubby," sagot ni Kenny at saka kinindatan ang dalaga.

Pagkaalis nila ng café ay dumiretso ang dalawa sa isang restaurant kung saan naghihintay ang mga magulang ng mga ito. Nandoon si Dennise, Kardier, at Tessa. Naabutan ng dalawa roon ang mga magulang na kasalukuyang nag-uusap at mukhang nagkakatuwan dahil pare-pareho pang tuma-tawa ang mga ito.

"Hi tita, tito, good evening po," bati ni Yanna kina Dennise at Kardier bago ito bumeso. "Mommy," baling naman niya sa ina.

"Good evening hija," sagot ng mag-asawa.

"Good evening, tita Tessa," bati rin ni Kenny kay Tessa.

"Good evening hijo," sagot ni Tessa at bumeso sa binata.

"Hmmm... mukhang nagkakatuwaan yata kayo," pagdalo ni Kenny.

"Yeah, we were reminiscing the old days. Biruin mo ba naman anak, ngayon ko lang nalaman na ito palang si Tessa, she was once my block mate back in college," sagot ni Dennise.

"Exactly, ngayon ko lang din naalala 'yon nang mapagkwentuhan namin 'yung isang kakalse namin noon na sikat na singer na ngayon," sagot naman ni Tessa.

"Nako mommy. Chicka 'yan ah," pabirong sabi ni Yanna sa ina.

Ipinaghila ni Kenny ng upuan si Yanna sa tabi ni Tessa at sa kaliwang bahagi ng dalaga naman naupo si Kenny katapat ang kanyang ama. Maya-maya pa ay tumawag na ang binata ng waiter para ipadeliver ang reserved food niya. Bahagya pang nagulat ang mga magulang nila nang malaman na naka handa na pala ang lahat.

My Achy Breaky Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now