Chapter XXXV

11 0 0
                                    


Pagkagaling ni Yanna sa opisina ni Kenny noong tanghali ay dumiretso naman siya sa main branch para kamustahin ang lagay ng café roon. Matagal na rin kasing hindi nakakabalik doon ang dalaga. Naabutan niya si Mia na kasalukuyang may kausap na babae. Hindi siya maaring makamali sa itsura ng pigura nito kahit pa naka talikod.

"Tita Dennise," tawag ni Yanna.

Sinalubong si Yanna ng matamis na ngiti ni Dennise. Dinuluhan niya ang ginang sa lamesa kaya't nagpaalam na rin si Mia sa kanila.

"Tita, napa pasyal po kayo," may ngiti sa labi na tanong ni Yanna. "Kakagaling ko lang po kay Kenny, dinalhan ko po siya ng lunch," dagdag pa nito.

"Hija," panimula nito. "I I need your help,"

"Saan po?"

"I am planning to tell my sons the truth. Especially Kenny," sagot ni Dennise bago humigop sa kanyang tasa ng tsaa.

"Ganon po ba? May plano na po ba kayo kung saan o kung paano?" tanong ni Yanna. Umiling si Dennise sa dalaga.

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. But I've spoken to Kardier already. Wala naman siyang tutol sa plano kong ipakilala si Haden kay Kenny. He said it's just up to him." Sagot ni Dennise. Gayon pa man ay nababakas ang pangamba sa mukha nito.

"Sige tita, we will make things go smooth," sagot ni Yanna at hinawakan ang kamay ni Dennise at saka nagpakawala ng isang tipid na ngiti.

••••••

Apat na araw ang umipas matapos humingin ng tulong ni Dennise kay Yanna, sa wakas ay ngayong araw na ito magkakaroon ng kapayapaan ang isip ni Dennise para sa dalawa niyang anak.

"Yanna, you think magiging okay lang kaya ang lahat?" tanong ni Dennise. Bakas ang tensyon sa mukha nito.

"Relax tita, for sure magiging maayos ang kalalabasan nito." Sagot ng dalaga at inayos ang lamesa kung saan sila mag-uusap.

Ang napiling venue ni Yanna ay ang main branch ng café nila. Pansamantala muna nilang isinara ang café pagpatak ng alas syete ng gabi. Plantsado na rin ang plano ni Yanna at Dennise. Naka ayos na ang café at walang ibang tao kung hindi si Yanna at Dennise. Minabuti na rin na pauwiin na muna ni Yanna si Mia at iba pa nitong mga kasama para na rin sa privacy ng mag-iina.

Maya-maya lang ay narinig na ni Yanna ang dagungdong ng dalawang sasakyan mula sa labas. Sabay na napa tingin ang dalawa sa labas, hindi nga sila nagkamali. Sabay na dumating at bumaba ng kotse si Kenny at Haden. Hindi maiwasan makaramdam ni Yanna ng kaunting kaba para sa dalawa.

"Tita, are you ready?" mahinang tanong ng dalaga.

Dennise swallowed hard as she nods at her. Halos walang pagsidlan ang kabang nararamdaman ni Dennise nang magpantay ng tingin ang dalawa niyang anak. Parehong seryoso ang mukha ng dalawa kaya't hindi naiwasan maging ni Yanna na mapakagat sa kanyang labi.

"Hello!" Masiglang bati ni Yanna sa dalawang binata.

"Hi there," sagot ni Haden at saka nakipag high five sa dalaga.

"Heey," malambing na bati naman ni Kenny sa dalaga at saka hinalikan ang noo nito sa harap ni Haden.

Bahagyang nakaramdaman ng kaba si Yanna dahil hindi niya inaakala na gagawin iyon ng binata sa harap ng ina at ni Haden. Yanna cleared her throat.

"Ah, tara rito," sagot ni Yanna at niyaya papasok sa loob ng café.

"Walang ibang tao?" tanong ni Haden. Umiling naman si Yanna sa kanya.

"Bakit, may nakikita ka ba?" seryosong tanong ni Kenny.

"Kenny, t-tara na dito... Haden," tawag ni Yanna sa dalawa at iginiya sa lamesa kung nasaan si Dennise at naghihintay.

My Achy Breaky Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now