PROLOGUE

50 2 0
                                    

PROLOGUE

Blue's Point of View

"Boys, may bago tayong kasambahay. Apo siya ni Aling Maria and if I'm not mistaken, she's somewhat your age, Blue." Saad ni mommy habang naka-tingin ito sa akin.

Andito kami ngayon sa salas and mom gathered us all here just to announce that we have a new housemaid.

"Oh, okay. Is she pretty?" Pabirong tanong ko kay Mommy. She squinted her eyes on me as if I asked something nasty. "Yes, but don't you ever lay a single finger on her Blue. Kung hindi talagang matataga ni Aling Maria 'yang kamay mo and I don't want that to happen." Banta ni Mommy sa akin dahilan upang magsipag-tawanan naman ang mga kapatid ko.

I raised my two arms as a sign of surrender. "I'm just joking, mom. Takot ko lang kay Aling Maria and of course sa'yo." I said, grinning. Napa-iling naman si Mommy sa akin. Gagani-ganito lang ako pero good boy 'to noh.

Talagang nagbibiro lang ako when I asked mom if our new housemaid is pretty. Na-curious lang ako dahil ka-edad ko ang bago naming kasambahay. I started wondering if we will be close. Ngayon na lang ulit kasi kami nagkaroon ng kasambahay na kasing-edad namin and of course, gusto namin siya maka-close. We never treated our housemaids like others you know. We treat them like they are also part of our family.

"So, tomorrow is her first day here and boys, be nice to her okay? Lalo ka na Blue!" At tinuro ako ni Mommy habang may pagbabanta sa kaniyang mukha. Rinig ko naman ang mahinang pag-tawa ni Red sa tabi ko.

Teka bakit ako? Ganoon ba ako ka-bad boy sa paningin ni mommy? Tsk! Good boy ata 'to!

"Why me, mom?" Gulat kong tanong kay mommy. "Baka daw kasi gawan mo ng kalokohan 'yong apo ni Aling Maria eh." Natatawang bulong ni Red sa akin. Siniko ko naman ito ng pabiro. Tsk! Takot ko lang kay Aling Maria noh!

Ang scary kaya ni Aling Maria kapag galit. Naalala ko no'ng mga bata kami, nag-kulit kami sa kusina, ayon pinagalitan kami at takot na takot kami sa kaniya that time dahil parang any minute isasahog niya kami sa lutuin niya.

Matagal na si Aling Maria sa amin and damned! She's mom's favorite dahil tanging si Aling Maria lang at nakapagpa-disiplina sa amin no'ng mga bata pa kami. Hanggang ngayon malaki ang takot namin kay Aling Maria but we all love her so much.

Kaya hindi ko gagawan ng kalokohan ang apo niya. Takot ko lang maging panahog. Lol!

"I know you Blue Matthew Castillo! Aria is very pretty and she's the same age as you. She's kind and very sweet. Favorite apo ni Aling Maria 'yon kaya naman umayos ka." Saad ni mommy sa akin. I tsked. Oh c'mon! I'm not a playboy para bilinan ako ni mommy ng gano'n.

Oo maloko ako sa babae. But I know my limits. Hindi ako gagawa ng bagay na alam kong ikakasakit ng mga tao sa paligid ko. And I love Aling Maria so much. I respect her kaya naman no need to worry because her grand daughter will be an exception sa mga kalokohan ko.

Atsaka kahit ilang babae pa ang iharap niyo sa akin, mananatili sa iisang babae ang puso ko. Kahit walang taon ko na siyang hindi nakikita, she's still the holder of my heart and no one, as in no one can ever replace Frances Nicole Mendoza.

My first and greatest love.

Tumango na lang ako sa bilin ni mommy sa akin. I don't want to argue further with her. Alam kong hindi ako mananalo sa nanay ko.

After kami i-informed ni Mommy ay umalis na din ito at umakyat sa kwarto nila ni daddy. Kami namang magka-kapatid ay naiwan sa salas.

"Okay! May bago tayong makakasama sa bahay at hindi lang basta-basta makakasama, apo siya ni Aling Maria at kasing-edad mo Blue." Pahayag ni Red. Hindi naman ako sumagot. Honestly? I really don't care.

The Castillo Series: Bluer Than BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon