Biglang nangunot ang noo ni Eris sa akin. "You're getting married and you look different." Sabi niya.


"Different how, Eris?" Tanong ko.


"Sa lahat ng nakita kong ikinakasal, lahat sila blooming. You don't look blooming for me." Sagot niya sakin.


Uminom ako sa latte ko at pinaglaruan ng daliri ko ang cup. Bigla naman siyang ngumiti nang matahimik ako kaya napatingin ako sa kanya.


"I see." Sabi niya at uminom na rin sa latte niya. "Hindi ka masaya, 'di ba? Kasi hindi si kuya ang groom mo?"


Natigilan ako sa sinabi ni Eris saka ko siya tinignan. Seryoso na siyang tumingin sa akin at inabot pa ang kanang kamay ko.


"Kung hindi ka masaya para sa kasal mo bukas, bakit pinagpatuloy mo pa ito? Kasi kahit nang ikwento sa akin ni Chase ito ay hindi ko magawang humanap ng rason." Sabi niya.


"Wala rin akong masasabi sa'yo Eris. Bakit ka nga ba nakipagkita sa akin?" Tanong ko.


Binitawan niya ang kamay ko saka uminom ulit sa latte niya. Kagat labing yumuko siya pero agad rin inangat ang tingin sa akin.


"I want to say sorry for what I did. I'm sorry for wrecking your relationship with my brother. All I wanted to do was hurt you and Chieri. Nakukuha niyo ang gusto ninyo. You had my brother, she has Zach. I watched the two people I love, love somebody else instead of me." Saad nito.


"Pero hindi namin kasalanan ni Anica na nangyari yun. Bakit kami ang pinahihirapan mo?" Tanong ko.


"Because I can't accept the fact that both you and Anica are innocent and your innocence pisses me off. That's the only thing I know but it backfired at me."


"Sige, patatawarin kita. After what you did, kahit gaano pa kasakit yun, para akong tanga na tinuring ka pa ring kaibigan ko. You were with me and Ina ever since we were kids." Sagot ko.


Biglang naluha si Eris sa harap ko. Pinunasan niya ng kamay niya ang pisngi niya at inabot ko ang kamay niya. I gave her my smile. Biglang bumalik ang kaibigan namin ni Ina mula pagkabata. The weak Eris on the outside but a strong one on the inside. She's back.


Tumuon si Eris sa mesa at hinawakan ang parehong kamay ko. "Please, Irina. Kuya was forced to leave the country with Circe because of my request. Kapag ginawa niya yun ay mananatili ako sa bahay dahil nagbanta akong umalis at ayaw ni mommy. But kuya returned with the help of Jake." Aniya at humikbi


"He got mad at me. Hinanap ka niya pero nawala ka na lang din ng parang bula. Even Nathalie doesn't know where you are and kuya's frustrated. That's the only time that I saw how frustrated he is. He cursed at everyone at home. Kahit ako nasigawan niya and he almost hit me pero hindi niya tinuloy." Sabi pa niya.


Pinunasan niya ulit ang pisngi niya gamit ang panyo at humawak ulit sa kamay ko.


"I'm doing this kasi gusto kong bumawi sa lahat ng mga kasalanan ko sa inyo nila Anica. Gusto kong bumawi kay kuya. Irina, ayaw ko nang umalis si kuya sa bahay ng ganoon ang nararamdaman. He called me yesterday and told me everything na napag-usapan niyo. I quickly bought myself a ticket to get back home at saktong nandito ka." Aniya.


"What are you trying to say, Eris?" Sabi ko sa kanya.


Suminghap siya at wala pa ring tigil ang paghikbi niya sa harap ko. Binitawan niya ang kamay ko at may kinuha sa bag niya na isang maliit na box. Nilagay niya sa palad ko iyon saka niya pinatong ang kamay niya doon.


"Kuya visited me last Sunday. He saw this when we were out, shopping. He told me that this necklace reminds him of you but he didn't bought it." Aniya at inalis na kamay niya.


Tumingin ako kay Eris na umiiyak pa pero diretso pa rin magsalita. She smiled at me at nagpatuloy.


"I asked him to buy it and give it to you once he got back. He told me that he doubts that you'll accept it then he left me staring at it. I bought it in behalf of my brother for you, Irina. Sinabi ko sa kanya yan and he told me to give it to you personally. He told me na sabihin kong sa kanya galing yan and I considered his favor." Aniya.


Binuksan ko ang box at nakita doon ang isang kwintas na may pendant ng isang violin. It's made of white gold at katabi noon ay isang pamilyar na susi. Nakapatong sila sa paper confetti na pink. Hinawakan ko ang kwintas at hinaplos ko ito gamit ang hinlalaki ko.


"Irina, hindi ko ginawa ang iniutos niya sakin na tanggalin ang padlock sa N Seoul Tower." Biglang salita ulit ni Eris kaya napatingin ako sa kanya.


"G-gusto niyang...t-tanggalin mo yun?" Tanong ko habang nauutal.


Eris nodded and faintly smiled at me. "I didn't do it. He gave me that key to do it for him but I secretly denied his second request." Sagot niya.


Tinignan ko lang si Eris hanggang sa pumatak na ulit ang luha niya. Binalik ko sa box ang kwintas at isinara. Itinabi ko yun saglit saka humawak si Eris sa kamay ko ulit.


"Irina I'm begging you..." Aniya at humikbi ulit.


"Stop the wedding now... B-bago pa umalis si kuya ng tuluyan. I've regret everything that I've done. I'd leave again if you want just not kuya. Him leaving depends on your decision now. So please, I'm begging you." Sabi niya.


Humikbi lang ng humikbi sa harap ko si Eris. Hinaplos ko ang kamay niya at parang binibiyak ang puso ko nang akmang magsasalita na ko. Bukas sara ang bibig ko dahil nagulo ang isip ko. Ang sarap din bigla na iuntog ang ulo ko sa lumabas sa bibig ko. I didn't mean it. I don't want him to leave either.


"I-I'm sorry, Eris. Desidido na kasi ako." Sagot ko na nagpahagulgol na kay Eris.


Humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang nakayuko na siya at tahimik na humahagulgol. Bigla na lang din akong naiyak sa loob-looban ko. I want to slap myself so hard. Bakit ko sinasabi ito? Bakit ako nagdedesisyon bigla ng ganito? Eris is giving me a chance to do something pero hindi ko pa rin magawa.


Ano bang problema ko!?


Tumayo ako saka ako tumabi sa inuupuan ni Eris and that's where I hugged her. Humikbi siya sakin at bigla na lang din akong naiyak. Gusto kong saktan ang sarili ko ng pisikal. Gustong gusto kong saktan ang sarili ko ng pisikal. Tama na ang emosyonal. Tama na.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now