"Ang ganda ng gown mo, kambal. Ikaw pumili ng design or what?" Tanong niya sakin.
"Si Gel ang pumili nung design. Pinadagdagan niya na lang. Kung pwede lang ma-in love sa gown." Sagot ko.
"Ako magpapakasal sa gown mo kung sakali." Sabi niya sakin.
Tumawa kaming dalawa at nagpatuloy sa pagiisteam ng gown nang bigla namang tumunog ang cellphone ko. Tumayo ako saka ko kinuha sa may kama ang cellphone ko para sagutin.
"Hello?" Bungad ko.
"Irina, this is Eris. Can you meet up with me?" Sabi niya mula sa kabilang linya.
"Saan?"
"Are you in Manila?" Tanong niya imbes na sagutin ang tanong ko.
"Oo."
"I'm just waiting for my baggage. I'm at NAIA Terminal 3. Wait for me at Cafe Mediterranean. I need to talk to you."
"Sige. Kita na lang tayo." Sagot ko at pinatay ang tawag.
Bumaling sakin si Ina na ang veil ko na lang ang iniisteam niya. "Aalis lang ako. Saglit lang to. Okay lang ba?" Tanong ko sa kanya.
Tumango si Ina at nginitian ako. Tinuro niya ang bedside table kung saan nakalagay ang susi ng kotse at ng bahay. Dinampot ko ito doon saka ako lumabas ng room namin ni Ina.
Nilapitan ko ang Civic at agad na sumakay sa kotse. Malapit lang sa simbahan ang tinutukoy na lugar ni Eris. Pinark ko ang kotse sa harap ng cafe saka ako pumasok sa may cafe. Umorder muna ako saka ako umupo sa tabi ng bintana.
After 20 minutes of waiting at nakatingin pa ako sa relo ko nang biglang tumunog ang bell ng cafe. Napa-angat ako ng tingin saka ko nakita si Eris. Nakita niya agad ako saka niya ko nginitian. Tinignan ko mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha niya si Eris. Unlike Chase, kakaunti lang ang nagbago kay Eris.
Her pale blonde hair used to be straight. Kulot na ito ngayon at kung dati ay mahilig siyang magsuot ng pastel, puro dark colors ang suot niya. Lumapit siya sakin kaya tumayo ako. She stopped in front of me at ngumiti ulit siya hindi ko magawang ngitian siya kaya iba na lang ginawa ko.
"Upo tayo." Sabi ko.
Tumango siya at umupo sa katapat kong upuan. Pagkaupo ay pinasadahan niya rin ako at huminto into sa kanang kamay ko na nasa mesa.
"So, kuya is right." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "You really are getting married."
Tinitigan ko lang si Eris. Nagtaka ako kung bakit iba ata ang kulay ng mata niya kesa kay Chase. Blue-ish green siya unlike Chase's. Kambal sila ah?
ESTÁS LEYENDO
Nothing But Strings
Novela JuvenilBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 39
Comenzar desde el principio
