1st

1.5K 46 6
                                    

"Hoy Vic, ano na? Kanina pa sila nagaaya ng basketball oh." pagod ako ngayon, tsaka wala rin sa mood. Magkaaway kami ni Bang eh. "Ayoko nga. Kayo na lang."

Nandito ako ngayon sa bahay namin ng mga kaibigan ko. May sarili kaming bahay ng barkada ko, matagal na naming napagplanuhan 'to. College pa lang kami nila Kim Fajardo, Almond Vosotros, Jeron Teng, Bea de Leon, Kiefer Ravena at Mika Reyes, magkakasama na kami. Same university lang kasi kami tsaka magka-kabatch kami.

Grumaduate kami sabay sabay pero iba iba kami ng course. Naging masaya ako kasama sila. Hanggang sa dumating siya, ang lalaking minahal ko. Ay, bat inalala ko na naman. Ayoko na ng sad thoughts, gusto ko happy lang. Tsaka may girlfriend na ako ngayon, si Bang Pineda.

"Vic, nandito na si Bang!" narinig ko naman yung sigaw ni Almond kaya bumaba agad ako sa may sala.

"Oh, bat ganyan itsura mo?" nakabusangot na naman 'to. Panigurado binully na naman 'to nila Jeron. Ayaw kasi talaga nila kay Bang eh. Ewan ko ba, di daw nila feel si Bang. Mahal ko si Bang. Yun na yun. "Hulaan ko. Sila Jeron no?" tumango naman siya.

"Hinde ka na nasanay. Hayaan mo na lang sila. Matatanggap ka rin nila in time. Di lang sila sanay. Mahal kita kaya wala silang magagawa."

"Pero Ara, grabe na rin pala kahit sanay ka na. Mabigat pa rin sa loob ko kasi, yung second family mo hinde ako tanggap." wala naman akong magawa kasi choice pa rin talaga nila yun eh. Kahit anong sabi ko sa kanila, hinde talaga nagpapatalo yung mga yun eh.

"Ako nang bahala sa kanila okay? Kumain ka na ba?" tumango naman siya.

Naaawa ako kay Bang kasi sobrang kawawa siya lalo na kapag nandito siya sa bahay. Puro panlalait tsaka masasakit na salita ang natatanggap niya mula kay Mika at Bea. Sila Kim naman, di na lang umiimik.

"Vic, bakit? Bakit ba hinde nila ako tanggap?"

"Hinde ko kayang sagutin yan Bang. Sila lang nakakaalam niyan. Pero mabuti pa, huwag mo na lang alalahanin okay? Oh eto gatas." tinanggap naman niya. Di ko naman pwedeng ipilit ng ipilit si Bang kayla Mika kasi magkakagulo lang kami.

.

"Victonara! Truth or Dare?" naglalaro kaming barkada kasama si Bang ngayon dito sa sala. Saktong sakin natapat. "Truth na lang"

Nagkatinginan naman silang lahat, well except kay Bang syempre. Parang hinde ko gusto ang mga tinginan nito ah. "Hoy, ayusin niyo yan ah! Subukan niyo lang tangina niyo."

"Crunchy ah? Haha maayos 'to promise." sabi naman sakin ni Bea na may nananalinsik na tingin. "Oh ready ka na?"

"Oo naman. Ako pa haha" hinawakan naman na ni Jeron yung kamay ko. Nako, malakas 'tong lalaking 'to. "Victonara Salas Galang, mahal mo pa rin ba si Thomas Torres?"

Narinig ko na naman ang pangalan niya.

Pinisil na ni Jeron yung kamay ko. Ang sakit. "Hinde na" sinagot ko yun with my beautiful poker face.

"Weh?" pinilit pa rin ni Kim yung sagot ko. Hinde sila naniniwala. May girlfriend na nga ako oh. "Hinde na nga" lalong humigpit yung pagpisil ni Jeron. Grabe lakas talaga nito, ang sakit. Nagmamanhid na yung kamay ko.

"Okay sige, sabi mo eh. Sige Jeron, bitawan mo na. Wala tayong mapapala diyan." sabi naman ni Kiefer.

Pinaikot ko na yung bottle, tumapat naman ito kay Bang. "Oh, truth or dare?" tanong ko naman sa kanya.

"Dare na lang ako." i looked at her with a sigurado-ka-ba look. Ngumiti naman siya sakin bilang tugon.

"Oh ako na magbibigay ng dare." sabi naman ni Bea. Kinakabahan ako dito kay Bea. Iba yung ngiti eh.

"I dare you to break up with Vic." nababaliw na ba 'tong si Bea? Nakita ko namang nagulat si Bang. "Bea!" sininghalan ko naman siya. Tumawa lang siya tss.

"Joke 1/2. Eto na nga, mag-shot ka ng patis." natawa naman silang lahat. Ako, wala poker face lang. Wala akong magagawa. "Kaya mo ba?" tanong ko sa kanya.

"Akin na. Call ako!"

Binigyan naman siya ni Almond ng isang shot glass na may patis. Ako nandidiri para kay Bang. Ang alat niyan. "Uy baka naman magka-UTI si Bang nito." sabi ko sa kanila.

"Hinde yan. Sige na Bang!" ininom naman ni Bang yung patis. Tumawa naman sila Kiefer. Ako naman, binigyan ko agad siya ng isang baso ng tubig.

"Ahm guys, uwe na ako. May training pa nga pala ako bukas. Sige bye. Vic, bye. Text na lang kita pag-uwe ko."

Akmang tatayo na siya pero pinigilan ko. "Hatid na kita."

"Malaki na yan Vic. May paa rin siya, kaya na niya yan." sagot ni Kim sa sinabi ko. Ang harsh talaga ng mga 'to.

"Oo tama si Kim. Kaya ko 'na. Sige bye." hindi ko na siya pinilit. Hinayaan ko na lang.

Pag alis naman ni Bang, lahat sila nagtatawanan. Minsan nakakainis na rin 'tong mga 'to.

"Ano ba guys! Hinde niyo ba titigilan si Bang? Kelan niyo ba siya matatanggap ha? Pwede bang tanggapin niyo na lang siya. Para sakin na lang guys oh. Para na lang sa kaligayahan ko." napasigaw na lang ako sa galit.

"Kasiyahan ba talaga Vic? Hinde mo kami maloloko Vic. Kaibigan mo kami, alam namin kung kelan ka masaya at hinde. At sa tingin mo kaya naming tanggapin yang si Bang? Si Bang na sumira sa relasyon niyo ni Thomas! Putangina naman Vic! Wake up! Alam kong mahal mo pa siya. And sorry Vic. Pero hinde talaga." natigilan ako sa sinabi ni Mika.

I was left dumbfounded nung umalis silang lahat at natulog na.

Broken FrameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon