Sa sinabing iyon ni Jack ay tila nais niya talaga akong papuntahin doon. Napatingin ako kay Kiel na nanatili pa ring nagbabasa habang ang Eleanor na ito ay nakaupo sa harap niya. Ang kapal talaga ng pagmumukha!

Padarag akong tumayo para sana puntahan siya ngunit natigilan ako nang kumalabog ang pinto at iniluwa no'n si Zick. Nakita ko ang mabilis na pagbaling ni Kiel ng tingin sa bata nang mabilis itong tumakbo patungo sa kaniya.

"Daddy! I missed you so much . . ." Zick softly said to his Dad na ngayon ay hindi na malaman ang gagawin.

Tila litung-lito ito lalo na nang yakapin siya ni Zick nang umakyat na ito sa kama. Mabilis akong lumapit sa kanilang dalawa at saglit na sinulyapan si Eleanor. Bakas ang galit sa mga mata niya.

"Family time," I whispered to her at pasimpleng tinulak siya palayo.

Nang ibaling ko ang tingin ko kay Kiel ay nakita ko agad na nahihirapan at tila nasasaktan ito sa paraan ng pagyakap sa kaniya ng bata dahil sa mga pasa at sugat nito sa katawan. Gusto kong matawa sa senaryong iyon ngunit hindi ko magawa dahil alam kong hindi nito nakikilala ang sarili niyang anak.

"Zick, baby . . ." Tawag ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Umangat ang tingin nito sa 'kin.

"Come here. Daddy is hurt," marahan kong sinabi sa kaniya at kinuha na siya. Tila ayaw pa nitong umalis.

Nang bumaba ito ay nanatili ang tingin nito kay Kiel na pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa habang nag-iigting ang panga. Bakas na bakas sa mga mata niya ang pagkalito at maya-maya pa ay bigla na lamang itong natigilan at napahawak sa ulo.

"Hey . . ." I called him and sat down beside him. Hinawakan ko ang kamay niya.

"What's wrong? Are you alright?" I asked him, still holding his hand.

Hindi ito kumibo. Si Eleanor ay nanatiling nakatanaw.

"Mommy, what's happening to Daddy?" Zick asked which made me look at him. Gulong-gulo rin ang ekspresyon nito. Parehong-pareho sila ng itsura.

"Let's ask him what is happening, okay?" I told him and looked at Kiel again.

Dinig ko ang pagbigat ng hinga nito habang nakayuko. Nang umangat ang tingin niya sa 'kin ay agad na nagtama ang mga mata namin. Punong-puno ng katanungan ang mga mata niya nang tingnan niya ako at si Zick sa tabi ko. Ilang minuto niyang tinitigan si Zick bago muling bumaling sa 'kin.

"Who are you?" He mumbled which made my heart throb even more.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at humigpit ang hawak ko sa kaniya na hinayaan niya lamang. Napatingin ako kay Zick na bigla na lang isinandal ang ulo sa akin habang pinagmamasdan kaming dalawa.

"We're your family, Kiel." Tanging nasambit ko lamang sa kaniya dahil pakiramdam ko ay mauubusan ako ng boses dahil sa masakit na nakabara sa lalamunan ko.

"I am your husband?" Takang tanong niya at bumaling kay Zick.

"Is he our . . ."

"He's your son. His name is Eizickiel Noah. I told you, he looks so much just like his father."

Gusto kong maiyak nang sabihin ko iyon. Bigla kong naalala ang unang pagtatagpo nila ni Zick pagkatapos kong itago sa kaniya ito ng mahabang panahon. Iba nga lang ang sitwasyon ngayon dahil hindi talaga kami kilala nito. Alam kong masaya siya nang malaman niyang may anak talaga kami. Ramdam ko 'yon lalo na ang pagmamahal niya kay Zick. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili ng utak niya na huwag kaming maalala. Bakit kami pa?

Ilang saglit pang tila namangha si Kiel sa mga nalaman niya bago nito kunin si Zick sa akin.



Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now