"I . . . I want this to stop, K-Kiel . . ." I almost whispered to him and held his hand. "W-we can stop this now. Na-nasa loob si Zick at . . ."

"How can we fucking stop this in your situation? I can stop them on my own, baby, but I don't want to leave you here! Lalo na't nakita ko kung sino ang bumaril sa 'yo!"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"W-what?"

An intense anger overtook his whole face while looking at me. His jaw clenched at halos lumabas na ang mga ugat na iyon sa noo niya sa sobrang galit.

"Calix shot you. I saw him! Kung hindi ko lang nakitang tinamaan ka ay ako mismo ang papatay sa kaniya, alam mo ba 'yon? So stop fucking doing this and just stay here!" Tuluyan nang napigtas ang pasensyang iniingatan niya nang sabihin niya iyon.

Bigla kong naalala ang mga nangyari at nakita ko bago ako mawalan ng malay kanina. He's right. Calix shot me. Kitang-kita iyon ng dalawang mga mata ko. He tried to kill me. He wanted to kill me dahil sa dibdib ako tinamaan. Bakit?

I was about to utter a word when that voice of someone caught my full attention. Tila bigla akong nagkaroon ng lakas at mabilis na nilingon ang nagsalitang iyon.

"Looking for me?"

Henry De Ocampo showed up in front of everyone at sa galid niya ay si Calix at Enrique Lim. Gaya ng iba ay mga armado rin ang mga ito.

Pareho kaming napasinghap ni Kiel sa gulat. Lalo na nang sunod na lumabas si Lolo Samuel kasama si Ninong Alfred at ang iba pang mga private security na mayroong malalaking katawan.

"Hindi pa rin talaga nagbabago ang style mo, Henry. Talagang dito pa sa burol ng apo ko, hayop ka!" Mariing sigaw ni Lolo Samuel sa kaniya.

Nang tingnan ko ito ay nagulat pa ako nang makita kong tila kumisig ito at mas bumata sa porma niya. Kitang-kita ang laki ng katawan nito at ang batak na mga bisig. Tila wala siyang balak magpapigil dahil handang-handa ito.

Kumalabog ang puso ko nang marinig ko ang nakakakilabot na halakhak ni Henry De Ocampo habang naririnig ko ang malulutong na mura ni Kiel sa gilid ko.

"Masanay ka na, Uncle Samuel. Noong una ay sa party ng pangalawang anak mo na namatay rin kaagad dahil sa katangahan niya. You trained me for this kaya bakit hindi ko gagamitin?"

Mas lalo kong naramdaman ang pamamanhid ng puso ko at ang kakaibang init doon dahil sa galit nang marinig ko ang sinabi niya. Napahawak ako nang mahigpit kay Kiel at pinilit siyang lumapit sa lahat bago pa man sila magsimula muli sa gyerang 'to.

"P-please, Kiel, t-tulungan mo akong pigilan 'to. Nasa loob pa si Zick at ayokong mangyari 'to . . ." Pagmamakaawa ko sa kaniya nang pigilan na naman niya ako.

Mariin itong pumikit at hinawakan ako nang mahigpit. Maya-maya pa, inalalayan na niya ako habang hawak-hawak ko ang dibdib ko patungo sa lahat. Nakita ko ang pagbaling ng tingin sa amin ng lahat at ang gulat sa mga mata ng pamilya ko.

"AJ!"

Hindi ko na alam kung sino ang sumigaw no'n dahil nakatutok ang atensyon ko kay Henry De Ocampo na matigas ang ekspresyon habang nakatingin sa amin ni Kiel. Nahagip ng mga mata ko si Calix sa gilid nito. Hinuli ko ang tingin niya at nakita ko roon ang matinding galit at sakit. Hindi na nga siya ang Calix na nakilala ko. For the nth time, he betrayed me again na parang hindi ako naging parte ng buhay niya noon.

"Don't you dare interfere with this, Kiel. I'm telling you." Henry firmly warned Kiel before he says anything.

Huminto kami sa gitna ng lahat. Wala akong ibang marinig kundi ang kalabog ng puso ko at ang paghahabol ko ng hininga. Hindi ko inilayo ang tingin ko kay Calix. Trying to ask him what went wrong. What happened to him that he could shoot me that easy. Anong ginawa ko sa kaniyang mali? Anong pagkukulang ko? Sobra ko ba siyang sinaktan na para hindi na niya maramdaman iyon ay papatayin niya na lang ako? Why did he betray me? Did I do something wrong to him? Hindi ko maintindihan.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now