"Who are you texting?"

Halos mapatalon ako dahil sa tanong niyang 'yon. Nilingon ko siya at kita ko ang tingin niya sa cellphone ko kaya nangunot ang noo ko.

"Kinukumusta ko si Zick," sambit ko imbes na sagutin ang tanong niya.

Tinagilid nito ang ulo niya upang tingnan ako at tinaasan ako ng kilay.

"May I see?" He uttered as he was trying to get my phone.

Napaawang ang bibig ko dahil sa ginawa niya. Wala sa sariling inabot ko iyon sa kaniya at pinagmasdan siya habang inieksamin niya iyon.

"What's this? You haven't saved my number yet?" He asked me, his forehead furrowed even more.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at itinutok na lamang iyon sa daanan.

"Nakakalimutan ko lang." Simple kong sagot sa kaniya kahit ang totoo ay sinadya kong hindi iyon i-save.

Hindi ko na ito narinig na sumagot. Maya-maya pa, inabot na niya sa 'kin ang cellphone ko kaya napatingin ako roon.

"There, I saved it for you. Don't you dare change it." Pagbabanta niya sa 'kin at sunod na naramdaman ko ay ang pag hawak niya sa kamay ko.

Hindi na ako nakatanggi sa ginawa niya dahil natutok ang tingin ko sa pangalang sinet niya sa contacts ko. Pangalan lang naman niya ngunit may emoji heart sa tabi nito. Muntik pa akong matawa dahil sa kakornihan niya. Mabuti ay hindi baby ang inilagay niya. Tss.

Nang marating namin ang ICU ay si Ate Jamilah lamang ang nadatnan namin doon. Nasa loob ito at pinagmamasdan lamang si Kuya habang nakaupo. Kitang-kita ko ang sakit, takot, at pangamba sa itsura niya habang nakatingin kay Kuya. I know how it hurts to be like her. Na wala man lamang siyang magawa upang mapabuti ang kalagayan ng asawa niya at tila naghihintay na lamang ito sa kung anong mangyayari.

Na kahit ako ay ayokong abangan kung ano man iyon ngunit wala akong magawa.

"Magiging maayos ka lang ba rito?"

Natigilan ako sa pag-iisip dahil sa tanong na iyon ni Kiel. Nilingon ko agad siya at kita ko ang paninitig din niya kay Kuya. Nangunot ang noo ko nang sandaling tumingin ito sa 'kin at malungkot na ngumiti.

"I feel so guilty. Ang bigat." Pagpapatuloy nito at iginiya akong maupo sa waiting chair.

Dinig ko ang mabigat at mabagal niyang paghinga. Nang sandaling makaupo ito ay bigla na lamang itong yumuko at sinapo ang buong mukha niya.

"What are you talking about?" I asked him back.

Ipinatong niya ang dalawang siko niya sa magkabilang tuhod niya saka tumingin sa akin. His eyes were bloodshot red as if it is telling me how devastated he is. Tungkol saan?

"I'm so sorry," he uttered and licked his lower lip. He looked away from me and cussed multiple times.

"For what, Kiel?" I asked him again. Dama ko ang unti-unting pagbigat ng puso ko.

He heaved a deep sigh and look at me again. Umayos ito ng upo at tila pagod na sumandal habang nakatingin pa rin sa akin.

"You'll be okay here for a while, right?" Balik niyang tanong sa 'kin.

Tiningnan ko ang kabuuan niya.

"Of course," I answered.

Muli, ngumiti ito nang malungkot sa akin at inabot ang pisngi ko. Saglit akong napapikit dahil sa ginawa niya. The warmth of his hand gave me a moment of peace. What does it mean, Kiel?

"Uuwi ako saglit para bisitahin si Mom." Paalam niya sa 'kin habang marahang hinahaplos pa rin ang pisngi ko.

Inangat ko ang kamay ko upang hawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko. Ibinaba ko iyon.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now