Kabanata 36

Mulai dari awal
                                    

"Mommy's fine, Anak. Stop crying," I whispered to him.

Nahagip ng mga mata ko si Celine at Jaxon na seryosong nakatingin sa aming dalawa. Bakas ang galit sa mga mata ni Jaxon habang nakatingin sa 'kin.

Maya-maya pa, humiwalay na ang anak ko sa 'kin, so I faced him right away. Inayos ko ang itsura nito at pilit na ngumiti. Saka ko lamang naramdaman ang hapdi sa kaliwang braso ko kaya tumuloy iyon sa ngiwi.

"Are you alright? Wala bang . . . wala bang masamang nangyari sa 'yo habang wala si mommy?" Tuluyan ko nang tanong sa kaniya dahil sa pag-aalalang maging ang Casa ay sinugod.

Alam ko kung ano iyon. Alam na alam ko kung sino ang mga iyon. Sigurado akong mga tauhan iyon ni Henry De Ocampo at ito ang tinutukoy niyang banta sa buhay ko at sa pamilya ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ngayon ay dito. Tila binigyan niya lamang ako ng babala. At dahil sa babala na iyon ay hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang labis na takot sa buong pagkatao ko. Lalong-lalo na para sa anak ko.

Zick shook his head and hug me again.

"I'm scared, mommy. Where is Daddy? Bakit po kayo nandito?" Sunod-sunod na tanong nito sa 'kin.

Natigilan ako at halos lumabas sa dibdih ko ang puso ko nang marinig ko iyon. Sunod-sunod na dumagsa sa utak ko ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay sa bar.

Kiel was shot. I don't know where part was but I'm sure he's critical dahil maraming dugo ang nawala sa kaniya!

Mabilis kong nilingon ang dalawa kong pinsan nang may pagtatanong sa mga mata ko. Celine walked towards me at hinintay na humiwalay sa akin si Zick. Nang mangyari iyon ay pinakuha niya ito saglit kay Jaxon bago bumaling sa 'kin.

"W-where is he? Is he okay? May tama siya at . . . a-at maraming dugo ang nawala, Celine. W-what's his condition? Nandito rin ba siya?" Sunod-sunod nang tanong ko sa kaniya.

Lalong sumeryoso ang tingin nito sa 'kin kaya nagsimula na akong kabahan. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan iyon nang mahigpit habang paulit-ulit na binubulong sa sarili na sana maayos siya. Na maayos siya at sigurado ako roon.

Hindi siya puwedeng mawala.

"C-can we go to him?" I pleaded.

"You need to rest first, AJ. Stop thinking about him-"

"H-how can I stop?" I asked her, cutting her off. "H-he was shot at hindi ko nalaman kung saan siya tinamaan. He lost consciousness! H-how can I stop thinking about him?" Dagdag ko pa at tuluyan nang humikbi.

Narinig ko ang pag labas ni Jaxon kasama ang anak ko kaya tuluyan ko nang pinakawalan ang mga luha ko.

"P-putanginang sitwasyon 'to! Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya pakiusap . . . p-puntahan natin siya. Maayos ako! Believe me, Celine! I'm fucking fine. L-let's go see him. I'm scared . . ." I broke down.

Halos humiyaw ako sa sobrang sakit ng puso ko. Naalala ko bigla ang nangyari noon kay Dad. Ang senaryong ito-na nagising akong may tama sa balikat habang si Dad ay nag-aagaw buhay. Hindi iyon puwedeng mangyari sa kaniya! Hindi niya puwedeng iwan ang anak niya!

Nang hindi sumagot si Celine ay padarag akong tumayo. Ni hindi ko na maramdaman ang sakit ng braso ko at diretsong tumayo.

"AJ, ano ba. You're risking yourself. Hindi maganda ang lagay ng braso mo." Saway niya sa 'kin ngunit hindi ko iyon pinakinggan.

Dinala ko ang dextrose ko at handa na sanang lagpasan siya roon ngunit bigla niyang inagaw sa 'kin iyon.

"Fine! Let's go! My God!" Puno ng iritasyon nitong sambit, tila mas hinahabaan pa ang pasensya.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang