"Nakikita mo ba ang sarili mo? Nakita mo na ba kung gaano kalaki 'yang pasa mo? Iniisip ko pa lang kung paano ka niya nasaktan nang ganiyan ay nababaliw na ako! Pinarusahan mo ako noong sinaktan kita nang sobra na halos hilingin mong mamatay na ako kaya bakit mo ako pinipigilang parusahan 'yong taong nanakit sa 'yo? Why? Because you're still in love with him after all-"

"N-no! My God! Hindi . . ." Putol ko sa sasabihin niya dahil masyado nang masakit para sa 'kin ang mga naririnig ko.

Tumingin muli ako sa kaniya. Nangingilid na ang mga luha nito at pulang-pula na rin. He looks so wasted so am I. Nanghihina kong pinalis muli ang mga luha ko habang nakatingin pa rin sa kaniya.

Oh, Kiel. If you could only see how ripped my heart is, hihilingin mong hindi mo na lang sana nalaman. If you could just only see how lost I am . . .

"Do you know how lost I am when you surrendered yourself that time? I didn't expect you to do that! Na kahit sinabi kong gusto kitang mawala ay hindi ko pa rin kaya dahil ikaw ang hinahanap-hanap ko noong buntis ako! Na kahit sinabi kong gusto kitang makulong ay hindi ko gustong sundin mo ako, pero wala akong magawa!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kirot no'n. Na kahit nakatingin ako sa asul niyang mga mata na nagsisimbolo ng kapayapaan para sa 'kin ay pakiramdam ko'y nalulunod ako. Nalulunod ako sa sobrang sakit at bigat pero hindi niya makita iyon dahil punong-puno siya ng galit.

"I . . . I was so lost, Kiel! Ilang beses kong sinubukang patawarin ka at hayaan na lang lahat ng nangyari, hayaan kang makalabas sa kulungan dahil gusto kitang hawakan . . ."

Huminto ako sa pagsasalita. Inabot ko ang laylayan ng t-shirt niya at tuluyan nang humagulgol. Pinukpok ko nang marahan ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit no'n. Hindi ako makahinga. Hindi na ako makahinga.

Kapag ba sumigaw ako, maririnig niya ako?

Kapag ba humingi ako ng tulong, tutulungan niya ako?

Kapag ba hinayaan kong mangibabaw muli sa 'kin ang nararamdaman ko, magiging ayos na ba ang lahat?

"Baby . . ." he called me.

Umiling ako.

"I-Ilang beses kong sinubukang puntahan ka dahil gustong-gusto kitang makasama pero hindi ko nagawa. D-do you know how fucking hard it was? N-na . . . na gusto kong hawakan mo ako habang unti-unti akong nababasag at nauubos pero hindi puwede dahil ikaw 'yong dahilan ng lahat. Na kahit ilang beses mong hiniling noon na mawala ako, ikaw pa rin 'yong pinili ko dahil ikaw lang 'yong gusto kong makasama, pero mas pinili mong saktan ako kaya wala akong magawa."

Napasinghap ako. Sinubukan kong huminga nang malalim ngunit hindi ko iyon nakayanan. Sa sobrang bigat at sakit ng lahat sa akin ay pakiramdam ko'y hihimatayin ako.

No one knows my pain that time. Itinago ko iyon sa sarili ko nang mahabang panahon at ngayong nailabas ko na ay mas masakit pala. Dahil siya pa ang nakaalam. Na dapat hindi dahil wala namang magbabago. Nang dumating siya kanina ay nakaramdam ako na tila ligtas na ako. I felt safe and I hate it because it is forbidden. Pakiramdam ko'y hindi puwede ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, bawal dahil sobrang daming masasaktan.

Pero naisip ko, sobrang tagal ko nang iniisip ang nararamdaman ng ibang tao kaysa sa nararamdaman ko dahil akala ko iyon ang tama. I was fully wrong.

"Baby, please, stop crying. It hurts. Ang sakit sakit makita kang umiiyak," he whispered to me and gently pulled me inside his arms.

"Uuwi na tayo. Let's go home to our son. Patawarin mo 'ko kung naging duwag ako. Patawarin mo 'ko kung hindi naging sapat 'yong pagmamahal mo para samahan kang lumaban. Kasalanan ko . . . Patawarin mo 'ko. Tumahan ka na . . . Uuwi na tayo . . ." Pagpapatuloy niya habang marahang hinahagod nang paulit-ulit ang likuran ko.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon