"Is it true? Kiel knows about Zick?" Levi asked me which made me look at him.

Napairap lamang ako sa kawalan habang pinipilit kong pakalmahin ang galit na umuusbong sa puso ko.

"Nalaman niya kaya wala na akong nagawa- "

"And you're dating him again? For what? For reconnection? Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng lalaking 'yon sa 'yo at sa pamilya natin?" Mariing tanong sa 'kin ni Kuya kaya mabilis ang naging lingon ko sa kaniya.

Nakita ko ang paghawak ni Mom sa braso niya senyales na pinapakalma siya nito. Sana ako rin.

"I'm not, Kuya. Don't start, please." Mababa ang boses ko.

"Then why were you with him?"

"May dahilan ba dapat? He's still the father of my child and as far as I know, he is not the topic here. I was talking about his father who ordered everything, about all the killings and this fucking threats towards me. Nakikinig ba kayo sa 'kin?" I blurted out.

Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko kaya mariin akong napapikit. Nakita ko ang isa-isang pag iwas nila ng tingin sa 'kin kaya natawa ako. Bumaling ako kay Lolo Samuel na nanatili lang nakikinig, tila nag o obserba lamang sa mga nangyayari.

"Buhay siya at sinabi niyang babalikan niya tayo. Sa anong dahilan? Ano na naman 'to? Akala ko ay alam ko na ang lahat tungkol sa history ng pamilyang 'to. Bakit nangyayari na naman 'to?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya habang habol ko na ang hininga ko.

"AJ, calm down." I heard Levi whisper to me so I shook my head.

"Do you know what was happening here? I've received a series of death threats from the same person and it was Henry De Ocampo. I found out that he was the one who ordered someone to kill Daddy five years ago. It wasn't Kiel. May alam ba kayo tungkol sa bagay na 'to at hinayaan niyo lang na paniwalaan ko kung ano ang nalaman ko noon?" I asked everyone full of resentment.

But no one answered. My heart sank when no one answered me as if they are telling me the answer through their silence. Does the saying silence mean yes true? If so, this is not the answer I expected because I need some explanation dahil pakiramdam ko, naiiwanan na naman ako.

"Oh, well, as usual. This family has a lot of secrets and I'm not a part of it to know." Natatawa kong sambit sa kanila at padarag na binitiwan na ang kutsara't tinidor na hawak ko.

"Where are you going?" Mommy finally spoke, so I looked at her.

"Do you still need to know? I'm afraid, not. Just so you know . . ." I paused and looked at everyone.

"I was just asking because I'm scared. Not for myself but for my son Eizickiel. Kung noon hinayaan kong magbulag-bulagan ang sarili ko sa kasalanan ng pamilyang 'to sa mga De Ocampo, ngayon hindi na dahil natatakot ako para sa anak ko. Sana kayo rin." Pinal kong sambit sa kanilang lahat at iniwan na sila roon.

I did not cry that night pero ramdam ko kung paano unti-unti na namang nawawasak ang puso ko dahil sa mga posibilidad na naiisip ko. Na lahat ng nalaman ko noon, hindi totoo. O siguro may totoo sa mga 'yon, ngunit karamihan ay kasinungalingan lang. Alin sa mga 'yon ang kasinungalingan? At alin ang totoo?



"Are you free today? Lunch?" He asked me behind the line.

Tamad akong bumaling sa mga tambak na papeles sa table ko habang dinig ko ang mabigat na pag hinga niya sa kabilang linya. Bigla ko na namang naalala ang text message na natanggap ko noong araw na 'yon at ang mga narinig kong pinag-usapan nila ni Eleanor. I feel like everyone is lying to me now. Hindi ko na alam kung sino pa ang paniniwalaan ko.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now