His jaw clenched and whispered some curses kaya lalong nangunot ang noo ko.

"Kaya kasama mo siya kanina dahil ikaw ang kapalit sa pagtulong niya, gano'n ba 'yon? Tell me, Acel, did you tell him about Zick?" Seryoso nitong sambit kaya lalo akong nainis.

Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko bago ako bumuntong-hininga nang marahas.

"Why would I do that? And why do you think it's easy for me to accept him? Ilang beses niyang sinabi sa 'kin na alam niyang may anak kami but I did not fall for that dahil iniisip kita! Why are you taking it against me?"

"Because I'm fucking jealous! The way he held you earlier at ang pagpayag mo ay parang sinabi mo sa 'kin na kaya mo pa rin siyang tanggapin! Na sa kabila ng lahat ay kaya mo pa rin siyang tanggapin!" He finally shouted at biglaan pang hininto ang kotse kaya halos masubsob ako sa dashboard dahil hindi naman ako naka-seatbelt.

Hindi makapaniwalang nilingon ko siya at kita ko rin ang pagkagulat sa mga mata niya pero naroon pa rin ang galit.

"W-what the fuck is wrong with you? Are you out of your mind?" Hindi ko na napigilang sigaw sa kaniya.

Hindi ito sumagot kaya nagsisimula na namang sumabog ang galit sa kalooban ko.

"Fuck it. Uuwi ako mag-isa!" Sigaw ko at padarag na kinuha ang gamit ko saka bumaba mula sa kotse niya.

Ramdam ko ang pagpupuyos ng galit ko. Ni hindi ko napansin na malakas ang buhos ng ulan at namalayan ko na lang 'yon nang unti-unti na akong nababasa. Calix didn't let me go. He even went outside of his car at mabilis akong pinuntahan. Hindi ko na makita kung anong ekspresyon nito dahil gabi at madilim na.

"I . . . I'm sorry. Come on, let's just go home and talk about this," he uttered while trying to get my hands pero pilit kong pinapalis ang kamay niya.

"Uuwi ako mag-isa, Calix. Kaya ko," mariin kong sinabi sa kaniya at padarag na umalis sa harapan niya.

"Acel, please . . . don't do this. Mag-usap tayo. I won't let you go alone. It's fucking raining and- "

"I can't fucking talk, Calix. I just want you to understand and fucking trust me! Oo, si Kiel iyon! Siya pa rin iyon pero ikaw na 'to! Ikaw 'yan! Ikaw na 'yong kailangan ko. Ikaw na 'yong gusto ko. Hindi mo alam kung gaano kahirap itanggi nang paulit-ulit na may anak kami dahil pakiramdam ko ay pinapatay ko ang sariling anak ko sa kaniya! Oh, God . . ." I cried hardly.

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagbuhos ng lahat ng emosyon na tinatago ko. Wala na akong ibang maramdaman kundi galit at sakit. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa 'di malamang dahilan. Pakiramdam ko ay nasasakal ako kahit wala namang gumagawa no'n sa 'kin.

"I'm sorry . . . please, let's just go and rest. I'm sorry." Patuloy na pang-aalo sa 'kin ni Calix ngunit tinanggihan ko iyon.

"Y-you don't even understand where I'm coming from. I know it's my fault and I just need your trust. Hindi ko kaya 'to, Cal . . . I can't just lose Daddy's business. Hindi puwede . . ." Pinal kong sinabi sa kaniya at inalisan na siya roon.

Lutang akong naglakad palayo sa kaniya habang basang-basa na ng ulan. Not minding him calling me dahil hindi ko naman na marinig iyon dahil nga sa malakas na ulan. Nang sa tingin ko ay puwede na, huminto ako at pumara ng taxi at sinabi sa driver kung saan ako pupunta.

Nang makarating ako sa lugar na ito ay lalong bumigat ang pakiramdam ko habang binabagtas ang daanan patungo sa kung nasaan siya. Mabuti na lamang ay may suot akong contact lense dahil nakikita ko pa naman ang daan, though may mga ilaw naman. When I reached his tomb, tuluyan na akong napaupo roon at napahagulhol.

"A-anak . . ." I whispered between my sobs. "It's mommy here . . ." I added while caressing his tomb.

Wala sa sariling humiga ako sa tabi ng puntod niya. Zick's twin is my greatest weakness at ito lamang ang napaglalabasan ko ng totoong nararamdaman ko sa tuwing nagkakaganito ako. Madalas ako rito lalo na't wala namang ibang nakakaalala sa kaniya kundi ako lang. Sina Mom at Kuya ay masyadong abala sa kani-kanilang buhay kaya hindi ko na ito inaasa sa kanila.

"H-how are you doing there? Kasama mo ba si dad?" I asked and looked up at the sky.

Wala akong ibang makita kundi ang maliwanag na buwan lang. Pumapatak sa mukha ko ang malakas na ulan kaya napapikit na lamang ako.

"P-please, tell him that I miss him already and I can't do this anymore," I added as I began sobbing.

"P-patawad, anak . . . kung hindi ka naalagaan ni mommy. Paulit-ulit akong hihingi ng tawad sa'yo hanggang sa mamatay ako . . ."

"Ku-kung alam ko lang ay gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan kayo ng kapatid mo but . . . I lost it. I lost the battle even if I did everything just to win it . . . a-and it cost me everything, it cost me you and your grandfather. Pinili ko ang nararamdaman ko kaysa sa inyo kaya nawala kayo sa 'kin . . ."

It's still clear in my memory. How I disobeyed everyone and lost half of my life because of my love for him. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pakiramdam na namatay nang paulit-ulit at ang salarin ay ang taong minahal ko nang sobra, but I did not regret it not because it made me strong but because I get to learn from it. My traumas did not make me strong. I fought it back and still fighting it. Hindi ko alam kung kailan ako mananalo. And now, he's back, I don't know what's happening to myself. Ramdam kong may kakaiba ngunit pilit ko iyong inaalis dahil hindi tama. Dahil maraming masasaktan.

"I . . . I'm missing you every day, my love. Hope to see you soon," I whispered and let myself rest there for a while.

The night is getting deeper and I'm soaking wet. The cold is now running through the roots of my body and I can't take it. Saglit na nanatili pa ako roon bago ako nagdesisyong tumayo na para umuwi. Nang makatayo ako ay halos mapasigaw ako nang tumambad sa 'kin ang isang lalaking nakapayong sa harapan ko. He's staring at me deeply. Mapupungay ang mga mata nito at parang handa itong kunin ako at hindi na ibalik pa sa kung nasaang impyerno ako ngayon.

"Hey . . ." He called me softly.

Hindi ko na naramdaman ang pagbagsak sa 'kin ng ulan dahil sinilong na niya ako sa payong na dala niya.

"W-what are you doing here?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya at mabilis na lumayo sa puntod kung nasaan ako kanina. Hindi niya puwedeng malaman.

"Let's go home . . ." He gently uttered full of unknown emotions.

Natigilan ako sa paglalakad.

"M-matagal na akong hindi nakakauwi sa tahanan ko. Hindi na ako pamilyar sa sinasabi mo," wala sa sariling sinabi ko sa kaniya. Ramdam ko ang kakaibang kirot sa dibdib ko.

"I'll take you home, AJ . . . Let me take you home," he uttered which made me sob continuously.

I want to go home, too. I really want to. Matagal na akong may inuuwian ngunit hindi ko maipaliwanag kung bakit kahit may inuuwian na ako . . . nais ko pa ring umuwi sa totoong tahanan ko.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now