Nang hapon na rin na iyon ay dumating ang iba pa kasama sina Uncle Raul na agad akong kinausap tungkol sa estado ng kompanya. Si Lynne lang ang nakakaalam tungkol sa pakiusap ni Tita Liza sa 'kin at kahit si Calix ay hindi niya alam ang tungkol rito. Ang alam niya ay nagawan ko na ng paraan iyon nang kunin namin si Zick sa mga ito.

"Aren't you aware about the dismissal of the case of-"

"I knew it, Uncle." Agad kong putol sa sasabihin niya bago pa man nito sambitin ang pangalan na 'yon.

"Why is that? What happened? Bakit na-dismiss?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya.

Nagsisimula na naman akong makaramdam ng galit at inis dahil sa kaso na iyon. I also remembered Eleanor and what she told me last time.

"They re-opened the case last year dahil sa pagbabago ng statement ni Benjamin. He was telling the court that someone framed them up at siya ang nasa likod ng lahat ng 'to," Uncle Raul explained to me which made me wonder.

"How? I mean, may iba pa bang sangkot sa gulo ng pamilyang 'to, Uncle? Akala ko ay iyon na lahat?" Buong pagtataka kong tanong sa kaniya.

Nagsisimula na namang gumulo ang lahat at hindi ko ito nagugustuhan. Pakiramdam ko ay may bago na namang mangyayari at hindi na naman matatapos ito hangga't walang nasasaktan. At bakit biglang nagbago ang statement nila pagkatapos ng mahabang taon? Bakit hindi nila sinabi noon? Bakit ngayon pa kung kailan unti-unti nang nakakabangon ang lahat dahil sa nangyari noon? Hindi pa ba sila tapos sa gyera ng pamilyang 'to?

"Hindi na namin alam ang tungkol dito. Your grandfather knows everything at hindi ko alam kung may iba pa bang sangkot sa lahat ng 'to," seryoso niyang sagot sa 'kin kaya napasapo na lamang ako sa mukha ko.

Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang paglapit ni Zick kay Lolo Samuel at pagyakap nito nang mahigpit sa kaniya.

"So, gano'n na lang 'yon? Taon lang nilang binayaran lahat ng kasalanan nila? That doesn't make sense, right? My God! I'll talk to Alexander about this," pinal kong sinabi sa kaniya at binalingan na ang anak ko na hindi ko namalayang nakalapit na rin sa 'kin.

"Mommy, can I request something?" Matamlay nitong tanong sa 'kin.

Kinuha ko ito at kinalong sa 'kin. Si Uncle Raul ay nanatili lang ang titig sa aming dalawa, inaabangan kung anong sasabihin ng anak ko.

"Of course, Anak. What is it?" I asked him gently and kissed his cheek.

"Can you call Daddy? Tell him to come home. Uwi na siya, mommy. Nasaan po ba kasi siya? Ang tagal-tagal naman niya." Nanginig ang boses nito at tuluyan nang sumubsob sa dibdib ko.

Mabilis ang naging tingin ko kay Uncle Raul na halatang nagulat din sa narinig niya. Napasinghap ako at niyakap nang mahigpit ang anak ko. Ramdam ko ang mabigat na paghinga nito na tila pinipigilan niya ang pag-iyak niya. My heart sank as my whole-being trembled. Ramdam ko ang sakit sa lalamunan ko at ang unti-unting pag-init ng sulok ng mga mata ko.

I don't know what happened to his dream last night. All I know that it was something terrible that it made him cry. Ito ang unang beses na sinabi niya ito at sa ganitong sitwasyon pa. Ni hindi ako naging handa. Na kahit sagutin siya ay hindi ko magawa dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Paano ko pauuwiin ang Daddy niya kung matagal ko na itong pinaalis sa buhay naming dalawa? How can I say it to him? How can I tell him that his father isn't coming home because he's gone? A long time ago. At hindi na siya babalik pa.

Mabuti na lang ay nakatulugan na ni Zick ang request niyang iyon sa 'kin. Mabigat pa rin ang kalooban ko dahil sa sinabi niya. Alam ko ang nararamdaman niya at masakit sa 'kin na wala akong magawa. Fuck this situation! I am not ready for this and it's making me feel useless.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now