Hayli and Megu

52 4 0
                                    

tapos na ang klase at kalalabas lang ng aming teacher, ganoon pala ang pakiramdam ng may kasama kang nag aaral, magulo, maingay, pero sa isang bahagi masaya din.

ngayon ko lang naranasan ang mag karoon ng kaklase, ngayon ko lang din naranasan pumasok sa isang paaralan, tama nga si Apollo magulo ang mundong pinasok ko, pero siguro naman "ang bago kong mundo ang magulo, hindi ako, hindi nila ako guguluhin kung hindi ako magulo kaya tatahimik ako dahil ayoko ng magulo"

inililigpit ko na ang aking mga gamit, nakakapanibago hindi ako sanay ng inililigpit ang sarili kong gamit, sa home study ko kasi, ang mismong teacher ko ang nag liligpit ng aking mga gamit.

tapos ko ng ilagay sa aking bag ang mga gamit ko, wala na akong paki kung maayos ang pag kakalagay o hindi ang importante ay nasa loob na ito ng aking bag.

akmang tatayo na ako ng biglang may nangbato sa aking mukha ng nilamukos na papel mabuti at nakaiwas ako, tinignan ko kung saan ang mula ang nilamukos na papel, at galing iyon sa babaeng Darkbrown ang buhok.

"aba nakailag!" sambit nya at binato nya ulit ako ng isa pang nilamukos na papel, but this time nasalo ko ito.

"bakit mo sinalo! tanga kaba!" inis na sigaw nya

"kasi pag diko sinalo ay tatamaan ako sa mukha." walang emosyong sambit ko. ayaw kong makipag talo sa kanya diko naman siya kilala at isa pa ayaw kong magalit.

"booooooo" umugong ang mapangasar na tunog aa buong classroom, ramdam kong lalong uminit ang ulo ng babaeng nasa harap ko.

"tanga ka! kaya nga kita binabato kasi gusto kong tamaan ka! tapos sasaluhin mo lang!" inis na sigaw nya sa akin, hindi ko nalanh siya pinansin, ayaw kong makipag talo sa kanya.

nag simula na akong lumakad, lalagpas na sana ako sa kanya ng hawakan nya ang aking braso, sa sobrang higpit ng pag kakahawak nya sa akin na halos bumaon na ang kanyang mga kuko sa aking braso.

kaya inalis ko ang kanyang kamay sa pag kakahawak sa akin, mejo hinigpitan ko talaga ang pag kakahawak ko sa kamay nya dahil naiinis na ako, ayaw ko lahat ay ang hinahawakan ako ng diko naman kilala.

"ouch! bitawan mo nga ako! nasasaktan ako" sigaw ng babae, binitawan ko naman siya agad.

"hindi mo ba ako kilala ha. kabago bago mo pa lang dito kala mo kung sino kanq ha!" sigaw nya sa akin, bakit ba ang hilig nyang manigaw.

"hindi kita kilala, kaya ayaw kong makipag talo sayo" mahinahong sagot ko sa kanya, kailangan kong mapanatili ang pagiging mahinahon ko kung hindi nakakaaw ang babaeng ito

"haha" tumawa siya ng fake "for you to know I am Hayli Christina Ford!" pag papakilala nya.

"ok. nice to meet you Hayli" sambit ko sabay talikod sa kanya sa nag lakad papalabas ng classroom, masyado na akong napapatagal sa pakikipag usap sa kanya, nagugutom na ako.

nag lalakad ako sa hallway ng may sumabay sa aking babae na maliit at maputi, maganda siya para siyang haponesa.

"hello i'm Megu Aya Shiwawe" masayang pag papakilala nya sa akin, mukha naman siyang mabait at makulit!

"I'm Alexandria" maiksi kong pag papakilala

"ang cute ng Name mo, Alexandria! hihi alam mo gusto kita!" natigilan ako sa sinabi nya

"tomboy ka?" tanong ko sa kanya sa nag lakad ulit ako

"hahaha no i'm not! gusto kita kasi di ka nag patalo kay Hayli haha" masaya nyang sabi, masayahin siya masyado

"nagpatalo?" tanong ko

"haha nagpatalo, nagpasindak, alam mo kasi maraming binubully yan dito sa school halos lahat takot sa kanya! oopss dito sa kanan ang papunta sa Canteen"

"ah ganon ba" sagot ko

"ingat ka doon, kahit anong oras ay pwede ka nyang patalsikin sa school na ito, malakas kasi kapit nya sa taas kaya mayabang siyA" dagdag pa nya

"salamat sa pag papaalala, pero di ako interesado sa kanya" totoo naman, wala akong interes sa buhay ng ibang tao

"yun lang ang sasabihin mo?" takang tanong nya

"my iba paba akong dapat sabihin?" ang kulit talaga ng babaeng ito

"ah wala wala hehe, dito na tayo sa canteen tara order tayo Alexandria" nauna siyang pumunta sa Counter, sumunod naman ako at umorder, sa isang table lang kami kumain.

"i want you to be my friend, can we?" masayang tanong nya habang kumakain ng hotdog sandwich na pinuno nya ng ketsup

"ok" maiksi kong sagot, sa totoo lang masaya ako at may gusto palang makipag kaibigan sa akin

"talaga? friends na tayo ha hihi" ang kulit talaga nya!

°°°°°°°°

vote to update :)

IV-A CathleyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon