Chapter 5 "Distance"

73 3 3
                                    

"Kaya pala gusto mong makipag hiwalay sakin!!! dahil nakahanap ka na nang ipapalit sakin.. SYA BA UN?! SYA BA UNG KABIT MO?!! nanggigigil na sabi ni Aelyssa kay Andee...

"HINDI! HINDI KO SYA BABAE!" Pagtatanggol ni Andee.

"HINDI?! EH BAKIT KAYO MAGKATABI SA KAMA?!? HA?! ANO UN MAGKAIBIGAN LANG?!??!!!" Galit na galit nyang isinigaw kay Andee.

"Excuse me, hindi ako babae ni Andee. No choice lang kaya tumabi ako sakanya! Wag ka masyadong malisyosa!" pagsingit ni Auds sa usapan nila.

"Wag kang nakikielam sa usapan namin" sabi ni Aelysa habang biglang hinatak at sinabunutan si Audrey.

"TAMA NA! OO, TAMA KA! NILILIGAWAN KO SYA AT WALA KA NANG MAGAGAWA DUN KASI MAKIKIPAGHIWALAY NA AKO SAYO... AYOKO NA SAYO!" galit na sabi ni Andee, habang nasa likod nya si Auds.

"UMALIS KA NA AELYSSA!" Galit na sabi ni Andee.

Author's POV

Nung umalis na si Aelyssa, saka nagusap sila Andee at Auds.

"Auds? Are you okay?" concerned kong tanong kay Audrey.

"Ngayon lang ako nasangkot sa ganitong gulo... sa lahat ng naging cliente ko.. sayo palang ako nasangkot...." malumanay nyang sinagot sakin.

"Pasensya na.. kasalanan ko... di ko naman alam na bigla syang dadating eh." pag eexplain ko sakanya.

"Dapat nga Attorney lang ang tingin mo sakin... at cliente lang ako turing ko sayo... walang lalagpas dun.." sabi nya sakin habang seryosong nakatingin sakin.

"Auds? iiwasan mo ba ako?" pagwoworried kong tanong sakanya.

"Kung un ung kinakailangan para parehas tayong maging tahimik.. gagawin ko. Pasensya na pero huli na to'" sabi nya habang nagliligpit ng gamit nya.

Kinabukasan~~~~~~

At the office~~

"Ma'am Auds, may nagpapabigay po ng flowers sa inyo, pabigay ko daw po sainyo." sabi ng secretary kong si Lian.

"Kanino galing ito?" tanong ko sakanya habang nakatingin sa bulaklak sa nilapag nya sa mesa ko.

"Secretary lang din po yata nya ung nagdala" sabi nya sakin.

"Ah okay sige." sabi ko sakanya habang nagiisip kung sino ung nagpadala nun.

Auds POV

Habang nagtatype sa computer, bigla akong napatingin sa phone ko dahil may pumasok na message...

Message: "Sorry."

Yan ung nakitang message sakin which is alam ko na kay Andee galing. Hindi naman ako totally galit sakanya, medyo sumama lang ang loob ko sakanya... kasi dahil sakanya nasangkot ako sa gulo... sa isang gulo na dapat ako ang umaayos.

Aaminin ko na kahit papaano namimiss ko ung presensya nya sa paligid ko, ung pangungulit at pang aasar nya sakin... kaso hindi pwede dahil una sa lahat cliente ko lang sya at attorney nya ako.., un lang ang connection namin, wala ng mas tataas pa dun.

Pagkatapos nang isang message... may sinend ulit sya na medyo ikinalungkot ko.

Message: "Nga pala, nakahanap na ako ng bago kong Attorney. Sya na hahawak ng kaso ko. Salamat sa lahat Ma'am Auds."

"Ma'am Auds" never pa nya akong tinawag na ganun, kasi kahit attorney nya ako... "Auds" lang ang tawag nya sakin... mukang seryos sya... seryoso na sya na lalayo na sya sakin... hindi man lang ako nakapagpaalam.... at ang masakit.., kung kelan ako nahulog sakanya... saka pa nya ako binitawan at iniwanan...

3 years has passed....

Auds POV

3 years na ang lumipas. Wala na akong balita kay Andee, basta ang huli kong nalaman tungkol sakanya is ung pag punta nya ng America. Kahit papaano nasabi kong naka move on na ako... May naging boyfriend ako si Andrei kaso napunta lang din sa wala ung naging relasyon namin. Tumagal kami ng halos 1 and a half year kaso niloko nya ako... binigyan ko pa ulit ng isa pang chance.. pero wala.. niloko lang din ulit ako.. kaya eto ako ngayon.. may taruma na pagdating sa relationship.

ON THE OTHER SIDE~~~~

Andee's POV

6 years old na si Yanna, Turning 7 this coming month. May mga pagkakataon na tinatanong nya sakin hanggang ngayon kung bakit di na daw nya nakikita ang mommy nya., i mean si Audrey... Hindi ko maiexplain kung bakit, Nga pala.. Hiawalay na kami ni Aelyssa, Pero hindi pumasok sa isip ko na mag asawa ulit.....

Sya parin talaga, Si Audrey parin talaga ang hinahanap ko. May part sa sarili ko na gusto ko umuwi ng Pilipinas at hanapin sya muli, kaso naghehesitate ako... baka iwasan nya ako or baka may iba na syang nakita.... na what if may asawa at pamilya na sya.. Iniiwasan kong masaktan kaya pinipigil ko ung sarili ko na hanapin, kausapin at balikan sya sa Pinas. Kaso nag aaya si Yanna sa magbakasyon daw kami dun, namimis nya na daw kasi ung food doon eh.. kaya no choice ako.

GOING BACK TO AUDS POV.

Auds POV

27. Yes, i'm finally 27 this day. Normal na Birthday Celebrations lang. Kumain, gumala at nag enjoy. Kasso dun pala sa pagcecelebrate ko, makikita ko pala ang isang tao na matagal ko nang inintay.

Defend My Heart, Attorney. (Law series #1)Where stories live. Discover now