Kailan darating ang araw na tayo'y magkasama?
Bakit hindi pa maaari ngayon, habangbuhay naman ang ating pag-ibig, hindi ba?
Bago ako mahimbing, sa kailaliman ng gabi
Ikaw lang ang siyang tanging iniisip palagiNgayon, ang ating pag-iibigan ay nasa maling panahon
Ngayon, hindi natin magawa ang nais nating gawin mula pa noon
Ngayon, ang aking puso ay umaapaw ng pag-asa
Magkatotoo ang aking mga kahilingan sanaKailan darating ang panahon na papanig na sa atin ang kapalaran?
Bakit hindi pa pinapahintulot ngayon, upang ating maasam ang kaligayahan?
Bawat dandelyon na babagsak mula sa kalangitan
Ay hinihiling kong hindi mawala ang ating pag-iibigan kailanman
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Mullein
PoetryMga tula na nagsasalamin sa mga saloobin ng May-akda. Magdudulot ito sa inyo ng kilig, lungkot o tuwa. GENRE: Poetry, Romance, Non-Fiction DATE STARTED: October 22, 2022