"Ah? Eh..."

**Flashbacks**

"Napaka-swerte mo talaga, Beth. Dati, isang janitress ka sa kilalang kompanya, ang Uphone. Ngayon, magtatrabaho ka sa A.D bilang sekretarya na. Iyan 'yong sinasabi nilang improvement." Nakangiting pahayag ko sabay lapag sa mesa ng ulam na dala ko para sa kanila ni Pubg.

Ngumiti lamang ito sa akin at bumaling na sa niluluto nito."Dalhin n'yo na rin ito, Aling Martha." Sabi nito habang nilalagyan nito ang isang mangkok ng ulam na niluluto niya."Alam kong paborito 'yan ni Anthony na ginisang sayote na may corn beef." Pagkatapos ay binigay na nito sa kanya.

"Naku! Nag-abala ka pa. Pinagluto ko talaga kayo ni Pubg ng ulam, parang anak ko na kayong dalawa." Nakangiting pahayag ko.

Pagkapatay ng stove, saka ito humarap sa akin."Aling Martha, may hihilingin po sana ako sainyo," naging seryoso na wika nito.

Bahagyang napakunot-noo naman ako at lumapit ng bahagya dito.

"Ano ba 'yon?" Pabulong na tanong ko.

"Pag may naghanap po sa akin na taga Uphone, sabihin n'yo pong umalis na kami dito." request nito.

"Ah? Bakit?" Bulalas ko.

"Basta po, gusto ko lang maging tahimik na ang mundo ko." Madamdaming pahayag nito.

"Kahit 'yong boss mo? Si Johnse---"

"Opo." Putol nito.

Kita ko naman sa kanyang ekspresyon na tila may gusto siyang iwasan na mga tao. Kung ano man iyon, alam kong nakasala silang lahat kay Beth. Ngayon ko lang siyang nakitang gustong lumayo sa taong alam niyang nanakit sa damdamin niya.

Dahil sa pagkawala ni Ros, nag-aadjust pa siya sa magiging takbo ng buhay niya. Masakit talaga mawalan ng taong mahalaga sa buhay lalo na namatay ng maaga ang asawa ko at mag-isa kong tinaguyod ang dalawang anak namin.

**End of flashbacks**

Nang maalala iyon, mabilis naman ako nag-kunwari.

"Pasensya na, iho. Kakaalis lang nila ni Pubg." Pagsisinungaling ko sabay kamot pa sa ulo.

"Ah? Saan po pumunta?" Gulat na saad nito.

"Hahanap na raw sila ng malilipatan pero hindi ko alam saan sila lilipat." Patango-tango na sabi ko. Goods ba ang acting ko? Mapaniwala ba?

"Ganoon po? Sige po, salamat po." Disappointed na turan na lamang nito."Kung may balita po kayo sa kanya, pwede po tawagan n'yo po ako kaagad?"

Tumango naman ako."Sige, iho."

"Salamat po." sabay bow."Alis na po ako." Paalam nito at tumungo na sa kanyang mamahaling kotse.

Nang makaalis ito, pinagpatuloy ko na ulit ang ginagawa ko. Hindi pa nag-iisang minuto, may tao na lamang na nasa likod ko na tinatawag ako.

"Excuse me?" Boses ng isang dalaga.

Paglingon ko, bumungad sa akin ang mala-diwata ang kagandahan. Kung ganitong kaganda mapapangasawa ng anak ko, may apo ako na ubod ng ganda.

"Hi? Ano kailangan mo, iha? Naghahanap ka ng apartment? Meron pa kong space dito. Gusto mo bang tingnan---" di ko na lamang napatuloy ang sinasabi ko nang magsalita ito.

"Pasensya na po. May iba po akong kailangan." Napakalambing ng boses na wika nito.

"Ano 'yon?" Nakangiting natural na tanong ko.

"Nandyan po ba si Beth?" Tanong nito.

Sandali? Nagtatrabaho din ba ito sa Uphone?

"Taga Uphone ka?" Imbes tanong ko.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz