10

626 19 0
                                    

Naomi.

"NAOMI! BILISAN MO AT MAY NAGHIHINTAY SA BABA!" Sigaw ni Mama. Sino naman kaya yung nag hihintay sa baba.

"OPO!!" Sigaw ko pabalik at binilisan ang pag sasapatos. Nang makababa ako ay dali dali akong pumunta sa kusina para mag paalam kay Mama at sa nakababata kong kapatid.

Akala ko ay may makikita akong tao sa sala pero wala naman, akala ko ba may naghihintay sa akin? Hindi ko na lang pinansin yun at lumabas kapansin pansin naman ang isang maangas na sasakyan sa tapat ng bahay namin. Kulay black at two seater lang siya, mukang pang mayaman.

Napatigil ako ng makita kong may lalakeng naka tayo doon hindi ko man lang napansin dahil sa sasakyan. Mas maangas siyang tignan, naka black tshirt, white na pantalon at white rubber shoes may dala dala rin siyang bagpack na nakasabit sa balikat niya. 

"Tagal mo naman" Reklamo niya kaya napatingin ako sa likod ko muka kase siyang may kinakausap sa likod ko. Pero wala namang tao roon napatingin ako sa kanya at nagulat ng nasa harapan ko na siya. Mas matangkad siya sa akin hanggang balikat niya lang ako.

"Sino bang tinitignan mo dyan?" Tanong pa niya at seryosong tumingin siya sa akin habang ako ay naka tingala dahil sa matangkad siya.

"Ako ba kausap mo?" Naguguluhan kong tanong habang naka turo sa sarili ko. 

"Obvious ba?" Seryoso pa rin niyang tanong at lumuhod ng kaunti para mag pantay ang mga muka namin. Napalunok naman ako ng makita ng malapitan ang muka niya. Ang gwapo maganda ang mga mata niya, matangos ang ilong, at ang labi naman ay perfect, maliit rin ang muka niya. Siguro kung bibihisan ko ito ng pangbabae ay mas muka pa siyang babae kesa sa akin.

Pinitik niya ang ulo ko kaya napansin kong kanina pa ako naka tingin sa kanya. "Sino ka ba?" Tanong ko at lumayo ng kaunti.

"Ken, Ken Suson" Sagot niya at umayos ng tayo. Napatingin naman ako ulit sa kanya ibig sabihin ay siya yung nag add sa akin at nag chat na Ken. "Yeah, ako yung nag chat sayo, but you didn't even bother to chat me back so I just picked you up." Mabilis niyang sagot.

Nabasa niya yung nasa isip ko? "Ang dali mo namang basahin" Sabi niya at walang pasabing kinuha ang bag ko.

"HOY! BAG KO YAN!" sabi ko at kinuha ang bag ko sa kanya. 

"Chill, ihahatid kita, taga DLSU rin ako, don't worry" Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto. Wala na akong nagawa kundi pumasok na lang at sumama sa kanya. 

Habang nasa byahe ay walang nag abalang mag salita sa amin kaya kinuha ko na lang ang phone ko at inabala ang sarili. Naisip ko ring tignan ang profile niya kaya agad agad kong binuksan ang Facebook ko at pumunta sa account niya.

----

Ken Suson.

Lives  in Manila, Philippines

Went at DLSU

Followed by 63,837 people

---

Napalunok ako ng sunod sunod ng makitang sikat pala siya. Napatingin ako sa kanya habang seryoso siya sa pag dra-drive, napabalik ang tingin ko sa phone ko at ipinagpatuloy ang pag iis-stalk sa kanya, sinisigurado pang hindi niya malalaman na tinitignan ko ang profile niya mahirap na baka kung anong isipin ng hayop na 'to.

Nakita ko rin ang mga post niya na sandamak mak ang mga likes roon pero nagulat ako ng biglang lumabas ang picture niya kasama yung apat na lalaki isa roon ay si Justin, yung lalakeng sinabay ako papuntang school. Mukang mag be-bestriend silang lima.

-----

Ken Suson with Justin De Dios, Stell Ajero and 2 others.

With mah bro's 🤘

❤️😲👍Josh Cullen Santos and 376,983 others    237,283 comments

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

❤️😲👍Josh Cullen Santos and 376,983 others    237,283 comments


"Tama na stalk" Nagulat ako kay Ken at agad na tinago ang phone ko at pekeng umubo. Act normal Naomi.

"Ha? Sino?" Seryoso kong tanong at bumaling ang atensyon sa kalsada. Wala siyang isinagot tanging narinig ko lang ay mahinang tawa galing sa kanya.

Nakarating kami sa School ng may nagkukumpulang mga estudyante sa labas mukang hinihintay si Ken kaya dali dali akong walang pakeng lumabas sa kotse at tumakbo paalis. Rinig ko rin ang mga bulong bulungan ng mga tao sa paligid ko pero hindi ko na lang pinansin yun at tumakbo pa puntang room.

Binuksan ko ang phone ko at inaacept ang friend request ni Ken at nag thank you.

Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓Where stories live. Discover now