“Enough Zsarina! Nakapag desisyon na ako. I want to be with Samantha.”

“You can’t do this to me, Greg. We have an agreement. Hindi mo na pwedeng bawiin iyon. I will pull off all of our shares and cut ties with your company.”

“Do it. I don’t care about that anymore. I left the documents in our room. Sign the divorce paper. Your attorney will call in a minute.”

“What?” I exclaimed and look at them staring with each other.

I drove my car not minding my surroundings. Nakalimutan ko na rin ang mga sumunod na nangyari dahil ngayon ay hindi ko mapigilan ang aking mga hagulgol. Sumisikip ang aking dibdib at nararamdaman ko ang tila pag-ikot ng mundo. I can hear beep sounds too at biglang pagkulog ng langit. And in a blink of an eye I saw white light flashed through my eyes.



Agad akong namulat sa biglaang takot na naramdaman. I scan the room and check myself on. Naramdaman ko naman bigla ang bigat sa mga mata ko, hirap ko muli itong iminulat kaya’t nasilaw sa pagtama ng araw na nanggaling sa labas. Panaginip ko lang ba iyon? If it is, then it’s so creepy.

Kinapa ko ang aking kaliwang dibdib kung saan napakalakas ng tibok ng puso ko dito. Kinalma ko rin ang aking sarili at pinunasan ang kaunting pawis. May naririnig din akong mga kaluskos na parang mga papel.

I laid my back at medyo dinamdam ang umaga, mabigat pa rin ang aking dibdib at ramdam na ramdam ang pagod. Madali ko lang din naalala ang mga nangyari kagabi. Nang dahil doon ay hindi ako nilubayan ng pasakit kung kaya’t pati sa panaginip ay nararamdaman ko ito.

I looked at the veranda and there I saw Greg na tila abala sa pagbabalot. I was shocked at kunot ang noong pinagmasdan ang ginagawa niya. Hindi maitatak sa isip kong naririto siya. At yung panaginip ko kanina, it felt real. And that divorce word did not leave my mind knowing there’s no divorce here in this country. Why would a dream be like that? It’s traumatizing.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko na nagpalingon sa kanya.

“Iniwan mo kagabi sa kotse mo itong mga pangregalo,” aniya at pinagpatuloy ang pagbabalot.

A tear dropped from my eye seeing him here tapos siya pa ang gumawa ng dapat ginawa ko kagabi. Paano ko ba nakakayang hindi magalit sa kanya ng lubusan? Na dahil sa pagmamahal ko sa kanya ako itong unti-unting nauubos. Ako ang humihina.

Muli siyang lumingon at tumigil sa ginagawa. “Are you sick?”

I didn’t answer. Nanatili ang tingin ko sa kanya na puno ng mga tanong.

“Do you still want to go?” he again asked. Tumango lang ako saka niyakap ang aking tuhod. I’m lost.

Hindi ko na alam kung alin sa pinapakita niya ang totoo. Kung ang mga sinabi ba niya noon ay totoo. Anong paniniwalaan ko? And that dream, What’s the dream about?

“I did something.”

Umangat muli ang tingin ko nang marinig ang sinabi niya. Nakayuko lamang ito at seryoso.

“I did something na hindi na dapat. I’m sorry.”

“If I stay. Tutuparin mo pa rin ba yung pinangako mo?”

I guess life were really cruel. In this world you need to be tough, for this kind of relationship kailangan maging matatag. Pagiging martyr pero malakas talaga ang bulong ng pusong huwag kong sukuan ang pagmamahal sa kanya. Pero bibigyan ko ulit ng isa pang chance ang sarili ko. No, a chance for him to make me stay by his side.

“Thank you for coming tito Greg and tita Zsarina. And thank you for your gifts.”

I smiled at the adorable scenario of Francis and his daughter. Ang ganda rin ng baby nila ni Olive at kamukha ito ng kanyang ama. Greg finds her adorable too.

Time in Between (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora