—
Hapon nang mapagdesisyunan kong alamin ang kinaroroonan ni Samantha. Hindi ako mapalagay at hindi makatulog dahil sa mga katanungan ko sa sarili.
Binuksan nito ang pinto at bumakas sa mukha ang gulat.
“Zsarina?”
“Samantha.”
Pareho kaming natigil ng ilang sandali at pinakatitigan ang isa’t-isa. But when I was about to talk ay nauna itong nagsalita.
“Anong kailangan mo?”
Ngumisi ako at tiningnan siya sa kanyang mga mata. “Mahusay ka palang maglaro Samantha. Hindi ko alam na hilig mong paglaruan ang damdamin ng isang tao.”
“What are you talking about?”
Hindi ko pinansin ang tanong nito at seryosong binalikan siya ng isa ring tanong. “Bakit ka nagbalik? Anong dahilan ng pagbabalik mo dito at pakikipagkita mo sa asawa ko?”
Huminga ito ng malalim saka bahagyang tumalikod. “I want Greg. I want to be with him. I realized na hindi ko siya kayang pakawalan.”
Bumakas sa mukha ko ang gulat ngunit lamang ang nararamdam kong galit.
“He’s my husband,” pagdidiin ko sa bawat salita.
“But he doesn’t love you. He promised me a year and you will get divorce eventually,” aniyang humarap na sa akin.
“He is not yours. We are married by law, at wala kang magagawa para doon because I will never signed a divorce with my husband. Hindi ka na dapat bumalik pa.”
Ngumisi rin ito at bahagyang lumapit sa akin. “Greg will always be mine. Ako ang unang minahal niya at ako pa rin ang mamahalin niya. Nauna ako sa kanya, nanghimasok ka lang.”
“But you cheated on him. You hurt him, kaya sinalo ko lang ang sinayang mo. Dahil ako? Hinding hindi ko gagawin ang lokohin siya gaya ng ginawa mo,” as I said that ay nakita kong namuo sa kanya ang galit. Alam kong nagtimpi itong saktan ako ngunit hindi pa rin ito nagpatinag.
“Hindi ka mamahalin ni Greg kailanman. You see, sa akin siya pumupunta sa tuwing mag-isa siya. After your wedding pinakiusapan niya akong bumalik sa kanya. And we had an affair, Zsarina. Yes, nagawa ka ring lokohin ng asawa mo!”
Sa galit ko sa aking mga narinig ay hindi ko napigilan ang pagtaas ng kamay ko at sampalin ito. Namutawi sa mukha niya ang gulat at sakit ng pagkakalapat ng aking palad sa kanyang pisngi.
“You made him do that.”
At bago muling may magsalita sa amin ay narinig namin ang boses ng lalaking dahilan ngayon ng aming pagtatalo. Pareho nito kaming tiningnan ngunit kay Samantha ito lumapit.
“Anong ginagawa mo dito, Zsarina?”
“What am I doing here? Wala lang, gusto ko lang makita ang panloloko ninyong dalawa,” sambit kong itinatago ang sakit ng pagkampi niya sa babaing sumisira ng pagsasama namin ngayon.
“Hindi ka na dapat nagpunta dito at nagpakita sa kanya.”
“Because why? Dahil ayaw mong awayin ko ang babae mo?”
He sighed and look at me in disgust. “Go home and don’t ever come in here again.”
“Ako ang asawa mo, Greg. Kaya huwag ako ang pagsabihan mo niyan.”
“Please, Zsari. Umuwi ka na.”
“Hahayaan mo akong umuwi mag-isa? Talaga Greg? Mas importantante sa iyo ang babaing ‘yan na ginawa ka namang lokohin noon?”
YOU ARE READING
Time in Between (Completed)
RomanceA crucial life of Zsarina being married to a man she loved for a long time. But their marriage is only a business proposal to Greg. An imperfect CEO and an unemployed heir daughter of Del Valle Group grows different feelings and affection with each...
Chapter 12 - Blame
Start from the beginning
