1

32 1 2
                                    

"Hannah, pakopya naman sa history huhu wala pa akong ginagawa." Ani ni Marie. Tinawanan ko siya at kumirap, ang hirap hirap ng Philippine History tapos papakopyahin lang kita? Of course, hindi pwede kasi wala rin akong ginawa eh hehe. Sinarado ko yung bag ko at umalis sa campus nang kasama ko si Marie.

Oo nga pala, I'm Lucine Johanna Evangelista, but everyone can call me Hannah. It's cliché yung mga ganitong introductions pero paano mo naman ako makikilala kung hindi? I currently study in Benilde as an Arts major. Kung tutuusin, siguro lahat ng nasa Benilde mga creative and artsy kung hindi bakla. Siguro isa ako sa categories na yan, definitely not creative...siguro bakla ako? Joke lang.

Kakatapos lang ng Math class ko at napagisipan kong mag lakad lakad sa hallway, tutal wala rin naman akong gagawin masyado kasi tapos na gawain ko sa math at sa art appreciation. Paligoy paligoy ang aking mata at nakikita ko ang iba't ibang studyante ng Benilde. It feels comforting na hindi lang ako yung nagtitiis sa college na 'to.

"Hoy, Hannah!" Alam na alam ko yang sigaw na yan. Si Erin at si Nate yan, ramdam ko na. Pero bakit sila nandito? Daliang tumalikod ako para makita kung sino man ang tumawag saking pangalan at ayun, tama nga ako. Nginitian ko sila at kumaway.

Nang lumapit silang dalawa sa akin, pasungit na tumingin si Nate sa ibang tao. Putangina may umutot sa daan. "Nakakairita naman, tatae talaga ako ng sampung milyong beses sa bunganga ng taong yan."

Tawang tawa naman si Erin. Si Erin ay isang Biology student sa UP samantalang si Nate naman ay Law student sa San Beda. Hindi common na pumunta sila dito habang may klase pa.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko.

"Ayaw mo ba? Aalis na kami." Pabalik na sabi ni Nate. Kinutosan naman siya ni Erin.

"Kami coordinators nung upcoming music fest dito sa Benilde para sa isang charity event. Tutal maraming arts and music students dito sa Benilde, I thought na it was better na dito nalang." Tinitigan ako ni Erin at ngumiti. "Hindi ba sinabi sainyo ng arts prof niyo? Tutulong kayo sa stage design, ah. Naka assign kayo sa artist, I mean, depende."

Huh? Wala akong alam dito. I shrugged nalang kasi wala naman akong pakeelam masyado at pinakita sa kanila kung asaan yung faculty since malapit lang din naman Art Management class ko doon. Nag sabi kami ng goodbye habang busy sila sa ginagawa nila.

Nung umupo ako, pumunta sakin si Michael. Alam mo yung kaklaseng gusto mong sakalin pero hindi pwede kasi krimen yung pag patay ng tao? Yan si Michael. Pumunta lang siya sakin para sigawan ang aking tenga.

"Hannah, anong gagawin mo after class?" Tinanong niya saakin, pero hindi ko siya pinansin. "Hannah? Hello?! May tenga ka ba?"

"Uhh, it's Lucine to you." Sinabi ko ng pataray

Buti nalang pumasok agad yung Professor namin, kasi siguro kung hindi naguidance na ako sa suntok ko sa mukha neto. Umupo na silang lahat, at mabuting mabuti na si Michael malayo saaking upuan.

"I know may pumapaligid na rumor tungkol sa department natin na tutulong sa music fest—totoo yon at project grade din siya. Your designs and art should showcase the artist performing and their theme throughout their stage. Please note that you should be cooperative of the artists and their time. I'll be stating the leaders and their artists."

Kinakabahan ako. I should have cared. Holy shit, ayaw ko na. Fuck!

"Michael Ong, you're the leader for the stage of Because. Your team includes Marina, Erwin, and Farrah." Nagsigawan naman ng tagumpay si Michael habang ang kanyang mga kateammates ay 'di sumasangayon sa kanyang excitement.

Nakalipas na ang maraming mga artists tulad ni Kiyo, Blaster, yung lalaking kumanta nung e paano kung, Syd Hartha, SB19, Munimuni, Lola Amour at marami pang iba. Hindi ko inaakalang ganito kabigat yung event at especially na mga kaibigan ko coordinators neto. Kinakabahan ako ng todo todo kasi what if mafuck up ko?

"And last but not least, Hannah Basco, you're the leader for the stage of Zild Benitez. Dahil lahat ng classmates mo ay assigned na sa ibang team, magsasarili ka. Galingan mo nalang."

Parang yung professor ko walang tiwala sa kakayanan ko, tanginang yan. Joke lang wala rin akong tiwala sa sarili ko...pero bakit si Michael may kasama tas ako wala? Bugbugin ko yang lalaking yan eh.

Nagsilakasan ang mga munimuni
—haha no pun intended—at parang masama yung naririnig ko ah. Zild is one of my favorite artists at nung narinig kong 'di pala nakikipagusap yon especially na same college lang kami, mukhang patay ako dito. Wala na nga akong teammates, wala pang communication sa artist ko. Nagluksa nalang ako ng tahimik.

"Diyos ko ang malas ko." Sinabi ko sa sarili ko, pero narinig ko boses ni Michael at kumulo nanaman dugo ko.

"Careful ka kay Zild ha? Medyo suplado daw yun, nakikipagusap lang kay Shane." Parang di ko alam, salamat sa walang kakwenta kwentang impormasyon.

"Tutal hindi lang naman ikaw yung gagawa ng stage mo eh." I rolled my eyes.

"Aba, 'di ko na kasalanan yan." Sinabi niya at parang ang yabang yabang niya pang sinabi na, "good luck sayo."

Kung pwede lang manuntok, ay Dyos ko payagin mo ako kahit hindi ako naniniwala sayo. Nakatanga ako sa labas ng campus at huminga ng malalim, hindi ko na alam gagawin ko. Kumalma ako at inisip ang nangyari: Wala akong kateammate na tutulony sakin, si Zild ay uncooperative, at higit sa lahat project ito. Sana na lang 'di ako isinilang.

duwag | zild benitezWhere stories live. Discover now