Unconditionally

33.5K 2.1K 409

What is your deepest regret?

Mine is not being able to tell the woman I love how much I love her. Nakakapagsisi. Nakakapanghinayang. Hanggang sa huling hininga niya, hindi ko nasabi kung gaano ko siya kamahal. Bakit kamo? Dahil sa tang-inang hiya na 'yan.

I grew ashamed of her and I hated myself for that.

I was never the type to tell someone how I feel towards them. Kumbaga, ako iyong nagmamahal ng tahimik. Ang masaklap nito, kahit sa mga huling oras niya sa mundo ay hindi ko man lang iyon nasabi sa kanya.

Sa kabila nang lahat ng nagawa niya para sa akin, hindi ko man lang iyon nasuklian ng isang simpleng 'Mahal kita'. Puro sarili ko lang ang iniisip ko. Hanggang sa huli, naging makasarili ako. Hindi ko maikukumpara ang sarili ko sa kanya dahil malayong-malayo kami. Milya-milya.

Siya iyong tao na inuuna ang iba kaysa sa sarili niya.

Ilang buwan din siyang nagtiis na hindi magkape dahil sa akin. Natuto siyang kumain ng gulay para lamang masiguradong magiging malusog ako balang-araw. Ni minsan ay hindi siya nagreklamo. Ang sabi niya, ako raw ay isa sa pinakamagagandang biyaya na natanggap niya. Isang ngiti ko pa lang daw, nawala na ang lahat ng sakit na naramdaman niya noon.

Parang milagro raw.

Ilang taon din siyang nagtiis na hindi makabili ng bagong damit o bag dahil mas importante ang mga pangangailangan ko. Mas importante ang gatas at diaper. Mapagtitiisan naman niya ang mga damit na ilang taon na rin niyang ginagamit-gamit.

Halos araw-araw siyang puyat noon dahil sa pag-aalaga sa akin. Wala kasi akong pakialam kung pagod siya o inaantok. Basta ako, kapag gusto kong umiyak, iiyak ako. I was so selfish back then, but she forgave me because I didn't know.

Bata pa kasi ako.

Nagsikap siya sa pagtatrabaho para may maipangpaaral siya sa akin. Sa isang magandang school pa niya ako pinapasok, para raw siguradong matututo ako. Nagsikap din ako dahil gusto kong maging proud siya sa akin. Tuwang-tuwa na siya kapag uuwi akong may baong kwento. Mas lalo siyang sumasaya tuwing ipagyayabang ko sa kanya ang mga matatas na markang nakukuha ko sa quizzes at homeworks.

Minsan pa nga, bibigyan niya ako ng chocolates bilang premyo.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naubusan ng gana na kausapin siya. Noong tumuntong ako ng high school, lumawak na ang mundo ko. Hindi na school-bahay lang. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Bukod sa pag-aaral ay naging abala na rin ako sa kanila.

Tuwing kinukumusta niya ako ay wala na akong masabi. Sa eskwelahan pa lamang kasi ay naubos ko na ang kwento sa mga kaibigan ko. Pag-uwi ko naman sa bahay, kausap ko pa rin sila sa telepono o sa social network.

Unti-unti akong naging malayo sa kanya dahil pakiramdam ko ay hindi na kami magkakaintindihan. Ano nga ba naman ang alam niya sa mga crush-crush na 'yan? Ano nga ba naman ang alam niya sa latest trends? Nasa bahay lamang naman siya madalas.

Tuwing hapunan ay pinipilit niya akong mag-open up. Magkwento raw ako tungkol sa maghapon ko. Pero imbes na maengganyo ay naiinis pa ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi, pinanghihimasukan nya ang buhay ko.

Ilang beses ko na rin siyang nasagot, dahil may gusto siyang ayaw ko naman. Nakakokonsensya nga e. Kasi kapag pinagtaasan ko siya ng boses, bigla na lamang siyang mananahimik. Ako naman, matutuwa dahil sa wakas, natahimik na rin ang nagger. Makapag-iisip ulit ako.

Pero isang araw, nahuli ko siyang umiiyak sa kwarto niya.

Hindi ko siya nagawang tanungin kung bakit dahil pakiramdam ko ay ako naman ang manghihimasok kung sakali. Umalis na lamang ako ng bahay. Nagliwaliw kasama ang mga kaibigan ko. But at the back of my head, nandoon pa rin ang imahe niya, nakaupo sa gilid ng kama at umiiyak.

UnconditionallyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!