Fourth

89.4K 1.1K 12
                                    

The Father Of My Baby

Flower in the Rain III

Written by: Pilyang Ulan

~Fourth Chapter~

"Ice cream?" Tanong nito sa kaniya nang marating nila ang plaza ng subidivision. Kahit sa gabi ara maraming stalls nagbebenta ng pagkain dito. Sa gitna ay may isang napakalaking basketball court at ilang kabataang naglalaro. May maliit ring playground para sa mga bata, may swing, seesaw, sliding at kung anu-ano na pambata.

Sinamahan niya ito para naman at least ay mapasaya niya ang binata at tutulungan niya itong makalimutan si Zoila. Pinangako niya sa sarili na babawi siya sa lihim niyang kasalanan.

"Um-um!" Tumango siya kasabay ng isang matamis na ngiti sa labi. "The usual flavor lang Kuya ha, basta huwag mo na isalin ng durian flavor! I hate it!"

"Silly little girl!" Ginulo nito ang kaniyang buhok. "Hey!" Angil niya at kunwari ay galit rito. Eversince nung dumating siya sa poder ng mga del Mundo ay tinuri siyang parang baby. "Wait for me over there," anito at tinuro ang bakanteng swing. Sinunod naman niya ang binata.

Umupo siya sa maliit na bangko ng duyan habang minamasdan si Sebastian. Makikita sa itsura nito na hindi ito okay, gusot ang damit at magulo ang buhok, pero kahit ganun pa man ang hitsura nito ay hindi maitatannging guwapo parin ito. He simply looks handsome! Wala nang ibang lalake para sa kaniya.

Pagkaraan ng tatlong minuto ay nilapitan siya ng binata. "Here you go..." Inabot nito ang cone ng order niyang ice cream. "Yey! Thank Kuya!" Abot hanggang mata ang ngiti niya, but then there is still this awkward feeling every time tinatawag niya itong 'Kuya'. Umupo ito sa katabing swing, at dahan-dahan kinakain ang ice cream nito.

"Naalala mo pa ba, dito tayo madalas magpunta pagpinapagalitan ni Mama?" Mahina nitong tanong sa kaniya na di man lang siya tinatapunan ng tingin. "Dito rin tayo madalas tumambay, dito ka rin nagbibisikleta habang hinihintay ko dumaan ang crush ko." Tumawa ito.

"Hahaha! Oo naman Kuya! Naalala ko tun, naalala ko rin kung paano ka binasted ng crush mo!" Sinabayan niya ang tawa ng binata.

"Oo kasi kasalanan mo!" He snorted. "You told Vianelle na hindi ako pa ako tuli!"

"Abah! Malay ko bang maniniwala siya dun, eh joke ko lang naman yun eh! Kasalanan niya kasi naniwala siya sa akin." Ngumuso siya. Ito yung unang kalokohang ginawa niya dati bago pa man niya na-realized na iba ang namumuong damdamin sa kaniyang puso para sa kinikilalang kapatid. Gusto kasi niya lahat ng atensiyon at pagmamahal ni Sebastian ay nakatuon lamang sa kaniya... KANYA lamang.

Alalang-alala niya nung bata pa siya at si Sebastian nama'y nasa fourth year hight school, may crush ito sa babaeng kapitbahay nila na nasa kabilang kalye lang naninirahan. Sa tuwing nasa plaza sila ng subidivision napapansin niyang laging tinititigan iyon ni Sebastian mula sa malayo, hindi pa niya alam kung ano ang kaniyang nararamdaman basta ang alam niya ay naiinis siya sa dalagita, lingid sa kanyang kaalaman ay nagpapadala pala ng love letter ang kaniyang Kuya rito, hanggang sa isang araw siya ang pinag-utusan nitong iabot ang liham sa dalagita, kaya naman nagkaroon siya ng chance para basahin ang nilalaman niyon.

"Eto miss," naaalala pa niya ang tagpong iyon. "Pinababigay sa'yo ni Kuya ko." Aniya kay Vianelle habang lihim na pinasadahan ng malditang tingin.

"S-salamat..." Nagniningning ang mga mata nito nang kunin iyon mula sa kaniya.  "Ikaw ba si Charlotte, kapatid niya?"

"Yes! Ako nga!" Tugon niya, nanatiling nakatayo siya sa harapan nito, hinihintay niyang buksan ng babae ang liham. Mukhang napansin naman ng dalagitang si Vianelle, kaya tumukhim ito.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon