Paghahanap
"Uhm...."
Nakatulog na pala ako kakaisip kagabi kung anong gagawin ko para makatulong. Naisip ko pa nga paano kaya kung tanggapin ko na lang yung hinihinging kapalit ng investors na kinausup nila mom and dad. Naisip ko rin paano kung panget yung anak nila kaya nila ipapakasal sa kasosyo nila. Ayokong pag sisihan habang buhay yun noh! Gusto ko namang magkaroon ng magaganda at gwapong anak!
Agad akong nagligo at bumaba sa sala para hanapin sila mom and dad.
"Manang sila mommy po?"
"Ma'am maagang umalis, ang sabi may aasikasuhin daw sila para sa hotel niyo."
"Manang diba po sabi ko sa inyo hija na lang hindi ho kasi ako komportable sa ma'am para po akong teacher niyan eh! Haha! Uhm sigee po salamat.
"Hindi rin po kasi ako sanay na hindi ma'am ang tawag sa amo ko."
Ito talagang si manang ilang taon na rin siya sa amin, at ilang taon ko na rin sinasabi na Hija na lang oh Anak ang itawag niya sa akin. Kasi kung ano ang tatanungin para ko ng pangalawang ina si manang sa sobrang pag aalaga niya sa akin.
"Sus si manang talaga. Masanay ka na kasi, ang tagal ko ng sinasabi yun sa iyo."
"Pero ma-"
"Wala na pong pero pero basta po sanayin niyo, kasi pag tinawag niyo pa po akong ma'am pababawasan ko po ang sweldo niyo." Sabay ngisi
Nakita ko ang pagkagulat ni manang sa narinig niya.
"Biro lang po! Hahaha hindi ko naman po gagawin yun!" Sabay yakap kay manang
"Ikaw talagang bata ka. Oh siya may niluto ako paborito mo, kumain ka na."
"Oh? Haha ano pong paborito ko? Marami po kasi yun haha!" Sabag tawa
"Lasagna"
"Wow! Salamat manang ! Dabest ka talaga !"
One of my favorite pasta food is lasagna. Sobra. Bigla tuloy akong ginanahanmag hanap ng investors nito. Sana may mahanap ako para makatulong sa business namin.
"Hay... pagod nako"
Reklamo ko sa sarili paano ba naman kanina pa ko paikot ikot dito wala akong mahanap na investors masyado na daw lugi ang kompanya namin baka daw biglang bumagsak at hindi nila makuha ang perang iinvest. Mga tao nga naman ngayon oh negative thinker. Kaya nga mag iinvest para lumago, hindi pabagsakin! Pssh nakakainis!
Uuwi na lang muna siguro ako hapon na rin nmn at baka nasa bahay na sila mom and dad. Pinuntahan ko na ang kotse kong nakapark malapit sa building ng huling investor na pinuntahan ko. 19 naman na ako kaya may license na at pinayagan na rin naman ako ni daddy magdrive mag isa. Hindi pa nga pala nila alam na naghahanap din ako ng investor, baka kasi pigilan nila ako pag nalaman nila. Kaya sa ngayon secret muna.
Pagtapat ng kotse ko sa gate namin agad itong binuksan ni manang nakita kong wala pa ang sasakyan ni daddy kaya ayun ligtas ako sa Q and A kung nagkataon.
Dumiretso ako sa kwarto ko para magshower. Masyadong mainit sa labas kanina nakakapaso. Pagkatapos kong magshower bumaba ako para tignan kung ano ang niluluto ni manang sa ibaba.
"Manang!" Sigaw ko mula sa likod nito
Napansin ko medyo nagulat si manang kaya napaharap ito sa akin.
"Hija anong ginagawa mo dito?"
Aba ija na ang tawag sa akin ni manang ah. Natuto rin sa wakas!
"Ayieh! Hija na tawag sa akin ni manang. Hahaha !" Pang aasar ko
"Ito talagang batang to! Hahaha! Ano ngang ginagawa mo dito? Pumanik ka na sa taas at tatawagin na lang kita pagluto na ito."
"Uhm okay lang po, dito na po ako. May pwede po ba akong maitulong?"
"Wala na hija pinapakulo ko na lang ito"
"Ah sige po, hintayin ko na lang po sila mommy."
"Oo nga pala hija saan ka nanggaling kanina? Pag uwi mo mukhang pagod na pagod ka."
"Ah. Naghanap po ako ng pwedeng mag invest sa business namin. Nalulugi na po kasi ito."
"Nabanggit nga ito sakin ng mommy mo. Kamusta naman ang paghahanap mo? May nahanap ka ba?"
"Sa kasamaang palad po.... wala po akong nahanap. Lahat po ayaw sa business kasi palugi na daw po ito, baka daw po mawala yung pera nila ng ganun ganun lang."
"Ganun ba hija?"
"Opo. Manang sana po hindi po muna ito makarating kila mom and dad. Ayoko pong malaman nila, saka na po pag nakahanap na ako ng investors. Panigurado po hindi sila papayag eh.
"Makakaasa ka hija. Sana naman may patunguhan yang paghahanap mo."
"Salamat po manang."
Bumalik na si manang sa niluluto niya.
Maya-maya narinig kong may bumusina sa tapat ng bahay namin. Baka sila mommy na yun.
"Manang ako na po" Sabi ko ng umamba si manang na pupunta sa pinto.
"Oh sigee hija"
Pagkalabas ko ng pinto nakita ko ang bmw ni daddy sa tapat ng gate. Dali-dali akong tumakbo upang pagbuksan sila ng gate.
Diniretso ni daddy ang kotse niya sa garahe ng mga sasakyan namin. Bumaba si mommy and daddy.
"Bakit ikaw ang nagbukas ng gate? Asaan si kuya Larry at si manang?"
"Uhm si manang po nagluluto sa kusina, si kuya Larry po baka nasa kwarto nila."
Kanina ko pa nga d napapansin si kuya Larry, baka pagod at nagpapahinga na sa kwarto niya. May place dito sa bahay na si manang at si kuya larry ang nakatira. Nasa likod ito ng bahay namin pagkatapos ng pool area.
"Ganun ba? Oh sige pumasok na tayo sa loob" Aniya
Nang makapasok kami sa loob ng bahay nagpaalam si dad and mom na magahower daw muna sila, pagkatapos ay babalik na lang para kumain. Ako naman nagdiretso sa kusina para tumulang kay manang sa paghahanda ng hapag kainan.
"Dad kamusta po ang paghahanap niyo ng investors?" Singit ko habang kumakain kami
"Okay naman anak. Wala pa rin kaming nahahanap." Malungkot na sabi ni dad
"Ganun po ba? Hayaan niyo po makakahanap din po tayo... este makakahanap din po kayo"
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na ko sa aking kwarto, masyado ng mahaba ang araw at nakakapagod maghanap ng invetors habang tirik ang araw. Sana bukas maayos na ang lahat.
STAI LEGGENDO
Just go with the flow
Storie d'amoreA simple girl that will be married to a boy that she not love, because of their business problem. It will start her miserable life. Will she elude it or will she just go with the flow
