Nagsaulian ng Puso

30 1 0
                                        

January 2010

Mahirap pa lang magka-boyfriend ng gwapo noh?? Kahit kayo na at hayag na iyon sa public, marami pa rin talagang malalanding hayag din magpapansin sa boyfriend ko!!

Oo, boyfriend. Before magtapos ang sophomore years namin ay naging kami na. Aaminin kong careless ako. Alam ko talagang sa huli ako ang masasaktan eh.

Pero sa 2 years na pagiging mag-on namin ay kahit kailan di niya ako binigyan ng dahilan para masaktan. Naging loyal siya— di ko nga halos mapaniwalaan eh.

Maraming nagbibigay motibo sa kanya, yung iba pa nga ay harap-harapan eh. Mantakin mo bang sabihin mismo sa harapan mo na mas may maibibigay siya sa BOYFRIEND ko kesa sa akin!? Sarap nga lang talagang kutusan isa-isa!! Grr!!

In fairness na man sa kanya ay he'll proudly decline it at sasabihing...

'My girlfriend is more than enough.'

Oh diba!? Diba!? Lakas lang makasabog ng ovaries!! Shet!

At sa dalawang taon din na yun ay nasanay na kami sa relationship namin. I mean, gaya ng iba ay di rin kami perfect couple pero sa tinagal-tagal ng samahan namin ay natuto kaming mag-adjust para mag-meet halfway.

Ang pinakamalakas na kaagaw ko lang naman sa kanya ay ang responsibility niya bilang president ng SC. Grabe din ang tiwala sa kanya ng school at mga estudyante eh. Since sophomores kami ay siya na ang president hanggang ngayon na mag-g-graduate na kami.

A Casanova's AffectionWhere stories live. Discover now