"Magpahinga ka muna, Beth." Pigil nito.

"Pahinga ka muna, ate. Wag kang mag-alala, mahahanap natin si Kuya Ros." Turan ni Pubg.

"May awa ang diyos, alam kong uuwi si Ros ng ligtas dito." Dagdag ni Anthony.

Umiiyak pa ring tumango-tango na lamang ako sa sinabi nila. Tama, huwag muna ako mag-alala dahil hangga't di namin nakikita si Ros, alam naming buhay pa siya.

Niyakap naman ako ni Aling Martha para pagaanan ang loob ko. Hinagod-hagod pa nito ang likod ko para patahanin nito.

*****

Nagkukulong ako ngayon sa kwarto ko at mahigit limang oras na ako nandito. Hindi pa ako nag-aalmusal at wala pa kong balak lumabas para kumain ng tanghalian. Tulala lamang sa kisame habang nakahiga ako sa kama.

Itinaas ko ang aking kamay at kunyari inaabot ko ang ding-ding. Natigilan na lamang ako nang makita ang sing-sing sa daliri ko. Naalala ko na lamang ang isang alaalang dahil dito.

**Flashbacks**

"Lady Beth."

"Hmm?"

"What if my memory came back, I was a bad person. Will you leave me?" Tanong na lamang nito.

"Bad person? It's not obvious to you." React ko kaagad. Napaisip rin ako na dahilan natahimik ako."If your memory comes back and you are a bad person, I will change you. I will help you change and change what you were used to." Nakangiting sagot ko.

"You won't leave me even if you know I'm a drug user?" Tanong nito.

"Oo naman." Nakayakap pa rin nito sa akin na sagot ko.

"Kahit drug lord ako?"

"Oo." Sagot ko.

"Mamatay-tao?"

"Yes." Natatawang sabi ko.

"A thief?"

Tumango ako.

Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin. Bagkus pumunta siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko. Napaka-romantic na hinalikan niya ang likod ng palad ko. Nakakaakit na tumingin siya sa mga mata ko.

Nagulat na lamang ako na may nilagay siya sa daliri ko ng isang sing-sing. Sing-sing na mukhang bili lamang sa labas.

"Next time, I'll give you a real ring." Nakangiting sabi niya sa akin.

Tiningnan ko naman ang sing-sing na bigay niya sa akin. Sobrang sarap sa damdamin ang nararamdaman ko ngayon. Nakangiting bumaling ako sa kanya. Nagtitigan kaming dalawa na may ngiti sa mga labi namin.

**End of flashbacks**

Napabangon na lamang ako sa pagkakahiga ng makarinig ng ingay mula sa labas ng kuwarto.

Bumangon naman kaagad ako at tumungo sa pintuan. Pagbukas ko nang pintuan, naabutan ko namang nagulat sila Aling Martha sa balita ni kapitan halos napasapo sila sa kanilang bibig.

"Jusko maryosep!" Di makapaniwalang bulalas ni Aling Martha halos napakapit pa ito sa ding-ding sa narinig na balita.

"Bakit? May balita na kay Ros?" Tanong ko kaagad dito.

Sabay-sabay na napatingin naman sila sa aking lahat.

JOHNSER SY POV:)

Pagkababa ko ng kotse, nakita naman ako kaahad ni Aling Martha halos napatigil ito sa pakiki-chismisan.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Where stories live. Discover now