Natigilan siya at tumingin sa akin kaya pinakita ko sa kanya ang susi ng Civic.


"Ingat ka. Bibisita ako mamaya sa ospital kila Zach. Baka magpasundo na lang ako kay Zane." Sabi niya.


"Ingat na lang din kayo. Alis na ko." Sabi ko at lumabas na ng bahay.


Pina-alarm ko ang Civic at binuksan ang pinto ng driver's seat. Pinatakbo ko ang makina ng Civic saka ako nagmaneho ng tamang bilis. Tumingin ako sa relo ko at napansing maga-alas dos pa lang ng hapon. Sana makarating agad ako sa SAH para pagkatapos ng isa kong tuturuan ay makausap ko agad ang principal at makauwi rin agad.


Nakarating ako within 20 minutes. Nginitian ko ang guard na sinaluduhan naman ako. Dumiretso ako sa auditorium at nandoon na ang bata sa may stage. Nangangapa siya ng nota kaya agad akong lumapit doon para maturuan siya.


"F mo and then G tapos A minor." Turo ko sa bata.


Napakamot siya ng ulo kaya hinawakan ko siya sa baba para patinginin sakin. Nginitian ko siya and he smiled back. So cute!


"Watch my fingers and how I strum, okay?" Sabi ko na tinanguan niya.


Ginawa ko ang tinuturo sa kanya. Palipat lipat ang tingin niya at ginagaya niya na rin gamit ang gitara niya. Dinagdagan ko na rin dahil nasa may chorus na rin lang naman kami, madali na lang ito. Pinasubukan ko ulit sa kanya at nang nakuha niya ay pumalakpak ako.


"That's great!" Sabi ko at itinira ang hintuturo ko. "Last one! But, while singing. Is it okay?" Tanong ko.


"Okay!" Aniya at ngumiti sa akin.


Nag-strum ulit ako at nang hindi siya sumabay ay hinintay ko siya saka ko inulit. Nang magkasabay kami saverse at dumating na sa chorus ay pinabayaan ko na siyang tumugtog sa gitara at ako ang kumanta.


"Baby you're all that I want

When you're lying here in my arms

I'm finding it hard to believe, we're in heaven."

"And love is all that I need

And I found it there in your heart

It isn't so hard to see

We're in heaven"


Pagkatapos kong kumanta ay tumigil na siya sa pag-gigitara. Pumalakpak kaming dalawa at tinulungan ko na siyang magligpit. Sabay kaming lumabas ng auditorium. Pinabantayan ko siya sa guard saka ko kinausap ang bata. He even kissed me on my cheeks. Such a cutie!


Pumunta naman ako sa principal at nakipag-usap. Tuturuan ko lang ng ilang linggo ang bata na tinuruan ko kanina at aalis na ako. I have to handle our company once I get married. We visited eomma and appa last tuesday tulad ng napag-usapan and they taught us about the company.


Sa Sabado... Sa Sabado na ang kasal namin ni Kurt. Everything is arranged at ang mga invitation ay pinamigay na. Pinag-isipan ko pa noon kung bibigyan ko si Chase but I'm not insensitive. I'm going to hurt him if I ever did that and I can't hurt him that much.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now