Mabilis natapos si Kurt saka pa lang nakalabas ng CR si Ina. Yun pa rin ang suot niya ang kinaibahan lang ay may nakapulupot na tuwalya sa buhok niya saka siya lumapit sa akin.
"Tayo maglalaro, kambal. Patay ka sakin." Aniya at nagsimula kami ni Ina.
Akala ko matatalo ko si Ina pero ako lagi ang nahahanap niya. Parang kinabisado niya pa yung map mahanap lang yung pinagtataguan ko. Ina is a freak!
Sinipa ko siya ng marahan sa binti at ganoon ang ginawa niya sa braso ko.
"Ang daya mo Ina! Kabisado mo ba yung mapa?" Sigaw ko dito.
"Hindi ako madaya! Kaya mo napapatay si Kurt kasi pinagbibigyan ka ng fiance mo. Hindi mo ko fiance, Irina. Kaya lagot ka sakin." Aniya at napatay niya ulit ako.
Napatili ako at tumawa ng malakas si Ina dahil natapos ang laro. Nalagpasan niya ang score ko nung una hanggang sa umabot sa goal na score. Napahiga ako sa sahig habang hawak ang controller.
Lumapit na si Kurt at inilahad ang kamay niya sakin. Hinawakan ko ang kamay ni Kurt para makatayo ako. Natatawa rin siya sa amin ni Ina at ang kambal kong malakas ang tama ay patuloy sa paghalakhak ng malakas sa may sofa. Umiling si Kurt at ginulo ang buhok ko.
"Pagkatapos ng meeting ko mamaya at pag-uwi ko, tayo ang maglalaban Ina." Sabi ni Kurt.
Huminto si Ina at pinunasan ang gilid ng mata. Naluha pa kakatawa.
"Oh sige ba!" Sagot ni Ina.
Tumayo na siya at kinusot ang buhok gamit ang tuwalya. Pumunta siya sa kusina kaya bumaling ako kay Kurt.
"Aalis na ko. Inform me kung aalis ka, will 'ya?" Sabi niya.
"Speaking of aalis, pupunta ako ng SAH mamaya. I'm informing you now. I need to talk to the principal." Sabi ko.
"Okay. Basta pag-uwi ko, dudurugin ko si Ina para sa'yo." Sabi nito sakin.
Sabay kaming napatingin sa kusina kung saan sumigaw si Ina.
"You wish, Kurt!" Sigaw nito.
Napailing si Kurt at humalik na sa noo ko saka siya lumabas ng bahay. The next thing I heard is Kurt's car leaving the house. Tumayo ako at pinatay ang Xbox saka ako pumanhik papunta sa kwarto namin ni Kurt. Mabilis akong naligo at nagbihis ng simpleng kulay grey na v-neck shirt at itim na skinny jeans. Tiniklop ko ang dulo ng pants ng dalawang beses saka ako nagsuot ng white low-cut shoes.
Kinuha ko ang guitar case kung saan nasa loob ang gitara at inilagay sa likod ko ang case saka isinabit sa balikat ko. Sinabit ko sa kabilang balikat ko naman ang shoulder bag kong maliit saka ko kinuha ang spare key ng Civic. Pagbaba ko ay nagsasayaw si Ina mag-isa sa harap ng TV.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 38
Start from the beginning
